Kraken

Paano Bumili ng Compound (COMP)

Naghahanap na kumita ng pera sa pamamagitan ng pagpapahiram ng iyong mga crypto asset? O baka naghahanap ka na humiram ng pera nang hindi kinakailangang ibenta ang pinakamahusay na mga pagpipilian mula sa iyong portfolio?


Maaaring gusto mong isaalang-alang ang paggamit ng Compound, isang protokol na may program na tumatanggap ng mga crypto deposit mula sa mga gumagamit nito at pinapahiram sila sa mga borrower, lahat nang hindi nangangailangan ng isang tradisyonal na tagapamagitan sa pananalapi. 

Sa halip, itinayo sa tuktok ng Ethereum blockchain, ang Compounday isang pagsasama-sama ng mga interest rate market kung saan maaaring kumita ang mga gumagamit sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga crypto asset sa protokol.

Hindi pa rin sigurado kung bakit mo nanaising bumili ng COMP? Huwag mag-atubiling basahin ang aming ‘Ano ang Compound?’ na gabay. Ito ay nag-aalok ng isang mas malawak na breakdown ng teknolohiya at pananaw. 


Handa ka na bang magsimula?

Kung nais mo lamang simulan kaagad ang pagbili ng COMP, i-click lamang ang button sa ibaba upang makapagsimula.

Bumili ng COMP

Bakit ka bibili ng COMP?


Sa pamamagitan ng pagpapautang ng mga cryptocurrency sa Compound, makakatanggap ka ng interes sa COMP, ang native na cryptocurrency ng Compound. Ang iyong interes ay kasunod sa pag-compound sa bawat block ng Ethereum (kaya't ganito ang pangalan nito) at ang protokol ay pinapayagan ka sa pagwithdraw ng iyong pondo sa kahit anumang punto ng panahon.

how to buy compound comp


Ngunit may iba pang mga paraan upang makakuha ng COMP bukod sa kitain ito. Maaaring gusto mong isaalang-alang ang pagbili ng COMP kung gusto mong:

  • Pag-iba-ibahin ang iyong pangmatagalang diskarte sa pamumuhunan
  • Mamuhunan sa desentralisadong mga platform ng pagpapautang at paghiram
  • Magpahiram ng mga cryptocurrency at kumita ng COMP
  • Suportahan ang pag-unlad ng mga aplikasyon sa Ethereum blockchain.

Saan ako pwedeng bumili ng COMP?


May ilang paraan para makabili ng COMP. Gayunpaman, nalaman ng marami na pinakamadaling bilhin ito sa pamamagitan ng pinagkakatiwalaang global exchange tulad ng Kraken. 

Bukod sa pagbibigay ng pinakamababang bayarin sa industriya, ang Kraken ay patuloy na itinuturing bilang isa sa pinaka-secure at pinagkakatiwalaang crypto exchange sa mundo. Mahalaga ito dahil kung mawala mo ang private key sa iyong COMP, maaaring maging mahirap kung hindi man imposibleng mabalik ang iyong mga pondo. 
 

Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, gamit ang subok na teknolohiya at mahigpit na mga pamamaraan na idinisenyo upang pangalagaan ang mga pondo. Hindi namin tinitipid and seguridad,mangyaring ikaw rin.


Magkano ang pwede kong bilhin na COMP?

Nais na bumili ng COMP na pasok sa iyong budget? Huwag mag-alala. Sa Kraken, 0.05 COMP lamang ang minimum na order. Ito ay upang matulungan kang magkaroon ng exposure sa iba't ibang mga asset.

Siyempre, maaari mo ring maisagawa ang mas malalaking buy order ng COMP. Hindi na bago para sa mga malakihang trader na bumili o mag-trade ng 500 COMP o higit pa sa Kraken.

Presyo ng COMP

Paano bumili ng COMP sa Kraken


Sundan ang mga hakbang sa ibaba upang simulan ang pag-bili ng COMP sa Kraken: 

  1. Mag-sign up para sa isang Kraken account.
    Una, ilagay ang iyong email address, lumikha ng isang bagong username at magtakda ng isang matatag na passwordupang maprotektahan ang iyong account.

  2. I-Verify ang iyong account. 
    Matapos makapagbigay ng iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansa ng paninirahan at numero ng telepono, maaari ka nang bumili ng COMP kasama ang mga cryptocurrency katulad ng BTC at ETH. Upang magamit ang pera  (tulad ng USD o EUR), kailangan mong magbigay sa aming mga eksperto ng mga karagdagang dokumento na nagpapatunay ng iyong pagkakakilanlan. Basahin ang tungkol sa aming mga proseso sa beripikasyon dito.

  3. Mag-deposito ng pera.
    Maaari mong pondohan ang iyong account sa maraming paraan. Kung paano mo ito gagawin ay ibabatay sa iyong lokasyon at mga kagustuhan.

  4. Mamili ng COMP
    Kapag ang iyong account ay napondohan na ng salapi, handa ka nang bumili ng COMP. Sa puntong ito, ikaw ay magkakaroon ng access sa aming mga advanced na charting tool, 24-oras global client support at ang kakayahang na magamit ang spot trading sa margin*, mga feature na nakatulong mahubog ang karanasan sa Kraken na minamahal ng milyun-milyong mga global traders.

*Ang pagkakaroon ng serbisyong ukol sa margin trading ay napapailalim sa ilang mga limitasyon at pamantayan.


24/7/365 Customer Support

Ang Trading ay talagang simple lang! Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagbili ng COMP, ipaalam sa amin. Ang aming mga support staff ay online buong araw, araw-araw, handang tumulong.

Maaaring makipag-ugnayan sa amin anumang oras sa LiveChat o sa pamamagitan ng email.

buy compound comp

Saan maaaring itabi ang iyong COMP


Kapag ikaw ay bumili ng COMP, mangangailangan ka ng ligtas na pag-iimbakan ng iyong cryptocurrency. 

Ang Kraken ay ligtas, ngunit laging pinakaligtas na itago ang iyong COMP sa isang wallet, isang software o hardware na aparato na nag-iimbak ng mga public at private key na kakailanganin mo upang gumawa ng mga transaksyon sa crypto.

Ang Compound ay isang platform na nilikha gamit ang Ethereum, ibig sabihin, ang COMP ay maaaring iimbak sa Ethereum na wallet, kung saan maraming klase nito. Ang mga mobile at web wallet ay maaaring gawing madali ang mga transaksyon, habang ang mga hardware wallet ay pinaka-angkop para sa ligtas at pangmatagalang pag-iimbak. 

Kapag pipili ng crypto wallet para sa iyong COMP, isipin mo muna kung ano ang plano mong gawin sa iyong mga token upang makahanap ng wallet na angkop sa iyong pangangailangan.


Ang Kraken ay hindi isang wallet service

Mahalagang tandaan na ang Kraken ay isang exchange service at hindi isang wallet service. Kaya habang pinapayagan namin ang aming mga kliyente na mag hold ng COMP sa kanilang mga account, lubos ka naming hinihikayat na paghiwalayin ang iyong mga COMP holdings sa maraming wallet. 
 

Simulan ang pagbili ng COMP


Handa ka na bang gawin ang susunod na hakbang patungo sa desentralisadong pagpapautang at panghihiram? I-click lamang ang button sa ibaba upang bumili ng COMP sa Kraken ngayon!