Kraken

Stellar vs. Ripple

Stellar (XLM) at Ripple (XRP), dalawang network na naglalayong pahusayin ang kadalian ng pagkumpleto ng mga transaksyon para sa mga provider ng pagbabayad at mga institusyong pampinansyal, ay madalas na inihahambing sa isa't isa. 

 

Sa katunayan, si Jed McCaleb, ang lumikha ng Stellar, ay nagsilbi bilang Chief Technology Officer (CTO) ng Ripple bago umalis sa proyekto upang lumikha ng Stellar Lumens. 
 

ripple vs stellar lumens
Stellar (XLM)

STELLAR (XLM)

Ang Stellar ay nilikha upang hamunin ang tradisyonal na mga transaksyon sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga user nito na magpadala ng pera at mga asset sa buong mundo at may intensyong i-target ang hindi nakakapag-bangko.

Ripple XRP vs Stellar Lumens XLM

Ripple (XRP)

Ang Ripple, sa pagsisikap na hamunin ang tradisyonal na mga transaksyon, inilahad ang isang bagong paraan ng pagpapatakbo ng isang transaksyon sa blockchain at mga record system para sa mga pag-areglong pagbabayad, unang-una ang pag-target sa mga banko.

Upang maunawaan ng mabuti ang mga pagkakapareho at pagkakaiba sa pagitan ng dalawa, ipagpatuloy ang pagbabasa sa detalyadong paghahambing nang magkatabi sa Stellar at Ripple sa ibaba.

Ang pakakaiba ng Stellar at Ripple

Stellar

Nilikha ang Stellar na may layuning baguhin ang paraan ng pandaigdigang paglipat ng mga pera at asset at inilarawan ito bilang pangkalahatan mula sa pagiging payment rail hanggang sa isang palitan. 

 

Nagbibigay ng insentibo ang Stellar platform sa isang ipinamahaging network ng mga computer na nagpapatakbo ng isang software at nagbibigay-daan sa sinuman na makapagpadala ng pera at mga asset sa mga paraang naging tradisyonal na sa domain ng mga payment provider.

 

Naiiba ang Stellar mula sa Ripple sa mga pagtatangka na iposisyon ang sarili nito bilang isang uri ng desentralisadong palitan, na may isang built-in na order book na sinusubaybayan ang pagmamay-ari ng mga Stellar asset. Ang mga assets na ito ay maaaring ipagpalit sa platform nito sa pagitan ng mga user na gumagamit ng Stellar Lumens XLM cryptocurrency.

Ripple

Nilikha ang XRP upang umakma sa tradisyonal na pagbabayad sa pamamagitan ng paglipat ng mga transaksyon na nangyayari ngayon sa loob ng mga institusyong pampinansyal sa isang mas bukas na imprastraktura.

 

Upang mapagana ang XRP, tinayo ng Ripple ang XRP ledger, isang software na nagpakilala ng isang bagong paraan ng pagpapatakbo ng isang transaksyon at sistema ng mga record ng isang blockchain

 

Tulad ng Bitcoin, pinapayagan ng XRP ledger ang mga gumagamit na makapagpadala at makatanggap ng XRP cryptocurrency gamit ang mga digital na lagda.

Mga Makabuluhang resource

Kung interesado kang matuto nang higit pa tungkol sa Stellar at Ripple, mangyaring bisitahin ang Ano ang Stellar XML? at Ano ang Ripple XRP? na mga pahina ng Kraken.

 

Gusto ng mas in depth na impormasyon sa tukoy na mga cryptocurrency at mga blockchain project? Kung gayon, bisitahin ang aming Learn Center upang maisulong ang iyong kaalaman sa patuloy na lumalaking lugar na ito.