Kraken

Paano Bumili ng Bancor (BNT)

Bumili ng BNT


Nais mo bang makakuha ng exposure sa umuusbong na desentralisadong exchange market? Baka gusto mong kumita mula sa iyong crypto holdings sa Bancor.

Kung gayon, maaaring mong isaalang-alang ang BNT, ang native cryptocurrency token ng Bancor, isang automated market maker (AMM). Ang Bancor ay idinisenyo upang magbigay ng liquidity sa mga cryptocurrency market nang hindi nangangailan ng direktang pamamahala ng isang institusyong pinansyal.
 
Ang desentralisadong exchange ng Bancor ay nagbibigay ng insentibo sa mga user na i-lock ang cryptocurrency sa mga liquidity pool kapalit ng bahagi ng mga bayarin na binayaran kapag ang mga ito ay binili at ibinenta ng mga trader.

Hindi pa sigurado kung bakit mo gustong bumili ng BNT? Huwag mag-atubiling basahin ang aming Ano ang Bancor? na gabay, na nagbibigay ng mas malawak na breakdown ng teknolohiya at pananaw ng proyekto. 


Handa ka na bang magsimula?

Kung ninanais mong umpisahan ang agarang pagbili ng BNT, i-click lamang ang button sa ibaba upang makapagsimula.

Bumili ng BNT

Bakit ka bibili ng BNT?


Ang BNT cryptocurrency ay idinisenyo upang subaybayan ang paggamit ng platform ng Bancor, at ang bawat pool sa Bancor ay dapat magkaroon ng BNT. Habang idinaragdag ang liquidity sa mga pool ng Bancor, ang pangangailangan para sa BNT ay maaaring asahan na lalago.

how to buy bancor bnt


Maaari mong isaalang-alang ang pagbili ng BNT kung nais mo:

  • Magpahiram ng BNT sa isang liquidity pool at kumita ng higit pang cryptocurrency 
  • Mamuhunan sa mga desentralisadong mga exchange platform
  • Mag-stake ng BNT para lumahok sa pamamahala ng platform
  • Suportahan ang pagbuo ng mga aplikasyon sa Ethereum blockchain
  • Pag-iba-ibahin ang iyong pangmatagalang diskarte sa pamumuhunan sa crypto

Saan ako maaaring makabili ng BNT?


Bagama't may ilang paraan para makabili ng BNT, pinakamadali na ang pagbili nito sa pamamagitan ng pinagkakatiwalaang global cryptocurrency exchange tulad ng Kraken.

Patuloy na tinuturing ang Kraken bilang isa sa pinakaligtas at pinagkakatiwalaang crypto exchange sa mundo at nagbibigay ng pinakamababang bayarin sa industriya.

Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, gamit ang mga subok na teknolohiya at mahigpit na mga pamamaraan na idinisenyo upang pangalagaan ang iyong mga pondo. Mahalaga ito dahil kung mawala mo ang private key sa iyong BNT wallet, maaaring maging mahirap kung hindi imposibleng mabawi pa ang iyong mga pondo.


Magkano ang pwede kong bilihin na BNT?

Nais bumili ng maliit na halaga ng BNT? Huwag mag-alala. Sa Kraken, 1BNT lamang ang minimum na order. Ito ay upang matulungan kang magkaroon ng exposure nang hindi naglalagay ng malaking order.

Siyempre, maaari ka rin mag-execute ng mas malaking order sa pagbili ng BNT. Ang mga crypto trader ay bumibili o nagte-trade ng 30,000 BNT o higit pa sa Kraken exchange.

Presyo ng BNT

Paano bumili ng BNT


Sundin ang mga hakbang sa ibaba upang simulan ang pag-bili ng BNT sa Kraken: 

  1. Mag-sign up para magkaroon ng Kraken account.
    Ilagay ang email address, username at isang matatag na password upang maprotektahan ang iyong account.

