Kraken

Cardano vs. Ripple

Kung nagsisimula ka palang sa pag-invest sa cryptocurrency, malamang ay narinig mo na ang tungkol sa Cardano (ADA) at Ripple (XRP), dalawa sa mga pinakamalaking blockchain sa mga tuntunin ngcrypto market cap.

 

Habang likas na magkaiba ang mga network, maaari mong gamitin ang gabay na ito upang maunawaan kung paano naiiba ang Ripple at Cardano sa kanilang mga pilosopiya at kanilang paraan tungkol sa disenyo. 

Cardano vs Ripple
Cardano

CARDANO

Ang Cardano ay isa sa mga nakikipagkumpitensya sa proof-of-stake na mga blockchain na nag bibigay daan sa mga may-ari ng ADA cryptocurrency upang tulongang mapatakbo ang network nito at bumoto sa mga pagbabago sa mga tuntunin ng software nito.

Ripple

Ripple

Ang Ripple, sa pagsisikap na hamunin ang tradisyonal na mga transaksyon, ay nagpakita ng bagong paraan ng pagpapatakbo ng transaksyon ng blockchain at sistema ng talaan ng pagbabayad kasama nito ang cryptocurrency na XRP.

Upang higit na maunawaan kung paano gumagana ang dalawang complex na network, basahin sa ibaba ang side-by-side comparison ng Ripple vs Bitcoin para maumpishan mo na maintindihan at ma-appreciate ang kanilang pagkakaiba.

Ang pagkakaiba ng Cardano at Ripple

Cardano

Ang pangunahing kaso sa paggamit ng Cardano ay upang payagan ang mga transaksyon sa native nitong cryptocurrency, ang ADA, at upang paganahin ang mga developer na bumuo ng mga ligtas na desentralisadong aplikasyong pinapatakbo nito.

 

Gayunpaman, naiiba ang Cardano sa ibang mga proyekto ng blockchain dahil sa pagbibigay diin sa isang diskarte na hinihimok ng pananaliksik sa disenyo, at naglalayong makamit ang isang pagka-akademiko na pinaniniwalaang magtutulak ng paghihiram ng teknolohiya nito.

 

Maski hindi man mapangako ng Cardano ang mga bagong ground-breaking na feature, maaaring makita pa rin ng mga gumagamit at developer na ang cryptocurrency nito ay nagbibigay ng magandang optimization batay sa siyentipikong pananaliksik at pormal na beripikasyon, isang proseso kung saan ang code ay napatunayan sa matematika.

 

Dagdag dito, pinalabas ang Cardano sa mga yugto at nakita dito ang 5 pangunahing pag-upgrade sa platform mula noong 2017, kasama na ang Byron, na pinagana ang paglipat para sa ADA cryptocurrency sa kauna-unahang pagkakataon at ang Voltaire, na nagpakilala ng isang bagong modelo kung paano maaaring pondohan ng mga gumagamit ang pag-unlad para sa mga pagbabago sa software. 
 

Ripple

Nilikha ang XRP upang umakma sa tradisyonal na pagbabayad sa pamamagitan ng paglipat ng mga transaksyon na nangyayari ngayon sa loob ng mga institusyong pampinansyal sa isang mas bukas na imprastraktura.

 

Upang mapagana ang XRP, tinayo ng Ripple ang XRP ledger, isang software na nagpakilala ng isang bagong paraan ng pagpapatakbo ng isang transaksyon at sistema ng mga record ng isang blockchain

 

Tulad ng Bitcoin, pinapayagan ng XRP ledger ang mga gumagamit na makapagpadala at makatanggap ng XRP cryptocurrency gamit ang mga digital na lagda.

Mga makabuluhang resource

Kung interesado kang matuto nang higit pa tungkol sa Cardano at Ripple, mangyaring bisitahin ang aming Ano ang Cardano ADA? at Ano ang Ripple XRP? na mga pahina sa Kraken.

 

Nais ng higit na malalim na impormasyon tungkol sa mga cryptocurrency at mga blockchain project? Kung gayon, bisitahin ang aming Learn Center upang maisulong ang iyong kaalaman sa patuloy na lumalaking lugar na ito.