Paano Bumili ng Kava (KAVA)
Gusto mo bang humiram ng pera nang hindi kinakailangang ibenta ang iyong mga cryptocurrency?
Kung gayon, maaaring gusto mong pag-isipan ang Kava, isang protocol na gumagamit ng maraming cryptocurrency (BNB, XRP at BTC, kasama ng iba pa) para bigyang-daan ang mga user na humiram at magpahiran ng mga asset nang hindi nangangailangan ng nakasanayang financial intermediary.
Binuo mula sa Cosmos blockchain, ang Kava ay nagbibigay-daan sa mga user na i-collateralize ang kanilang mga cryptocurrency para makahiram sila ng USDX, isang cryptocurrency na naka-peg sa halaga ng U.S. dollar.
Hindi ka pa ba sigurado kung bakit mo gugustuhing bumili ng KAVA? Huwag mag-atubiling basahin ang aming gabay na ‘Ano ang Kava?’, na may mas detalyadong breakdown ng teknolohiya at layunin ng proyekto.
Kung gusto mo lang magsimula kaagad na bumili ng KAVA, i-click ang button sa ibaba para magsimula.
Handa ka na bang sumabak?
Kung gusto mo lang magsimula kaagad na mag-invest sa KAVA, i-click ang button sa ibaba para magsimula.
Bakit magandang bumili ng KAVA?
Sa pamamagitan ng pag-collateralize ng mga cryptocurrency at pag-mint ng USDX, makakatanggap ka ng mga lingguhang reward sa anyo ng KAVA, ang native cryptocurrency ng Kava.
Bilang halimbawa, ang mga minter na gumagamit ng BNB bilang collateral ay nakakatanggap ng share sa 74,000 KAVA na linggo-linggong inilalabas ng platform.
May iba pang paraan ng pagkuha ng KAVA bukod pa sa pag-earn nito. Baka gusto mong pag-isipang bumili ng KAVA kung gusto mong:
- I-diversify ang iyong pangmatagalang investment strategy
- Mag-invest sa mga desentralisadong platform ng pagpapautang at pagpapahiram
- Kumita sa short-term na pagkakataon sa market
- Mag-stake ng KAVA para sumali sa system ng pamamahala ng protocol
- Suportahan ang pag-develop ng mga aplikasyon sa blockchain ng Cosmos.
Saan ako makakabili ng KAVA?
May ilang paraan ng pagbili ng KAVA. Sa kabila nito, para sa marami, pinakamadaling bumili nito sa isang pinagkakatiwalaang global exchange tulad ng Kraken.
Bukod sa pagkakaroon ng mga pinakamababang bayarin sa industriya, patuloy na naituturing ang Kraken na isa sa mga pinaka-sekyur at pinakapinagkakatiwalaang crypto exchange sa mundo. Mahalaga ito dahil kung mawala mo ang private key sa iyong KAVA, maaaring maging mahirap kung hindi imposible na mabawi ang iyong mga pondo.
Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, gamit ang subok nang teknolohiya at mahihigpit na prosesong idinisenyo para protektahan ang mga pondo. Wala kaming tinitipid pagdating sa seguridad, at dapat ikaw din.
Gaano karaming KAVA ang puwede kong bilhin?
Gusto mo bang bumili ng KAVA na swak sa iyong badyet? Huwag mag-alala, ang Kraken ay nag-aalok ng minimum na laki ng order na 5 KAVA para tulungan kang makakuha ng exposure sa iba't ibang asset.
Siyempre, puwede ka ring gumawa ng mas malalaking buy order ng KAVA. Hindi kakaiba para sa mga malalaking trader na bumili o mag-trade ng 7,000 KAVA o mas higit pa sa Kraken.
Paano bumili ng KAVA sa Kraken
Sundin ang mga hakbang sa ibaba para bumili na ng KAVA sa Kraken:
-
Mag-sign up para sa Kraken account.
Una, maglagay ng valid na email address, gumawa ng bagong username at magtakda ng malakas na password para protektahan ang iyong account. -
I-verify ang iyong account.
Pagkatapos mong ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansang tinitirhan at numero ng telepono, makakabili ka ng KAVA gamit ang mga cryptocurrency tulad ng BTC at ATOM. Para makagamit ng cash (ibig sabihinUSD, CAD o EUR), kakailanganin mong magbigay sa aming mga eksperto ng mga karagdagang pansuportang dokumentong nagve-verify sa iyong identity. Magbasa tungkol sa aming mga proseso ng pag-verify dito. -
Mag-deposito ng cash.
May ilang paraan para mapondohan mo ang iyong account. Nakadepende sa lokasyon at mga kagustuhan mo kung paano mo ito gagawin. -
Bumili ng KAVA!
Kapag may cash na ang account mo, puwede ka nang bumili ng KAVA. Sa puntong ito, magkakaroon ka rin ng access sa aming mga advanced na charting tool, 24-hour global client support at kakayahang gumamit ng spot trading on margin*, mga feature na nakakatulong sa kung bakit gustong-gusto ng milyon-milyong trader sa buong mundo ang karanasan sa Kraken.
*Ang pagkakaroon ng mga serbisyo ng pagte-trade ng may margin ay nakadepende sa ilang mga limitasyon at pamantayan sa pagiging kwalipikado.
24/7/365 Customer Support
Napakasimple lang talaga ng pagte-trade! Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa pagbili ng KAVA, ipaalam sa amin. Ang aming support staff ay online buong araw, bawat araw, at handang tumulong.
Makakaugnayan mo kami anumang oras sa LiveChat o sa email.
Saan magandang itago ang iyong KAVA
Kapag bumili ka ng KAVA, kakailanganin mo ng ligtas na mapagtataguan ng iyong cryptocurrency.
Secure ang Kraken, pero palaging pinakaligtas na itabi ang KAVA mo sa isang wallet, na isang software o hardware device na nagtatabi ng mga public at private key na kinakailangan para magsagawa ng mga transaksyon sa crypto.
Ang Kava ay isang platform na binuo mula sa Cosmos, ibig sabihin, ang KAVA ay maaaring itago sa isang Cosmos wallet, kung saan marami ang mga ito. Mapapadali ng mga mobile at web wallet ang mga transaksyon, habang ang mga hardware wallet ay marahil pinakamainam para sa ligtas at pangmatagalang storage.
Kapag pumipili ng crypto wallet para sa iyong KAVA, pag-isipan muna kung ano ang plano mong gawin sa iyong mga token para makahanap ng wallet na bagay sa mga pangangailangan mo.
Ang Kraken ay hindi isang wallet service
Mahalagang tandaan na ang Kraken ay isang exchange service at hindi ito wallet service. Kaya bagama't nagbibigay-daan kami sa mga kliyente namin na magkaroon ng KAVA sa kanilang mga account, lubos ka naming hinihikayat na paghiwa-hiwalayin ang mga hawak mong KAVA sa maraming wallet.
Simulan ang pagbili ng KAVA
Handa ka na ba sa susunod na hakbang patungo sa desentralisadong pagpapautang at pagpapahiram? I-click ang button sa ibaba para bumili na ng KAVA sa Kraken!