Kraken

Paano Bumili ng Tezos (XTZ)

Nagsimula ang Tezos noong 2014 na gawin ang tinatawag nitong “self-amending blockchain.”


Complex ang pagpapatupad, simple ang pangunahing ideya: Magbibigay-daan ang Tezos sa sinumang nagmamay-ari ng XTZ cryptocurrency nito na bumoto sa mga posibleng pagbabago sa mga panuntunan nito, at kapag napagpasyahan na, awtomatikong mag-a-update ang code para masiguradong nagawa ang mga pagbabago. 

Ngayon, naging mas malapit nang maisakatuparan ang pangarap na iyon. Magagamit ng mga developer ang blockchain ng Tezos para magdisenyo ng mga bagong uri ng mga application at puwedeng mag-stake ng XTZ ang mga user para makasali sa pagboto. Sa parehong sitwasyon, kakailanganin mo munang bumili ng XTZ para masulit ang mga feature na ito. 

Gayunpaman, kapag bumili ka sa Kraken, magsisimula ka ring makakuha ng mga karagdagang token sa pamamagitan ng pag-stake ng XTZ sa aming staking service. Mayroon kaming fixed 6% return sa lahat ng customer na pipiliing hayaan ang Kraken na mag-stake ng XTZ para sa kanila, pero puwede ka ring bumili ng XTZ sa Kraken at ikaw na mismo ang mag-stake.

Hindi ka pa ba sigurado kung bakit mo gugustuhing bumili ng XTZ? Huwag mag-atubiling basahin ang aming gabay na ‘Ano ang Tezos?’, na may mas detalyadong breakdown ng teknolohiya at layunin nito. 


Handa ka na bang sumabak?

Kung nais mo lang magsimulang mag-invest sa XTZ kaagad, i-click ang button sa ibaba para magsimula.

Bumili ng XTZ

Bakit magandang bumili ng XTZ?


May mahalagang tungkulin ang XTZ cryptocurrency sa pag-maintain at pagpapatakbo ng Tezos network, at magagamit ito para sa pag-hold, paggastos, pagpapadala o pag-bake (ang tawag ng network sa pag-stake). 

Sa pamamagitan ng pagmamay-ari at pag-stake ng XTZ, magkakaroon ka ng kakayahang bumoto sa mga pag-upgrade sa network, kung saan katumbas ng dami ng stake mong XTZ cryptocurrency ang bawat boto.
 

how to buy tezos xtz


Baka gusto mo ring pag-isipang bumili ng XTZ kung gusto mong:

  • Mag-bake ng XTZ para magsimulang makakuha ng mas marami pang cryptocurrency.
  • I-diversify ang iyong pangmatagalang investment strategy 
  • Mag-develop ng application na pinapagana ng XTZ
  • Mag-invest sa mga crypto asset na may mga bagong mekanismo sa pamamahala
  • Sumali sa proseso ng pamamahala ng Tezos. 

Saan ako makakabili ng XTZ?


May ilang paraan ng pagbili ng XTZ. Sa kabila nito, para sa marami, pinakamadaling bumili nito sa isang pinagkakatiwalaang global exchange tulad ng Kraken. 

Bukod sa pagkakaroon ng mga pinakamababang bayarin sa industriya, consistent na naituturing ang Kraken na isa sa mga pinaka-secure at pinakapinagkakatiwalaang crypto exchange sa mundo. Mahalaga ito dahil kung mawala mo ang private key sa iyong XTZ, baka mahirap, kung hindi imposible, na mabawi ang mga pondo mo. 
 

Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, gamit ang subok nang teknolohiya at mahihigpit na prosesong idinisenyo para protektahan ang mga pondo. Wala kaming tinitipid pagdating sa seguridad, at dapat ikaw din.


Gaano karaming XTZ ang puwede kong bilhin?

Nais bumili ng XTZ na pasok sa badyet? Huwag mag-alala, sa Kraken, may minimum na laki ng order na 3 XTZ para tulungan kang makakuha ng exposure sa iba't ibang asset.

