Bitcoin vs. Bitcoin Cash
Nag-iisip tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng Bitcoin at Bitcoin Cash? Hindi ka nag-iisa. Ang dalawang mga crypto asset na ito ay nagbabahagi ng maraming pagkakatulad bukod sa kanilang mga pangalan lamang.
Sa katunayan, ang Bitcoin Cash (BCH) ay nilikha sa pamamagitan ng tinatawag na "hard fork" ng Bitcoin (BTC), nangangahulugang ang dalawang mga assets ay nagbabahagi ng isang karaniwang code base, design scheme at transaction history.
Sa pangkalahatan, alamin na ang karamihan sa mga cryptocurrency ay batay sa open-source code, na nangangahulugang ang anumang developer ay maaaring magmungkahi ng mga pagbabago sa pagpapatakbo ng mga software user. Kasama rito ang kakayahang kopyahin ang code base, baguhin ang ilang mga feature at simulan ang isang ganap na bagong proyekto.
BITCOIN
Nakikita ng Bitcoin ang layunin nito bilang alternatibo sa mga pera ng gobyerno at kontrol ng bangko Sentral sa kanilang pagpapalabas. Kaya ang mga developer nito ay hinde pinaprayoridad ang mga pagbabago na maaaring magpahina ng panukalang ito, tulad ng pagbabago ng halaga ng oras na kinakailangan upang lumikha ng mga bagong blocks.
BITCOIN CASH
Ang Bitcoin Cash ay nilikha ng mga user na naramdaman na ang Bitcoin ay dapat magdagdag ng mga feature na gagawing mas mapagkumpitensya sa tradisyunal na mga sistema ng pagbabayad tulad ng Visa at Paypal, tulad ng pagtaas ng block size at pagpapababa ng mga bayarin na binabayadan ng mga user upang magpadala ng mga transaksyon.
Kaya, habang sila ay nakapagsimula mula sa parehong code base at grupo ng user, dapat malaman na ang Bitcoin at Bitcoin Cash (BTC vs. BCH), ay lubos na naiiba ngayon, lalo na sa kanilang diskarte sa pangkalahatang pilosopiya ng disenyo. Matuto ng higit pa tungkol sa Bitcoin vs. Bitcoin Cash sa ibaba.
Ang pagkakaiba sa pagitan ng Bitcoin at Bitcoin Cash
Bitcoin
Ang Bitcoin ay isang open-source software na nagpapahintulot sa global user base nito na mamahala sa digital money supply na labas sa kontrol ng gobyerno o bangko sentral.
Nilikha ito bilang tugon sa krisis sa ekonomiya sa buong mundo noong 2008 bilang isang paraan upang labanan ang inflation. Sa katunayan, ang unang block na na-mina ay naglalaman ng mensahe: “The Times 03/Jan/2009 Chancellor on brink of second bailout for banks,” ang mensaheng pinaniwalaan ng lahat na nagsilbi bilang revolutionary intent ng proyekto.
Pinapayagan ng Bitcoin software ang mga computer na nagpapatakbo nito upang pamahalaan ang isang ledger (ang blockchain) na nag-a-account para sa lahat ng mga transaksyon na ginawa gamit ang currency nito(BTC) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba't ibang mga patakaran.
Ang Bitcoin blockchain ay isang buong record ng kasaysayan ng transaksyon ng network na napatunayan ng mga node, o mga indibidwal na nagpapatakbo ng software nito. Tinitiyak nito na ang bawat BTC ay hindi makokopya o mababago, at ang mga bitcoin ay hindi maaaring malikha o magamit sa paraang labag sa mga panuntunan nito.
Ang mga Bitcoin ay kakaunti, mahahati at maililipat, mga dahilan upang gawin silang isang mahalagang alternatibong pera.
Bitcoin Cash
Nagbabahagi ng parehong mga layunin ang Bitcoin Cash at Bitcoin. Naiiba lamang ito sa kung paano gumawa ng desisyon sa disenyo upang mapagtanto ang mga layuning ito.
Halimbawa, naniniwala ang mga tagasuporta ng Bitcoin Cash na ang halaga ng Bitcoin ay malapit na mai-u-ugnay sa utility nito bilang isang paraan ng pagbabayad, at kailangan gumawa ang Bitcoin ng mga pagbabago upang mapangalagaan ang mga pag-aaring ito.
Sa panahong iyon, nakita ang malawakang gamit sa Bitcoin, at tumataas ang mga bayarin na kinakailangan upang mabayaran ang mga transaksyon, kung paminsan sa daan-daang dolyar.
Upang babaan ang mga bayarin ng Bitcoin, naisip ng mga tagasuporta ng Bitcoin Cash na taasan ang sukat ng bloke ng Bitcoin sa 8 MB, galing sa 1 MB, na tinataasan ang bilang ng mga transaksyon na maaaring kasama sa bawat bloke.
Tinanggihan ng mga tagasuporta na Bitcoin ang ideya, dahil naniniwala silang magkakaroon ito ng matinding kahihinatnan para sa ekonomiya ng network. Ang naging counter argument ay may maraming mga nagiging matagumpay na mga internet startup na sumuporta sa aktibidad ng consumer, at maaaring magbigay ng katuturan para sa Bitcoin noon.
Bilang resulta, ang mga taga-suporta ng Bitcoin Cash ay nakalikha ng bagong blockchain upang subukan ang teorya.
Mga Makabuluhang resource
Kung interesado kang matuto nang higit pa tungkol sa BTC at BCH, mangyaring bisitahin ang Kraken “Ano ang Bitcoin?” and “Ano ang Bitcoin Cash?” pages.
Nais mo ba ng masusing impormasyon sa partikular na mga cryptocurrency at blockchain na mga proyekto? Kung gayon, ay bisitahin ang aming Learn Center upang maisulong ang iyong edukasyon tungkol dito