Kraken

Paano Bumili ng Algorand (ALGO)

Ang pinagkaiba sa teknolohiya ng Algorand ay sa pamamagitan ng disenyo nito na ginagawang mas madali para sa mga user upang makatulong na patakbuhin ang network at magantimpalaan ng bagong ALGO cryptocurrency na nililikha nito.


Sa katunayan, ang bagong ALGO cryptocurrency na nabuo ng software ay iginagawad sa bawat user na nagpapanatili ng balanse na hindi bababa sa 1 ALGO sa isang wallet na kinokontrol nila sa bawat bloke.

Hindi kailangan ng mga user na gumastos ng computing power o ng kuryente sa totoong mundo para makakuha ng bagong cryptocurrency, iginiit ng mga developer ng Algorand na ang blockchain nito ay maaaring mas mabilis na mapatunayan ang mga transaksyon, habang iniiwasan ang mga teknikal na isyu na nagpapahaba ng oras ng kumpirmasyon sa ibang mga disenyo.

Kung bago ka sa Algorand, tingnan ang aming gabay na “Ano ang Algorand?” para sa mas detalyadong impormasyon.


Handa ka na bang magsimula?

Kung ikaw ay isang dalubhasa at naghahanap na makakuha ng 1 ALGO kailangan mong simulan ang pakikilahok sa Algorand blockchain, magpatuloy at i-click lamang button sa ibaba.

Bumili ng ALGO

Bakit ka bibili ng ALGO?


Dapat mapanatili ng mga user ng Algorand na hindi bababa sa 1 ALGO ang kanilang balanse upang makakuha ng bahagi ng bagong cryptocurrency na ginagawa ng software sa tuwing may idaragdag na block sa blockchain.

Kapansin-pansin ito, dahil sa paglipas ng panahon, halos 20% (1.75 bilyon) ng 10 bilyong ALGO na lilikhain ay igagawad sa mga tumutulong sa pagpapatakbo ng network.

Tandaan: Hindi ka makakakuha ng mga reward kung pananatilihin mo ang iyong ALGO sa isang exchange – tulad ng Kraken! – at umasa dito para ma-secure ang iyong wallet. Hindi rin namin magagawang i-retroactive na i-reward ang ALGO sa mga user na maaaring nakakuha ng bagong crypto kung itinago nila ang kanilang mga pondo sa isang wallet na kanilang pag aari.

How to Buy algorand algo


Mga dahilan para bumili ng ALGO

  • Gamitin ito upang paandarin ang mga desentralisadong aplikasyon 
  • Pag-iba-ibahin ang iyong portfolio
  • Gumawa ng pangmatagalang pagtaya sa teknolohiya ng Algorand
  • Subaybayan ang market upang makakuha ng mga kita 

Saan makakabili ng ALGO?


May ilang paraan para makabili ng ALGO. Tulad ng anumang cryptocurrency, maaari mo itong bilhin nang direkta at personal mula sa ibang indibidwal o sa internet. O maaari mong subukang maghanap ng crypto ATM malapit sa iyo na nag-aalok ng ALGO. Gayunpaman, ang mga rate ng crypto ATM ay maaaring labis labis at walang garantiya na makakahanap ka ng katapat sa pakikipag trade.

Ang pinakamadaling paraan, gayunpaman, ay bilhin ito sa pamamagitan ng pinagkakatiwalaang global exchange, gaya ng Kraken.

Ang Kraken ay tinuturing bilang isa sa pinaka-secure at pinagkakatiwalaang crypto exchange sa mundo. Mahalaga ito dahil kapag nawala ang ALGO, halos imposible na itong mabawi. Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad gamit ang makabagong teknolohiya, mga patakaran, at mga pamamaraan na magpoprotekta mga pondo ng kliyente. Hindi kami nagkokompromiso pagdating sa seguridad, marapat na ikaw rin .


Gaano karaming ALGO ang maaari kong bilhin?

Naghahanap upang bumili ng ALGO base sa iyong badyet? Huwag mag-alala, ang Kraken ay mayroong minimum na order size na 15 ALGO para matulungan kang magkaroon ng exposure sa iba't ibang mga asset.

