Kraken

Paano Bumili ng yearn.finance (YFI)

Naghahanap ka bang ma-access ang isang buong suite ng mga serbisyo ng DeFi gamit ang isang solong protocol? Kung gayon, huwag nang maghanap sa malayo kaysa sa yearn.finance.


Ang Yearn.finance ay nagbibigay sa mga user ng kakayahang mag-optimize ng mga kita sa mga idle na crypto asset sa pamamagitan ng Vaults at Earn platform nito, at hinahayaan silang magpalit ng crypto asset sa pamamagitan ng paggamit sa serbisyong Zap nito. 

Tumatakbo sa ibabaw ng Ethereum, ang yearn.finance ay bumuo ng isang sistema ng mga automated incentive sa paligid nang YFI cryptocurrency nito upang magbigay ng mga serbisyo gamit lamang ang code, kaya inaalis ang pangangailangan para sa isang tradisyunal na tagapamagitan sa pananalapi. 

Hindi pa sigurado kung bakit mo gustong bumili ng YFI? Huwag mag-atubiling basahin ang aming 'Ano ang yearn.finance?' na gabay, na nag-aalok ng mas malawak na breakdown ng teknolohiya at pananaw ng proyekto. 


Handa ka na bang magsimula?

Kung nais mo lamang simulan agad ang pagbili ng YFI, i-click lamang ang button sa ibaba upang makapagsimula.

Bumili ng YFI

Bakit ka bibili ng YFI?


Sa pamamagitan ng pagpapautang ng mga cryptocurrency sa yearn.finance, ang mga user ay makakatanggap ng interes na YFI, ang native ng yearn.finance na cryptocurrency

how to buy yearn.finance yfi


Pero may iba pang paraan para makakuha ng YFI bukod sa kinikita ito. Maaari mong isaalang-alang ang pagbili ng YFI kung nais mo:

  • Pag-iba-ibahin ang iyong stratehiya sa long-term investment 
  • Magpahiram ng YFI sa isang liquidity pool at kumita ng mas maraming cryptocurrency 
  • Mamuhunan sa desentralisadong lending at borrowing na mga platform
  • Mag-stake ng YFI upang lumahok sa pamamahala ng platform
  • Suportahan ang pagbuo ng mga aplikasyon sa Ethereum blockchain.

Saan ako pwedeng bumili ng YFI?


May ilang paraan para makabili ng YFI. Gayunpaman, nabatid ng marami na pinakamadaling bilhin ito sa pamamagitan ng mga pinagkakatiwalaang pandaigdigang exchange tulad ng Kraken. 

Bukod sa pagbibgay ng pinakamababang bayarin sa industriya, ang Kraken ay patuloy na intinuturing na isa sa pinaka-secure at pinagkakatiwalaang crypto exchange sa mundo. Mahalaga ito dahil kung mawala mo ang private key sa iyong YFI, maaaring maging mahirap kung hindi man ay imposibleng mabawi mo na ang iyong mga pondo. 

Sa Kraken, sineseryoso namin ang seguridad, gamit ang mga subok nang teknolohiya at mahigpit na mga pamamaraan na idinisenyo upang pangalagaan ang mga pondo. Hindi namin tinitipid ang seguridad, mangyaring ikaw rin.


Magkano ang pwede kong bilhin na YFI?

Naghahanap upang bumili ng YFI ng naaayon sa badyet? Huwag mag-alala, nag-aalok ang Kraken ng minimum na laki ng order na 0.0002 YFI para matulungan kang magkaroon ng exposure sa iba't ibang asset.

Siyempre, maaari ka ring magsagawa ng mas malalaking order ng pagbili ng YFI. Hindi magiging kakaiba para sa malalaking mga trader na bumili o mag-trade ng 1.5 YFI o higit pa sa Kraken.

Presyo ng YFI

Paano bumili ng YFI sa Kraken


Sundan ang mga hakbang sa ibaba upang magsimulang bumili ng YFI sa Kraken: 

  1. Mag-sign-up para magkaroon ng Kraken account.
    Una, maglagay ng tamang email address, gumawa ng bagong username at itakda ang matatag na passwordupang maprotektahan ang iyong account.

  2. I-verify ang iyong account. 
    Matapos mong ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansa ng paninirahan at numero ng telepono, maaari kang bumili ng YFI na may mga cryptocurrency tulad ng BTC at ETH. Upang magamit ang fiat currency (i.e. USD o EUR), kailangan mong ibigay sa aming mga eksperto ang karagdagang dokumento upang i-verify ang iyong pagkakakilanlan. Basahin ang tungkol sa aming proseso ng pag-verify dito.

  3. Magdeposito ng fiat currency.
    Maaari kang mag pondo ng iyong accountsa iba't-ibang paraan. Kung paano mo ito gawin ay ibabatay sa iyong lokasyon at kagustuhan.

  4. Bumili ng YFI!
    Kapag napondohan na ang iyongaccount ng fiat, ikaw ay handa nang mamili ng YFI. Simula ngayon, makukuha mo rin ang access sa aming advanced na mga charting tool, 24-oras na global customer support at ang abilidad na magamit ang margin trading, mga feature na makatutulong sa karanasan sa Kraken na minamahal ng milyon-milyong mga global trader.


24/7/365 Customer Support

Ang Trading ay talagang simple lang! Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagbili ng YFI, ipaalam sa amin. Ang aming mga support staff ay online buong araw, araw-araw, handang tumulong.

Maaaring makipag-ugnayan sa amin anumang oras sa LiveChat o sa pamamagitan ng email.

buy yearn-finance yfi

Saan maaring itabi ang iyong YFI


Kapag ikaw ay bumili ng YFI, mangangailangan ka ng ligtas na pag-iimbakan ng iyong cryptocurrency. 

Ang Kraken ay ligtas, ngunit laging pinakaligtas na iimbak ang iyong YFI sa isang wallet, isang software o hardware na device na nag-iimbak ng mga public at private key na kakailanganin mo upang gumawa ng mga crypto na transaksyon.

Ang yearn.finance ay isang platform na nilikha gamit ang Ethereum, ibig sabihin, ang YFI ay maaaring iimbak sa isang Ethereum na wallet, kung saan maraming klase nito. Ang mga mobile at web wallet ay maaaring gawing madali ang mga transaksyon, habang ang mga hardware wallet ay pinaka-angkop para sa ligtas at pangmatagalang pagiimbak. 

Kapag pipili ng crypto wallet para sa iyong YFI, isipin mo muna kung ano ang plano mong gawin sa iyong mga token upang makahanap ng wallet na angkop sa iyong pangangailangan.


Ang Kraken ay hindi isang wallet service

Mahalagang tandaan na ang Kraken ay isang exchange service at hindi isang wallet service. Kaya habang pinapayagan namin ang aming mga kliyente na i-hold ang YFI sa kanilang mga account, lubos ka naming hinihikayat na paghiwalayin ang iyong mga hawak sa YFI sa maraming wallet. 
 

Simulan ang pagbili ng YFI


Handa ka na bang gawin ang susunod na hakbang patungo sa pagpapautang at panghihiram? I-click lamang ang button sa ibaba upang bumili ng YFI sa Kraken ngayon!