Kraken

Paano Bumili ng OCEAN (Ocean Protocol)

Isa ka bang startup o isang researcher na nangangailangan ng access sa mga dataset para sa iyong artificial intelligence na proyekto?


Maaari mong isaalang-alang ang Ocean Protocol, isang software na ginagawa ang mga set ng data sa platform upang maging available ito sa mga user na hindi na kinakailangan ang data na umalis sa mga kamay ng mga nag-iimbak nito.

Itinayo sa taas ngEthereum, ang software ng Ocean ay nag-uugnay sa mga user na nangangailangan ng data ngunit hindi maiimbak ito kasama ng may mga ekstrang resources.

Hindi pa sigurado kung bakit mo nais na bumili ng OCEAN? Huwag mag-atubiling basahin ang aming ‘Ano ang Ocean Protocol?’ na gabay. Nag-aalok ito ng mas extensibong breakdown ng teknolohiya at pananaw nito. 


Handa ka na bang simulan?

Kung ninanais mong umpisahan ang agarang pagbili ng OCEAN, i-click lamang ang button sa ibaba upang makapagsimula.

Bumili ng OCEAN

Bakit ka bibili ng OCEAN?


Habang ang OCEAN ay pangunahing ginagamit upang ma-access ang marketplace nito, hindi lamang iyon ang kadahilanan na maaari kang maging interesado sa makabagong crypto asset na ito.

how to buy ocean protocol


Maaari kang bumili ng OCEAN kung gusto mo

  • Pag-iba-ibahin ang iyong long-term investment na estratehiya 
  • Mag-invest sa mga proyekto na dinisenyo para sa desentralisadong cloud sharing
  • Mag-stake ng OCEAN upang makapagbigay liquidity sa marketplace
  • Suportahan ang pagbuo ng mga application sa Ethereum.

Saan pwedeng bumili ng OCEAN?


May ilang paraan para makabili ng OCEAN. Gayunpaman, nabatid ng marami na pinakamadaling bilhin ito sa pamamagitan ng pinagkakatiwalaang pandaigdigang palitan tulad ng Kraken. 

Bukod sa pag-aalok ng pinakamababang bayarin sa industriya, ang Kraken ay patuloy na itinuturing bilang isa sa pinakaligtas at pinagkakatiwalaang crypto exchange sa mundo. Mahalaga ito dahil kung mawala mo ang pribadong key sa iyong OCEAN, maaaring maging mahirap kung hindi man imposibleng mabawi na ang iyong mga pondo. 

Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, gamit ang mga subok na teknolohiya at mahigpit na mga pamamaraan na idinisenyo upang pangalagaan ang mga pondo. Hindi kami nagtitipid pagdating sa seguridad, mangyaring ikaw rin.


Magkano ang pwede kong bilhin na OCEAN?

Nais na bumili ng OCEAN na pasok sa iyong budget? Huwag mag-alala, ang Kraken ay nag aalok ng minimum order size na 10 OCEAN  upang tulungan kang makakuha ng exposure sa iba't-ibang mga asset.

Siyempre, maaari ka ring mag-execute ng mas malaking mga OCEAN buy order. Hindi magiging iba para sa mga mas malalaking mga trader na bumili o mag-trade ng 115,000 OCEAN o higit pa sa Kraken.

Presyo ng OCEAN

Paano bumili ng OCEAN sa Kraken


Sundan ang mga hakbang sa ibaba upang magsimulang bumili ng OCEAN sa Kraken: 

  1. Mag-sign up para sa isang Kraken account.
    Una, ilagay ang tamang email address, gumawa ng bagong username at magtakda ng isang matatag na password upang maprotektahan ang iyong account.

  2. I-verify ang iyong account. 
    Matapos mong ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansa na pinaninirahan, at numero ng telepono, maaari ka nang bumili ng OCEAN kasama ang mga cryptocurrency tulad ng ETH at DASH. Upang magamit ang cash (tulad ng USD o EUR), kinakailangan mong ibigay sa aming mga eksperto ang mga karagdagang dokumento upang i-verify ang iyong pagkakakilanlan. Basahin ang tungkol sa aming mga proseso ng pag-verify dito.

  3. Magdeposito ng cash.
    Maaari mong pondohan ang iyong account sa iba't ibang paraan. Kung paano mo ito gagawin ay ibabatay sa iyong lokasyon at kagustuhan.

  4. Bumili ng OCEAN!
    Kapag napondohan na ang iyong account ng cash, ikaw ay handa ng mamili ng OCEAN. Sa puntong ito, makukuha mo rin ang access sa aming advanced na mga charting tool, 24-oras na global client support at abilidad na magamit ang spot trading sa margin*, mga feature na makakatulong sa karanasan sa Kraken na minamahal ng milyun milyong mga global trader.

*Ang availability ng margin trading na mga serbisyo ay napapailalim sa ilang mga limitasyon at eligibility criteria.


24/7/365 Customer Support

Ang Trading ay talagang simple lang! Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagbili ng OCEAN, ipaalam sa amin. Ang aming mga support staff ay online buong araw, araw-araw, handang tumulong.

Maaaring makipag-ugnayan sa amin anumang oras sa LiveChat o sa pamamagitan ng email.

buy ocean token

Saan maaring itabi ang iyong OCEAN


Kapag ikaw ay bumili ng OCEAN, mangangailangan ka ng ligtas na pagiimbakan ng iyong cryptocurrency. 

Ang Kraken ay ligtas, ngunit laging pinakaligtas na itago ang iyong OCEAN sa isang wallet, isang software o hardware na aparato na nag-iimbak ng mga public at private key na kakailanganin mo upang gumawa ng mga crypto na transaksyon.

Ang OCEAN ay isang platform na nilikha sa ibabaw ng Ethereum, ibig sabihin, ang OCEAN ay maaaring iimbak sa Ethereum na wallet, kung saan maraming klase nito. Ang mga mobile at web wallet ay maaaring gawing madali ang mga transaksyon, habang ang mga hardware wallet ay pinaka-angkop para sa ligtas at pangmatagalang pagiimbak. 

Kapag pipili ng crypto wallet para sa iyong OCEAN, una, isipin mo muna kung ano ang plano mong gawin sa iyong mga token upang makahanap ng wallet na angkop sa iyong pangangailangan.


Ang Kraken ay hindi isang wallet service

Mahalagang tandaan na ang Kraken ay isang exchange service at hindi isang wallet service. Kaya habang pinapayagan namin ang aming mga kliyente na hawakan ang OCEAN sa kanilang mga account, lubos ka naming hinihikayat na paghiwalayin ang iyong mga OCEAN holding sa maraming wallet. 
 

Simulan ang pagbili ng OCEAN


Handa ka na bang gawin ang susunod na hakbang tungo sa paggamit ng isang desentralisadong marketplace? I-click lamang ang button sa ibaba upang bumili ng OCEAN sa Kraken ngayon!