Siyempre, maaari ka ring magsagawa ng mas malalaking order sa pagbili ng ALGO. Hindi magiging kakaiba para sa malalaking trader na bumili o mag-trade ng 60,000 ALGO o higit pa sa Kraken.
 

Presyo ng ALGO

Paano bumili ng ALGO sa Kraken


Ginagawang ligtas at madali ng Kraken ang pagbili ng ALGO. Sundin lamang ang sumusunod na mga hakbang upang makapagsimula:

  1. Mag-sign up para sa isang Kraken account
    Ilagay lamang ang email address, pumili ng username at protektahan ang iyong account ng may isang  matatag na password.

  2. I-verify ang iyong account
    Gamit lamang ang pangalan, petsa ng kapanganakan, bansa ng paninirahan at numero ng telepono ay maari ka nang magsimulang magtrade ng mga cryptocurrency pair. Upang makabili ng ALGO gamit ang pera (tulad ng USD o EUR) kailangan mong ibigay ang iyong address, gayundin ang ibang pagkakakakilanlan at -proof-of-residence na mga dokumento. Matuto ng higit padito

  3. Mag-deposito ng crypto o pera
    Ang pagde-deposito ng crypto sa Kraken ay kasing dali ng paglilipat nito sa kahit anong crypto address. Nag-aalok kami ng iba't ibang paraan ng pagpopondo depende sa iyong lokasyon at mga kagustuhan. Hanapin sa pamamagitan ng aming mga dokumento ng suporta upang makapili ng pinakamahusay na pagpipilian para sa iyo.

  4. Simulang bumili ng ALGO!
    Kapag napondohan na ang iyong account, handa ka nang magsimulang bumili ng ALGO at iba pang mga cryptocurrency. Buksan lamang ang New Order page, punan ang order form at i-click ang BUY. Magkakaroon ka din ng access sa aming mga charting tool, 24-oras na global client support at mga advanced na pagpipilian tulad ng spot trading sa margin*.

*Ang pagkakaroon ng mga serbisyong ukol sa margin trading ay napapailalim sa ilang mga limitasyon at pamantayan.


24/7/365 Customer Support

Ang trading ay madali lamang! Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagbili ng ALGO, ipaalam sa amin. Ang aming mga support staff ay online buong araw, araw-araw, at handang tumulong.

Maaaring makipag-ugnayan sa amin anumang oras sa LiveChat o sa pamamagitan ng email.

buy algorand algo

Saan maaring itabi ang iyong ALGO


Kapag tapos ka nang bumili ng algorand, dapat kang maghanap ng paraan upang ma-secure ito. Ang ligtas na paraan ay ang paggamit ng isang wallet, isang aparato o application na nag-iimbak ng mga private at public key na kakailanganin mo upang gumawa ng mga transaksyon. 

Maraming uri ng wallet ang maaari mong gamitin upang mapanatiling ligtas ang iyong mga digital asset. Pinapadali ng mga mobile at web-based na wallet ang mga madalas na transaksyon. Ang mga hardware wallet ay pinakaangkop para sa ligtas, pangmatagalang imbakan. Kapag pipili ka ng crypto wallet, isipin kung ano ang plano mong gawin sa iyong mga token. Ang wallet na pinakaangkop sa iyong mga pangangailangan ay palaging ang tamang napili.


Ang Kraken ay hindi isang wallet service

Mahalagang tandaan na ang Kraken ay isang exchange service at hindi isang wallet service. Kung kaya't kahit pinahihintulutan namin ang mga kliyente na mag-hold ng fund sa amin habang ginagamit nila itong pang-trade, iminumungkahi namin na ihiwalay ang iyong mga holding sa maraming wallet. Kung sabagay, hindi mabuti na itago lahat ng iyong itlog sa isang basket, kahit sa ang isang protektadong ng makapangyarihang Kraken!

Tandaan: Ibig sabihin nito hindi ka maaaring kumita ng ALGO reward kung nanatili ang iyong cryptocurrency sa Kraken at umasa ka dito na ligtas ang iyong wallet. Para sa mga karagdagang detalye kung aling mga wallet ang maaaring makatulong sa iyo na lumahok sa prosesong ito, bisitahin ang opisyal na Algorand website.

Simulan ang pagbili ng ALGO


Kung handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at nais nang bumili ng Algorand, i-click ang button sa ibaba!

 

Bumili ALGO