Kraken

Paano Bumili ng Cardano (ADA)

Naghahanap ng decentralized application (dapp) na platform na may mas akademikong diskarte pagdating sa pag-develop nito? Kung oo, maaaring bagay sa portfolio mo ang ADA cryptocurrency ng Cardano. 


Hindi tulad ng iba pang platform para sa mga dapp, priyoridad ng Cardano ang mga malapit na partnership sa mga academic at unibersidad, at ginagawa nito ang mga pag-upgrade sa code alinsunod sa mga partikular na mathematical na standard at review.

Marami pang puwedeng matutunan tungkol sa Cardano, kaya bumuo kami ng mas detalyadong panimulang gabay na nagpapaliwanag sa mga nangyayari sa loob ng teknolohiya ng platform at ng team sa likod nito. 

 


Handa ka na bang magsimula?

Kung gusto mo lang magsimulang mag-trade kaagad at mag-invest sa ADA, i-click ang button sa ibaba para magsimula.

Bumili ng ADA

Bakit magandang bumili ng ADA?


Sa pagbili ng ADA, naeenganyo ang mga namumuhunan sa siyentipikong pundasyon nito at naniniwala silang ito ay makatutulong na isulong ang pagpapatibay ng teknolohiya nito. Sa pagbili ng ADA, magagawa mo ring tumulong sa pagpapatakbo sa network at bumoto sa mga pagbabago sa software.

Pero mayroong iba pang dahilan para pag-isipang bumili ng ADA.

How to buy cardano ada


Halimbawa, baka gusto mong bumili ng ADA kung gusto mong:

  • I-diversify ang iyong pangmatagalang investment strategy 
  • Mag-day trade o kunin ang mga short-term na kita
  • Gamitin ang ecosystem nito ng mga decentralized application

Saan ako makakabili ng ADA?


Mayroong iba't ibang mga lugar kung saan maaari kang bumili ng ADA. Sa kabila nito, maaaring pinakamadaling bumili ng asset na ito sa isang pinagkakatiwalaang global exchange tulad ng Kraken. 

Sa Kraken, maraming mapagpipiliang mga crypto asset at tradisyonal na currency, nang may mahigit sa mga 100 trading pair. Ibig sabihin, gusto mo mang magbenta ng USD o magbenta ng BTC para sa ADA, makakapagbigay kami ng mahusay at aktibong global market na may deep liquidity. 

Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, gamit ang subok nang teknolohiya at mahihigpit na prosesong idinisenyo para protektahan ang mga pondo. Wala kaming tinitipid pagdating sa seguridad, at dapat ikaw din. 


Gaano karaming ADA ang puwede kong bilhin?

Nais bumili ng ADA na pasok sa iyong badyet? Huwag mag-alala, sa Kraken, may minimum na laki ng order na 25 ADA para tulungan kang makakuha ng exposure sa iba't ibang asset.

Siyempre, puwede ka ring gumawa ng mas malalaking buy order ng ADA. Hindi kakaiba para sa mga mas bigating trader na bumili o mag-trade ng 100,000 ADA o mas malaki pa sa Kraken.
 

Presyo ng ADA

Paano bumili ng ADA sa Kraken


  1. Mag-sign up para sa Kraken account
    Una, maglagay ng valid na email address, gumawa ng bagong username at magtakda ng matibay at secure na password para protektahan ang iyong account.

  2. I-verify ang iyong account
    Pagkatapos mong ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansang tinitirhan at numero ng telepono, makakabili ka ng ADA gamit ang mga cryptocurrency tulad ng ETH at BTC. Para makagamit ng cash (ibig sabihin, EUR o GBP), kakailanganin mong magbigay sa aming mga eksperto ng mga karagdagang pansuportang dokumentong nagve-verify sa iyong pagkakakilanlan. Magbasa tungkol sa aming mga proseso ng pag-verify dito.

  3. Magdeposito ng cash.
    May ilang paraan para mapondohan mo ang iyong account. Nakadepende sa lokasyon at mga kagustuhan mo kung paano mo ito gagawin. 

  4. Bumili ng ADA!
    Kapag may cash na ang account mo, puwede ka nang bumili ng ADA. Sa puntong ito, magkakaroon ka rin ng access sa aming advanced na mga charting tool, 24-hour na global client support at kakayahang gumamit ng spot trading sa margin*, mga feature na nakakatulong sa kung bakit Kraken ang pinipiling platform ng milyon-milyong trader sa buong mundo.

*Nakadepende sa ilang partikular na limitasyon at pamantayan sa pagiging kwalipikado kung magagamit ang mga margin trading na serbisyo.


24/7/365 Customer Support

Napakasimple lang talaga ng pagte-trade! Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa pagbili ng ADA, ipagpaalam sa amin. Ang aming support staff ay online buong araw, bawat araw, at handang tumulong.

Makakaugnayan mo kami anumang oras sa LiveChat o sa email.

buy cardano ada

Saan magandang itabi ang iyong ADA


Kapag bumili ka ng ADA, kakailanganin mo ng ligtas na mapagtataguan ng iyong cryptocurrency. 

Secure ang Kraken, pero palaging pinakaligtas na itabi ang iyong ADA sa isang wallet, na isang software o hardware device na nagtatabi ng mga public at private key na kinakailangan para magsagawa ng mga transaksyon sa crypto.

Maraming uri ng ADA wallet na available. Mapapadali ng mga mobile at web wallet ang mga transaksyon, habang maaaring pinakamainam ang mga hardware wallet para sa secure at pangmatagalang storage. 

Kapag pumipili ng crypto wallet para sa iyong ADA, pag-isipan muna kung ano ang plano mong gawin sa mga token mo para maghanap ng wallet na bagay sa mga pangangailangan mo.


Ang Kraken ay hindi isang wallet service

Mahalagang tandaang exchange service ang Kraken at hindi ito wallet service. Kaya bagama't nagbibigay-daan kami sa mga kliyente namin na magkaroon ng ADA sa kanilang mga account, lubos ka naming hinihikayat na paghiwa-hiwalayin ang anumang token na pagmamay-ari mo sa maraming wallet. 

Simulan ang pagibili ng ADA


Kung handa ka nang magsimula, i-click ang button sa ibaba para bumili na ng ADA sa Kraken!