Siyempre, puwede ka ring gumawa ng mas malalaking buy order ng XTZ. Hindi kakaiba para sa mga mas bigating trader na bumili o mag-trade ng 5,000 XTZ o mas malaki pa sa Kraken.
 

Presyo ng XTZ

Paano bumili ng XTZ sa Kraken


Sundin ang mga hakbang sa ibaba para bumili na ng XTZ sa Kraken: 

  1. Mag-sign up para sa Kraken account.
    Una, maglagay ng valid na email address, gumawa ng bagong username at magtakda ng mahirap hulaang password para protektahan ang iyong account.

  2. I-verify ang iyong account. 
    Pagkatapos mong ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansang tinitirhan at numero ng telepono, makakabili ka ng XTZ gamit ang mga cryptocurrency tulad ng LTC at DASH. Para makagamit ng cash (ibig sabihin, USD o EUR), kakailanganin mong magbigay sa aming mga eksperto ng mga karagdagang pansuportang dokumentong nagve-verify sa iyong pagkakakilanlan. Magbasa tungkol sa aming mga proseso ng pag-verify dito.

  3. Mag-deposit ng cash.
    May ilang paraan para mapondohan mo ang iyong account. Nakadepende sa lokasyon at mga kagustuhan mo kung paano mo ito gagawin.

  4. Bumili ng XTZ!
    Kapag may cash na ang account mo, puwede ka nang bumili ng XTZ. Sa puntong ito, magkakaroon ka rin ng access sa aming advanced na charting tools, 24-hour global client support at kakayahang gumamit ng spot trading on margin*, mga feature na nakakatulong sa kung bakit gustong-gusto ng milyon-milyong trader sa buong mundo ang karanasan sa Kraken.

*Nakadepende sa ilang partikular na limitasyon at pamantayan sa pagiging kwalipikado kung available ang mga margin trading service.


24/7/365 Customer Support

Napakasimple lang talaga ng pagte-trade! Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa pagbili ng XTZ, ipagpaalam sa amin. Ang aming support staff ay online buong araw, bawat araw, at handang tumulong.

Makakaugnayan mo kami kahit kailan sa LiveChat o sa email.

buy tezos xtz

Saan magandang itabi ang iyong XTZ


Kapag bumili ka ng XTZ, kakailanganin mo ng ligtas na mapagtataguan ng iyong cryptocurrency. 

Secure ang Kraken, pero palaging pinakaligtas na itabi ang XTZ mo sa isang wallet, na isang software o hardware device na nagtatago ng mga public at private key na kinakailangan para magsagawa ng mga transaksyon sa crypto.

Maraming uri ng XTZ wallet na maaring magamit. Mapapadali ng mga mobile at web wallet ang mga transaksyon, habang baka pinakamainam ang mga hardware wallet para sa secure at pangmatagalang storage. 

Kapag pumipili ng crypto wallet para sa XTZ mo, pag-isipan muna kung ano ang plano mong gawin sa mga token mo para maghanap ng wallet na bagay sa mga pangangailangan mo.

Gayunpaman, tandaang ang mga kliyenteng magbe-bake ng XTZ gamit ang Kraken ay makakatanggap ng 6% na taunang pagbabalik, na ibibigay dalawang beses bawat linggo. Sa ganitong sitwasyon, pagkakatiwalaan mo ang Kraken na hawakan at i-bake ang iyong mga pondo, gayunpaman, magkakaroon ka ng kakayahang mabilis na i-unfreeze ang iyong mga pondo para mabilis na makapagsimulang mag-trade.


Ang Kraken ay hindi isang wallet service

Mahalagang tandaang exchange service ang Kraken at hindi ito wallet service. Kaya bagama't nagbibigay-daan kami sa mga kliyente namin na magkaroon ng XTZ sa kanilang mga account, lubosnaming hinihikayat na paghiwa-hiwalayin ang mga hawak mong XTZ sa maraming wallet. 
 

Magsimulang bumili ng XTZ


Handa ka na ba sa susunod na hakbang patungo sa pagbili at pag-bake ng XTZ? Matuto pa tungkol sa pag-stake sa Kraken dito