Kraken

Paano Bumili ng Polkadot (DOT)

Bumili agad ng Polkadot


Kung naniniwala kang ang mga blockchain ay nangangailangan ng mas mahusay na interoperability at scalability, kung gayon ang DOT, ang crypto asset na nagpapagana sa Polkadot, ay maaaring maging isang nakakahimok na karagdagan sa iyong portfolio. 

Inilunsad noong 2020, ang Polkadot ay isa lamang sa maraming nakikipagkumpitensyang protocol na naglalayong itaguyod ang isang ecosystem ng mga custom na blockchain na idinisenyo para sa isang hanay ng mga kaso ng paggamit. Gayunpaman, kabilang ito sa pinakabago at ipinagmamalaki nito ang isang koponan na walang kakulangan sa karanasan sa cryptocurrency. 

Hindi pa sigurado kung bakit mo gustong bumili ng DOT? Huwag mag-atubiling basahin ang aming gabay na 'Ano ang Polkadot?', na nag-aalok ng mas malawak na breakdown ng teknolohiya at pananaw nito. 


Handa ka na bang magsimula?

Kung gusto mo lang simulan agad ang pagbili ng DOT, alamin na maaari ka ring magsimulang kumita ng mga karagdagang token sa pamamagitan ng pag-staking ng DOT sa aming staking service at makakuha ng pirming 12% na kita.

Bumili ng DOT

Bakit ka bibili ng DOT?


Sa pamamagitan ng pagmamay-ari at pag-stake ng DOT, ang mga user ay nagkakaroon ng kakayahang bumoto sa mga pag-upgrade sa network ng Polkadot, na ang bawat boto ay proporsyonal sa halaga ng DOT na kanilang itataya. 

Maaari ding italaga ng mga user ang kanilang mga token sa mga staker, na naglalaan ng mga boto sa ibang mga user upang makakuha ng porsyento ng mga bagong DOT na ginawa ng protocol.

how to buy polkadot dot


Maaari ka ring bumili ng DOT kung gusto mo:

  • Lumikha at maglunsad ng mga bagong uri ng mga blockchain
  • Pag-iba-ibahin ang iyong pangmatagalang estratehiya sa pamumuhunan 
  • Mag-invest sa mga crypto assets na nagpapagana sa mga interoperable blockchain 
  • I-stake ang DOT upang simulang kumita ng mas maraming cryptocurrency.
  • Sumali sa proseso ng pamamahala sa Polkadot

Saan maaaring makabili ng DOT?


May ilang paraan para makabili ng DOT. Gayunpaman, nabatid ng marami na pinakamadaling bilhin ito sa pamamagitan ng mga pinagkakatiwalaang pandaigdigang exchange tulad ng Kraken. 

Bukod sa pagbibgay ng pinakamababang bayarin sa industriya, ang Kraken ay patuloy na intinuturing na isa sa pinaka-secure at pinagkakatiwalaang crypto exchange sa mundo. Mahalaga ito dahil kung mawala mo ang private key sa iyong DOT, maaaring maging mahirap kung hindi man ay imposibleng mabawi mo na ang iyong mga pondo. 

Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, gamit ang mga subok nang teknolohiya at mahigpit na mga pamamaraan na idinisenyo upang pangalagaan ang mga pondo. Hindi namin tinitipid ang seguridad, mangyaring ikaw rin.


Magkano ang pwede kong bilhin na DOT?

Naghahanap para bumili ng DOT ng naka-budget? Huwag mag-alala, ang Kraken ay mayroong minimum order size na 0.05 DOT upang tulungan kang makakuha ng exposure sa iba't-ibang mga asset.

Siyempre, maaari mo ring maisagawa ang mas malaking order ng DOT na buy order. Hindi magiging iba para sa mga mas malalaking mga trader na bumili o mag-trade ng 2,100 DOT o higit pa sa Kraken.

DOT Price

Paano bumili ng DOT sa Kraken


Sundan ang mga hakbang sa ibaba upang simulan ang pagbili ng DOT sa Kraken: 

  1. Mag-sign up para sa isang Kraken account.
    Una, maglagay ng email address, lumikha ng username at mag-set ng matatag na passwordupang protektahan ang iyong account.

  2. I-verify ang iyong account. 
    Matapos mong ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansa ng paninirahan at numero ng telepono, maaari ka nang bumili ng DOT kasama ang mga cryptocurrency tulad ng BTC at ETH. Upang magamit ang cash (tulad ng USD o EUR), kailangan mong magbigay sa aming mga eksperto ng karagdagang dokumento na mag-verify ng iyong pagkakakilanlan. Basahin ang aming mga proseso sa pag-verify dito.

  3. Magdeposito ng cash.
    Maaari kang mag-fund ng iyong account

  4. Bumili ng DOT!
    Kapag ang iyong account ay napondohan na ng cash, handa ka nang bumili ng DOT. Sa puntong ito, ikaw ay makakakuha rin ng access sa aming mga advanced na charting tool, 24-oras global client support at ang kakayahan na gumamit ng margin trading mga feature na nakakatulong mahubog ang karanasan sa Kraken na minamahal ng milyon-milyong mga global trader.


24/7/365 Customer Support

Ang pakikipag-trade ay talagang napakasimple! Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagbili ng DOT, ipaalam sa amin. Ang aming support staff ay online buong araw, araw-araw, handang tumulong.

Maaari mo kaming maabot anumang oras sa LiveChat o sa pamamagitan ng email.

buy polkadot dot

Saan maaaring itabi ang iyong DOT


Kapag bumili ka ng DOT, kakailanganin mo ng isang lugar upang ligtas na maiimbak ang iyong cryptocurrency. 

Ligtas ang Kraken, ngunit palaging pinakaligtas na iimbak ang iyong DOT sa isang wallet, isang software o hardware device na nag-iimbak ng pampubliko at pribadong mga key na kinakailangan upang makagawa ng mga transaksyong crypto.

Maraming uri ng mga DOT wallet. Maaaring gawing madali ang mga transaksyon sa mobile at web wallet, habang ang mga hardware wallet ay marahil pinakaangkop para sa ligtas, pangmatagalang storage. 

Gayunpaman, tandaan, ang mga kliyenteng stake DOT sa Kraken ay makakatanggap ng 12% taunang pagbabalik , binabayaran dalawang beses kada linggo. Sa kasong ito, magtitiwala ka sa Kraken na hawakan at itataya ang iyong mga pondo, gayunpaman, magkakaroon ka ng kakayahang mabilis na i-unfreeze ang iyong mga pondo upang mabilis na magsimulang mag-trade.


Ang Kraken ay hindi isang wallet service

Mahalagang tandaan na ang Kraken ay isang exchange service at hindi wallet service. Kung kaya't maski pinapahintulutan namin ang mga kliyente na maghawak ng ANT sa kanilang mga account, lubos naming hinihikayat na ihiwalay ang iyong ANT holdings sa maramihang wallet. 

Simulan ang pagbili ng DOT


Handa nang gawin ang susunod na hakbang patungo sa pag-invest sa isang blockchain na idinisenyo para sa sektor ng enerhiya? I-click ang button sa ibaba upang bumili ng EWT sa Kraken ngayon!