  2. I-verify ang iyong account. 
    Matapos mong ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansa ng paninirahan, at numero ng telepono, maaari ka nang magdeposito ng crypto upang bumili ng BNT at iba pang cryptocurrency tulad ng BTC at ETHUpang magamit ang pera (tulad ng USD, EUR o CHF), kailangan mong ibigay sa aming mga eksperto ang mga karagdagang dokumento upang i-verify ang iyong pagkakakakilanlan. Basahin ang tungkol sa aming mga proseso ng pag-verify dito

  3. Magdagdag ng pondo o paraan ng pagbabayad sa iyong account.
    Sinusuportahan namin ang iba't ibang funding at paraan ng pagbabayad, alinman ang iyong piliin ay ibabatay sa iyong lokasyon at kagustuhan.

  4. Bumili ng Bancor BNT!
    Kapag nagdagdag ka na ng mga pondo o paraan ng pagbabayad sa iyong account, handa ka nang bumili ng BNT. Sa puntong ito, makukuha mo rin ang access sa lahat ng makapangyarihang produkto na nakakatulong upang ang karanasan sa Kraken ay mahalin ng ng milyun-milyong global trader.

Tandaan: Ang pagte-trade ng BNT ay hindi available sa mga residente ng USA, Canada, Australia at Japan sa panahong ito.


Agad na bumili ng BNT gamit ang isang credit card sa Kraken app

Kung ikaw ay baguhan sa crypto o isa nang dalubhasa na trader na naghahanap ng madaling paraan ng pagbili at pagbenta ng Bancor habang on the go, ang opisyal na Kraken app ay perpekto para sa iyo. Agad na bumili ng BNT gamit ang credit card, debit card o bank account. Dagdag pa dito, ang Kraken app ay pahihintulutan ka na panatilihin ang tabs sa iyong paboritong crypto projects at i-browse ang pinakatanyag o nangungunang mga performer bawat araw.

Bank account lamang ang available sa mga residente ng US. Ang pagbili gamit ang creditcard lamang ang available sa mga piling bansa dito.

Kunin ang app

buy bancor BNT

Saan maaaring itabi ang iyong BNT


Kapag ikaw ay bumili na ng BNT, ang iyong mga Bancor token ay maiimbak sa Kraken.

Ang Kraken ay ligtas, ngunit mas ligtas pa rin kapag itinabi mo ang iyong BNT sa wallet, ang isang device na software o hardware na nag-iimbak ng pampubliko at pang-pribadong mga key ay kinakailangan gumawa ng mga transaksyong crypto. Ito ay para mabigyan ka ng kontrol sa iyong mga sariling pondo ng crypto.

Kapag pumipili ng crypto wallet para sa iyong BNT, gumugol muna ng ilang oras sa pag-iisip tungkol sa kung ano ang plano mong gawin sa iyong mga token upang makahanap ng wallet na bagay sa iyong mga pangangailangan. Maaaring gawing madali ng mga mobile at web wallet ang mga transaksyon, habang ang mga hardware na wallet ay marahil pinakaangkop para sa ligtas at pangmatagalang pag-iimbak. 

Tandaan, ang Bancor ay isang platform na binuo sa ibabaw ng Ethereum, kaya ang BNT ay maaaring maimbak sa anumang Ethereum wallet.


Ang Kraken ay hindi isang wallet service

Mahalagang tandaan na ang Kraken ay isang exchange service at hindi isang wallet service. Kung kaya't habang pinapayagan namin ang aming mga kliyente na mag-hold ng BNT sa kanilang mga account, lubos naming hinihikayat na ihiwalay ang iyong BNT holdings sa maraming wallet. 

 

24/7/365 Customer Support

Ang pagte-trade sa Kraken ay madali at intuitive. Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagbili ng Bancor, ipaalam sa amin. Ang aming mga support staff ay online buong araw, araw-araw, handang tumulong.
Maaaring makipag-ugnayan sa amin anumang oras sa LiveChat o sa email.

Simulan ang pagbili ng Bancor


Handa ka na bang gawin ang susunod na hakbang tungo sa pag-aambag sa desentralisadong exchange protocols? I-click lamang ang button sa ibaba upang bumili ng BNT sa Kraken ngayon!