Kraken

Paano Bumili ng Moonriver (MOVR)

Bumili ng MOVR


Naghahanap ka ba ng paraan para makapag-access ng mga Ethereum dapp sa network ng Kusama? 

Bilang isa sa mga paparating na parachain na binuo sa Kusama, nagpapatakbo ang Moonriver ng isang blockchain environment na nagbibigay-daan sa madaling pag-migrate ng mga Ethereum-based smart contract at application sa ecosystem ng Kusama. Sa Moonriver, mayroon ding blockchain bridge para makapag-transfer ng mga token at data sa pagitan ng iba pang blockchain, tulad ng Ethereum at Bitcoin. Bukod pa rito, nagbibigay ang Moonriver ng oracle service na nagbibigay ng maaasahan at real-world na data sa blockchain at magagamit ito sa pag-develop ng mga smart contract. 

Hindi ka pa ba sigurado kung bakit mo gugustuhing bumili ng MOVR? Huwag mag-atubiling basahin ang aming gabay na ‘Ano ang Moonriver?’, na may mas detalyadong breakdown ng teknolohiya at layunin ng proyekto.


Handa ka na bang bumili ng MOVR?

Kung gusto mo lang magsimula kaagad na mag-trade at bumili ng MOVR, i-click ang button sa ibaba para magsimula.

Bumili ng MOVR

Bakit magandang bumili ng MOVR?


Kapag may MOVR, ang native na cryptocurrency ng Moonriver, makakaboto ang mga user sa mga upgrade sa network.

buy moonriver movr


Baka gusto mong pag-isipang bumili ng MOVR kung gusto mong:

  • Magbayad ng mga bayarin sa transaksyon sa network ng Moonriver
  • Suportahan ang pagpapatupad ng mga smart contract
  • I-incentivize ang block production mula sa mga collator
  • I-diversify ang iyong pangmatagalang crypto investment strategy
  • Suportahan ang pag-develop ng mga blockchain sa Kusama

Saan ako makakabili ng MOVR?


Kahit na maraming paraan para bumili ng mga MOVR token, para sa marami, pinakamadaling bumili ng MOVR sa isang pinagkakatiwalaang global exchange tulad ng Kraken.

Ang Kraken ay patuloy na hinihirang bilang isa sa pinaka-secure at pinagkakatiwalaang crypto exchange sa mundo, at narito ang ilan sa mga pinakamababang bayarin sa industriya. 

Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, gamit ang subok nang teknolohiya at mahihigpit na prosesong idinisenyo para protektahan ang mga pondo. Wala kaming tinitipid pagdating sa seguridad, at dapat ikaw din.


Gaano karaming MOVR ang puwede kong bilhin?

Sa Kraken, may minimum na laki ng order na 0.3 MOVR. Gayunpaman, makakatulong sa iyo ang deep liquidity ng Kraken na makuha ang pinakasulit na market price kung interesado ka sa pamumuhunan nang mas malaki sa Moonriver token.

Presyo ng Moonriver

Paano bumili ng MOVR


Sundin ang mga hakbang sa ibaba para bumili na ng MOVR sa Kraken: 

  1. Mag-sign up para sa Kraken account.
    Maglagay ng email address, username at matibay na password para protektahan ang iyong account.

  2. I-verify ang iyong account. Ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, tinitirhang bansa, numero ng telepono at mga karagdagang pansuportang dokumentong nagve-verify ng pagkakakilanlan mo para bumili ng MOVR gamit ang (ibig sabihin, USD o EUR ). Magbasa tungkol sa aming mga proseso ng pag-verify dito.

  3. Mag-deposito ng cash
    May ilang paraan para mapondohan mo ang iyong account. Nakadepende sa lokasyon at mga kagustuhan mo kung paano mo ito gagawin. 

  4. Bumili ng Moonriver (MOVR)!
    Kapag napondohan na ng cash ang account mo, puwede ka nang bumili ng MOVR. Sa puntong ito, magkakaroon ka rin ng access sa aming advanced na mga charting tool, 24-hour na global client support at kakayahang gumamit ng mga feature na nakakatulong sa kung bakit gustong-gusto ng milyon-milyong trader sa buong mundo ang karanasan sa Kraken. 

Tandaan: Sa ngayon, hindi available ang pag-trade ng MOVR sa mga nakatira sa USA, Canada, Australia at Japan.


Bumili ng MOVR nang instant gamit ang credit card sa Kraken app

I-download ang official Kraken app, kung saan magagawa ng mga baguhan sa crypto o mga bihasa nang trader na bumili o magbenta ng Moonriver kahit saan, anumang oras. Bumili ng MOVR nang instant gamit ang isang credit card, debit card o bank account habang nananatiling up to date sa mga paborito mong crypto project.

Sa mga nakatira sa US lang magagamit ang bank account. Sa mga piling bansa dito magagamit ang mga pagbili gamit ang credit card.

buy moonriver

Saan magandang itabi ang iyong MOVR coins


Kapag bumili ka ng MOVR, itatabi sa iyong Kraken account ang crypto token mo. Binuo sa blockchain ng Kusama ang Moonriver kaya mapapanatiling ligtas din ng mga official KSM wallet ang MOVR mo.


Ang Kraken ay hindi isang wallet service

Mahalagang tandaang exchange service ang Kraken at hindi ito wallet service. Kaya bagama't nagbibigay-daan kami sa mga kliyente namin na magkaroon ng Moonriver sa kanilang mga account, lubos ka naming hinihikayat na paghiwa-hiwalayin ang mga hawak mong MOVR sa maraming wallet. 
 

24/7/365 Customer Support

Napakasimple lang talaga ng pagte-trade! Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa pagbili ng Moonriver, ipaalam sa amin. Ang aming support staff ay online buong araw, bawat araw, at handang tumulong.

Makakaugnayan mo kami anumang oras sa LiveChat o sa email.

Simulan ang pagbili ng MOVR


Handa ka na ba sa susunod na hakbang patungo sa paggamit ng mga Ethereum dapp sa Kusama? I-click ang button sa ibaba para bumili na ng MOVR sa Kraken!