Paano Bumili ng Nano (NANO)
Idinisenyo para magbigay-daan sa mga transaksyong walang bayarin, maaaring mainam ang Nano sa mga trader na naniniwalang sa huli ay magtatagumpay ang mga blockchain na may mga murang bayarin.
Pero mayroon ding iba pang nakakaaliw na feature ang Nano.
Isa rito, may kakayahan ang mga may-ari ng NANO na bumoto sa mga desisyon sa software at puwede silang magkaroon ng direktang tungkulin sa pagpapatakbo ng blockchain nito. Mayroon ding finite na supply ng cryptocurrency ang Nano, ibig sabihin, walang bagong NANO cryptocurrency ang inaasahang papasok sa market.
Para matuto pa tungkol sa kung paano tumatakbo ang blockchain ng Nano, basahin ang aming official na gabay na “Ano ang Nano?”. Mayroon ditong higit pang insight at kaugnay na babasahin tungkol sa kung paano tumatakbo ang bagong teknolohiyang ito.
Handa ka na bang magsimula?
Kung alam mo na ang NANO at gusto mo lang magsimulang mag-invest kaagad, i-click ang button sa ibaba para magsimula.
Bakit magandang bumili ng NANO?
Baka gusto mong pag-isipang bumili ng NANO kung gusto mong:
- Magpadala ng bayad sa mga kaibigan at kapamilya
- I-diversify ang iyong pangmatagalang investment strategy
- Mag-stake ng NANO para bumoto sa mga desisyon sa protocol
- Bumuo ng application mula sa software nito
- Kumpletuhin ang mga transaksyon nang hindi nagbabayad ng mga bayarin sa network
Saan ako makakabili ng NANO?
May ilang paraan ng pagbili ng NANO. Gayunpaman, ang pinakamadali ay ang gumamit ng pinagkakatiwalaang exchange service tulad ng Kraken.
Bukod sa pagkakaroon ng simpleng interface at mga pinakamababang bayarin sa industriya, madalas na naituturing ang Kraken na isa sa mga pinaka-secure at pinakapinagkakatiwalaang crypto exchange. Mahalaga ito dahil kung mawala mo ang private key sa iyong NANO, baka mahirap, kung hindi imposible, na mabawi ang mga mawawala sa iyo.
Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, gamit ang state-of-the-art na teknolohiyang nagpoprotekta sa mga pondo ng kliyente. Wala kaming kinokompromiso pagdating sa seguridad at dapat ganon ka din.
Gaano karaming NANO ang pwede kong bilhin?
Gusto mo bang bumili ng NANO na pasok sa iyong badyet? Huwag mag-alala, sa Kraken, may minimum na laki ng order na 2 NANO para tulungan kang makakuha ng exposure sa iba't ibang asset.
Siyempre, puwede ka ring gumawa ng mas malalaking buy order ng Nano. Hindi kakaiba para sa mga mas bigating trader na bumili o mag-trade ng 20,000 NANO o mas malaki pa sa Kraken.
Paano bumili ng NANO sa Kraken
Sundin ang mga hakbang sa ibaba para bumili na ng Nano sa Kraken:
-
Mag-sign up para sa Kraken account
Maglagay ng valid na email address, gumawa ng bagong username at magtakda ng mahirap hulaang password sa iyong account. -
I-verify ang iyong account
Kapag idinagdag mo ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansa at numero ng telepono sa iyong account, makakabili ka ng NANO gamit ang iba pang cryptocurrency tulad ng Bitcoin o Tether. Gayunpaman, para makagamit ng cash (ibig sabihin, USD o EUR), kakailanganin mong magbigay ng mga karagdagang pansuportang dokumentong nagve-verify sa iyong pagkakakilanlan. Magbasa tungkol sa aming mga level ng pag-verify. -
Mag-deposito ng cash
May ilang paraan para mapondohan mo ang iyong account. Nakadepende sa lokasyon at mga kagustuhan mo kung paano mo ito gagawin. -
Bumili ng NANO!
Kapag napondohan na ng cash ang account mo, puwede mo nang bilhin ang una mong NANO. Sa puntong ito, magkakaroon ka rin ng access sa aming mga charting tool at 24-hour client support pati na rin sa mga advanced na feature tulad ng spot trading on margin*.
*Nakadepende sa ilang partikular na limitasyon at pamantayan sa pagiging kwalipikado kung available ang mga margin trading service.
24/7/365 Customer Support
Napakasimple lang talagang mag-trade! Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa pagbili ng NANO, ipagpaalam sa amin. Ang aming support staff ay online buong araw, bawat araw, at handang tumulong.
Makakaugnayan mo kami kahit kailan sa LiveChat o sa email.
Saan magandang itabi ang iyong NANO
Kapag tapos ka nang bumili ng NANO, dapat kang maghanap ng paraan para i-secure ito.
Ang pinakamagandang paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng wallet na sumusuporta sa NANO, at magbibigay-daan sa iyo na ipadala, tanggapin at itago ang cryptocurrency (kasama ng iba mo pang pag-aari).
Maraming uri ng mga wallet na magagamit mo para panatilihing ligtas ang iyong crypto, kabilang ang mga hosted, hardware at software wallet. Nakadepende sa iyong mga pangangailangan kung ano ang pipiliin mo.
Ang Kraken ay hindi isang wallet service
Mahalagang tandaang exchange service ang Kraken at hindi ito wallet service. Kaya bagama't nagbibigay-daan kami sa mga kliyente namin na magkaroon sa amin ng pondo habang ginagamit ang mga iyon para makipag-trade, lubos ka naming hinihikayat na paghiwa-hiwalayin ang mga hawak mong NANO sa hindi lang isang wallet.
Simulan ang pagbili ng NANO
Kung handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at gusto mo nang bumili ng NANO, i-click ang button sa ibaba!