Kraken

Paano Bumili ng Aragon (ANT)

Naghahanap na tumulong sa pamamahala ng decentralized autonomous organizations (DAO) na itinayo sa network ng Aragon?


Maaaring gusto mong isaalang-alang ang ANT coin, ang katutubong cryptocurrency ng Aragon na nagpapahintulot sa mga user na bumoto sa mahahalagang desisyon tungkol sa hinaharap ng proyekto.

Binuo sa ibabaw ng Ethereum, gumagana ang Aragon bilang isang open-source na software na ginagamit upang mapanatili at lumikha ng mga DAO sa blockchain nito.

Hindi pa sigurado kung bakit mo gustong bumili ng ANT token? Huwag mag-atubiling basahin ang aming gabay na ‘Ano ang Aragon?. Nag-aalok ito ng mas malawak na breakdown ng teknolohiya at pananaw nito. 


Handa ka na bang magsimula?

Kung ninanais mong umpisahan ang agarang pagbili ng ANT, i-click lamang ang button sa ibaba upang makapagsimula.

Bumili ng ANT

Bakit ka bibili ng ANT?


ANT token (minsan ay tinatawag din na ANT coin) ay nagbibigay sa mga user ng kakayahan na tumulong pamunuan ang Aragon protocol, pagboboto sa mga panukala upang matukoy ang mga pagbabago sa Aragon Network. 

how to buy aragon ant


Maaari mo ring isaalang alang ang pagbili sa ANT kung gusto mo:

  • Pag-iba-ibahin ang iyong pangmatagalang istratehiya sa pamumuhunan 
  • Mamuhunan sa mga proyekto sa pagbuo ng mga DAO
  • Bumili ng ANT para maging Hurado sa Aragon Court
  • Suportahan ang pagbuo ng mga application sa Ethereum.

Saan ako maaaring makabili ng ANT?


Maraming paraan sa pagbili ng ANT. Gayunpaman, marami ang natagpuang pinakamadali itong bilhin sa pamamagitan ng isang pinagkakatiwalaang pandaigdigang palitan tulad ng Kraken. 

Bukod sa pag-aalok ng mga pinakamababang bayarin sa industriya, patuloy na natuturing ang Kraken bilang isa sa pinakaligtas at pinagkakatiwalaang palitan ng crypto sa mundo. Ito ay mahalaga sapagkat kapag nawala ay iyong private key sa ANT, maaari itong maging mahirap kung hindi imposibleng mabalik ang iyong mga pondo. 

Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, na may subok na teknolohiya at mahigpit na mga pamamaraan na idinisenyo upang mapangalagaan ang mga pondo. Hindi namin tinitipid ang seguridad, kaya dapat ganun ka rin.


Magkano ang pwede kong bilhin na ANT?

Naghahanap upang bumili ng Aragon ANT ng naka-budget? Huwag mag-alala, ang Kraken ay nag-aalok ng minimum order size na 2 ANT  upang tulungan kang makakuha ng exposure sa iba't-ibang mga asset.

Siyempre, maaari ka ring mag-execute ng mas malaking mga buy order sa ANT. Hindi magiging iba para sa mga mas malalaking mga trader na bumili o mag-trade ng 1,100 ANT o higit pa sa Kraken.

ANT Price

Paano bumili ng ANT sa Kraken


Sundin ang mga hakbang sa ibaba upang simulan ang pagbili ng ANT sa Kraken: 

  1. Mag-sign up para sa isang Kraken account.
    Una, maglagay ng wastong email address, lumikha ng bagong username at magtakda ng malakas na password upang protektahan ang iyong account.

  2. I-verify ang iyong account. 
    Pagkatapos ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansang tinitirhan at numero ng telepono, maaari kang bumili ng ANT gamit ang mga cryptocurrency tulad ng ETH at DASH. Upang magamit ang cash (ie USD o EUR ), kakailanganin mong bigyan ang aming mga eksperto ng mga karagdagang pansuportang dokumento na nagpapatunay sa iyong pagkakakilanlan. Basahin ang tungkol sa aming mga proseso ng pag-verify dito. p>

  3. Magdeposito ng cash.
    Maaari mong pondohan ang iyong account sa maraming paraan. Kung paano mo ito gagawin ay depende sa iyong lokasyon at mga kagustuhan.

  4. Bumili ng ANT!
    Kapag napondohan na ng cash ang iyong account, handa ka nang bumili ng ANT. Sa puntong ito, magkakaroon ka rin ng access sa aming mga advance na tool sa pag-chart, 24 na oras na suporta sa pandaigdigang kliyente at ang kakayahang magamit ang spot trading sa margin*, mga feature na tumutulong na gawing mahal ng milyun-milyong pandaigdigang mangangalakal ang karanasan sa Kraken.

*Ang pagkakaroon ng mga serbisyo sa margin trading ay napapailalim sa ilang mga limitasyon at pamantayan sa pagiging kwalipikado .


24/7/365 Customer Support

Ang pakikipag-trade ay talagang napakasimple! Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagbili ng ANT, ipaalam sa amin. Ang aming support staff ay online buong araw, araw-araw, handang tumulong.

Maaari mo kaming maabot anumang oras sa LiveChat o sa pamamagitan ng email.

buy aragon ant

Saan maaring itabi ang iyong ANT


Kapag ikaw ay bumili ng ANT, mangangailangan ka ng ligtas na pagiimbakan ng iyong cryptocurrency. 

Ang Kraken ay ligtas, ngunit laging pinakaligtas na imbak ang iyong ANT sa isang wallet, isang software o hardware na aparato na nag-iimbak ng mga public at private key na kakailanganin mo upang gumawa ng mga crypto na transaksyon.

Ang Aragon ay isang platform na nilikha gamit ang Ethereum, ibig sabihin, ang ANT ay maaaring iimbak sa Ethereum na wallet, kung saan maraming klase nito. Ang mga mobile at web wallet ay maaaring gawing madali ang mga transaksyon, habang ang mga hardware wallet ay pinaka-angkop para sa ligtas at pangmatagalang pagiimbak. 

Kapag pipili ng crypto wallet para sa iyong ANT, isipin mo muna kung ano ang plano mong gawin sa iyong mga token upang makahanap ng wallet na angkop sa iyong pangangailangan.


Hindi wallet service ang Kraken

Mahalagang tandaan na ang Kraken ay isang exchange service at hindi wallet service. Kung kaya't maski pinapahintulutan namin ang mga kliyente na maghawak ng ANT sa kanilang mga account, lubos naming hinihikayat na ihiwalay ang iyong ANT holdings sa maramihang wallet. 

Simulan ang pagbili ng ANT


Handa nang gawin ang susunod na hakbang patungo sa pagpapatakbo ng DAO? I-click ang button sa ibaba para bumili ng ANT sa Kraken ngayon!