Ripple vs. Bitcoin
Kung ikaw ay nagsisimula palang sa cryptocurrency o kaya'y maalam ka na kung paano ito gamitin, malamang sa malamang ay narinig mo na ang Ripple (XRP) at Bitcoin (BTC).
Baka nga'y napunta ka sa page na 'to para maintindihan kung paano natatangi ang Ripple at Bitcoin. Nasa tamang daan ka dahil ang pagkumpara sa dalawang crypto assets ay ang pinakamadaling paraan upang matuto ukol dito.
Suriin pa natin ang pagkakaiba ng Bitcoin at Ripple.
RIPPLE
Ang Ripple ay naglahad ng bagong paraan ng pagpapatakbo ng transaksyon at sistema ng mga talaan sa blockchain para sa mga pagbabayad.
BITCOIN
Ang Bitcoin ay ginawa bilang sagot sa pag-manipula ng gobyerno sa pera, at naghahangad ito na maglingkod bilang alternatibo sa tradisyunal na mga currency ng gobyerno.
Upang higit na maunawaan kung paano gumagana ang dalawang complex na network, basahin sa ibaba ang side-by-side comparison ng Ripple vs Bitcoin para maumpishan mo na maintindihan at ma-appreciate ang kanilang pagkakaiba.
Ang pagkakaiba ng Ripple at Bitcoin
Ripple
Nilikha ang XRP upang umakma sa tradisyonal na mga pagbabayad sa pamamagitan ng paglipat ng mga transaksyon na nangyayari ngayon sa loob ng mga institusyong pampinansyal sa isang mas bukas na imprastraktura.
Upang mapagana ang XRP, gumawa ang Ripple ng XRP ledger, isang software na nagpakilala ng isang bagong paraan ng pagpapatakbo ng transaksyon ng blockchain nito at sistema ng mga talaan .
Tulad ng Bitcoin, pinapayagan ng XRP ledger ang mga gumagamit na makapagpadala at makatanggap ng XRP cryptocurrency gamit ang digital na mga lagda.
Bitcoin
Ang Bitcoin ay isang open-source software na nagpapahintulot sa global user base na mamahala sa digital money supply na labas sa kontrol ng gobyerno o bangko sentral.
Nilikha ito bilang tugon sa krisis sa ekonomiya sa buong mundo noong 2008 bilang isang paraan upang labanan ang inflation. Sa katunayan, ang unang block na na-mina ay naglalaman ng mensahe: “The Times 03/Jan/2009 Chancellor on brink of second bailout for banks,” ang mensaheng pinaniwalaan ng lahat na nagsilbi bilang revolutionary intent ng proyekto.
Pinapayagan ng Bitcoin software ang mga computer na nagpapatakbo nito upang pamahalaan ang isang ledger (ang blockchain) na nag-a-account para sa lahat ng mga transaksyon na ginawa gamit ang currency nito(BTC) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba't ibang mga patakaran.
Ang Bitcoin blockchain ay isang buong record ng kasaysayan ng transaksyon ng network na napatunayan ng mga node, o mga indibidwal na nagpapatakbo ng software nito. Tinitiyak nito na ang bawat BTC ay hindi makopya o mabago, at ang mga bitcoin ay hindi maaaring malikha o magamit sa paraang labag sa mga panuntunan nito.
Ang mga Bitcoins ay scarce, divisible at transferable, kaya't nagiging mahalagang alternatibo ito sa pera.
Mga makabuluhang resource
Kung ikaw ay interesadong matuto nang higit pa tungkol sa Ripple at Bitcoin, mangyaring bisitahin ang Kraken’s Ano ang Ripple (XRP)? at Ano ang Bitcoin (BTC)? na mga pahina.
Gusto mo ba nang mas malalim na impormasyon tungkol sa partikular na mga cryptocurrency at mga proyekto sa blockchain? Kung gayon ay, bisitahin ang aming Learn Center upang maisulong ang iyong edukasyon sa patuloy na lumalaking espasyong ito.