Kraken

Paano Bumili ng Cosmos (ATOM)

Sa tingin mo ba, mas malayo ang mararating ng industriya ng blockchain dahil sa mas mahusay na interoperability? Kung oo, baka mainam na magdagdag ng ATOM, ang crypto asset na nagpapagana sa Cosmos network, sa iyong portfolio.


Tinatawag na “Internet of blockchains,” layunin ng Cosmos na bawasan ang oras at complexity sa pagbuo ng mga custom na blockchain. Bukod pa rito, ang mga blockchain na binuo gamit ang Cosmos Network ay makakapag-transfer ng data at mga token sa isa't isa nang walang problema dahil sa protocol nito.

May mahalagang tungkulin ang ATOM sa mga pangunahing bahagi ng functionality na ito, ang pagtulong sa pagsubaybay at pag-record sa lagay ng mga Cosmos blockchain, para maging mas matatag at masigla ang network. 

Hindi ka pa ba sigurado kung bakit mo gugustuhing bumili ng ATOM? Huwag mag-atubiling basahin ang aming gabay na ‘Ano ang Cosmos?’, na may mas detalyadong breakdown ng teknolohiya at layunin nito. 


Handa ka na bang sumabak?

Kung gusto mo lang magsimula kaagad na bumili ng ATOM, i-click ang button sa ibaba para magsimula.

Bumili ng ATOM

Bakit magandang bumili ng ATOM?


Sa pamamagitan ng pagmamay-ari at pag-stake ng ATOM, nagkakaroon ang mga user ng kakayahang bumoto sa mga pag-upgrade sa Cosmos network, na ang bawat boto ay proporsyonal sa dami ng ATOM na kanilang i-stake. 

Maitatalaga rin ng mga user ang kanilang mga token sa mga staker, na naglalaan ng mga boto sa iba pang user para makakuha ng maliit ng porsyento ng mga ATOM reward.

how to buy cosmos atom


Baka gusto mo ring pag-isipang bumili ng ATOM kung gusto mong:

  • Gumawa ng mga blockchain-based na serbisyong nakakapag-access at nakakapag-interact sa iba
  • I-diversify ang iyong pangmatagalang investment strategy 
  • Mag-invest sa mga crypto asset na nagpapagana sa mga interoperable blockchain 
  • Mag-stake ng ATOM para magsimulang makakuha ng mas marami pang cryptocurrency.

Saan ako makakabili ng ATOM?


May ilang paraan ng pagbili ng ATOM. Sa kabila nito, para sa marami, pinakamadaling bumili nito sa isang pinagkakatiwalaang global exchange tulad ng Kraken. 

Bukod sa pagkakaroon ng mga pinakamababang bayarin sa industriya, consistent na naituturing ang Kraken na isa sa mga pinaka-secure at pinakapinagkakatiwalaang crypto exchange sa mundo. Mahalaga ito dahil kung mawala mo ang private key sa ATOM mo, baka mahirap, kung hindi imposible, na mabawi ang mga pondo mo. 

Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, gamit ang subok nang teknolohiya at mahihigpit na prosesong idinisenyo para protektahan ang mga pondo. Wala kaming tinitipid pagdating sa seguridad, at dapat ikaw din. 


Gaano karaming ATOM ang puwede kong bilhin?

Gusto mo bang bumili ng ATOM on a budget? Huwag mag-alala, sa Kraken, may minimum na laki ng order na 1 ATOM para tulungan kang makakuha ng exposure sa iba't ibang asset.

Siyempre, puwede ka ring gumawa ng mas malalaking ATOM buy order. Hindi kakaiba para sa mga mas bigating trader na bumili o mag-trade ng 100,000 ATOM o mas malaki pa sa Kraken.
 

Presyo ng ATOM

Paano bumili ng ATOM sa Kraken


Sundin ang mga hakbang sa ibaba para bumili na ng ATOM sa Kraken: 

  1. Mag-sign up para sa Kraken account.
    Una, maglagay ng valid na email address, gumawa ng bagong username at magtakda ng mahirap hulaang password para protektahan ang iyong account.

  2. I-verify ang iyong account. 
    Pagkatapos mong ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansang tinitirhan at numero ng telepono, makakabili ka ng ATOM gamit ang mga cryptocurrency tulad ng BTC at ETH. Para makagamit ng cash (ibig sabihin, USD o EUR), kakailanganin mong magbigay sa aming mga eksperto ng mga karagdagang pansuportang dokumentong nagve-verify sa iyong identity. Magbasa tungkol sa aming mga proseso ng pag-verify dito.

  3. Mag-deposit ng cash.
    May ilang paraan para mapondohan mo ang iyong account. Nakadepende sa lokasyon at mga kagustuhan mo kung paano mo ito gagawin.

  4. Bumili ng ATOM!
    Kapag may cash na ang account mo, puwede ka nang bumili ng ATOM. Sa puntong ito, magkakaroon ka rin ng access sa aming advanced na charting tools, 24-hour global client support at kakayahang gumamit ng spot trading on margin*, mga feature na nakakatulong sa kung bakit gustong-gusto ng milyon-milyong trader sa buong mundo ang karanasan sa Kraken.

*Nakadepende sa ilang partikular na limitasyon at pamantayan sa pagiging kwalipikado kung available ang mga margin trading service.


24/7/365 Customer Support

Napakasimple lang talaga ng trading! Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa pagbili ng ATOM, ipaalam sa amin. Ang aming support staff ay online buong araw, bawat araw, at handang tumulong.

Makakaugnayan mo kami kahit kailan sa LiveChat o sa email.

buy cosmos atom

Saan magandang itabi ang iyong ATOM


Kapag bumili ka ng ATOM, kakailanganin mo ng ligtas na mapagtataguan ng iyong cryptocurrency. 

Secure ang Kraken, pero palaging pinakaligtas na itabi ang ATOM mo sa isang wallet, na isang software o hardware device na nagtatabi ng mga public at private key na kinakailangan para magsagawa ng mga crypto transaction.

Maraming uri ng ATOM wallet na available. Mapapadali ng mga mobile at web wallet ang mga transaction, habang baka pinakamainam ang mga hardware wallet para sa secure at pangmatagalang storage. 


Ang Kraken ay hindi isang wallet service

Mahalagang tandaang exchange service ang Kraken at hindi ito wallet service. Kaya bagama't nagbibigay-daan kami sa mga kliyente namin na magkaroon ng ATOM sa kanilang mga account, lubos ka naming hinihikayat na paghiwa-hiwalayin ang mga hawak mong ATOM sa maraming wallet. 

Partikular dito, sinusuportahan ngayon ng Kraken ang pag-stake ng ATOM. Kung gusto mong mag-stake ng ATOM, direkta mo itong magagawa sa Kraken platform. 

Bumili na ng ATOM


Handa ka na ba sa susunod na hakbang patungo sa pagbili ng ATOM? I-click ang button sa ibaba para bumili na ng ATOM sa Kraken!