Kraken

Ano ang Inflation?

Panimulang Gabay: Ano ang Sanhi ng Implasyon?


Sa ekonomiya, ang inflation ay isang sukatan ng tumataas na presyo ng kalakal at mga serbisyo sa isang ekonomiya, na madalas humantong sa pagbaba ng purchasing power ng local currency ng ekonomiya nito.

Simple lang, ibig sabihin ng inflation ay ang parehong unit ng currency na ginamit upang makabili ng isang basket ng item, ngayon ay makakabili lamang ng kaunting item sa paglipas ng panahon dahil sa pagtaas ng presyo.

Suriin ang aming talaan sa ibaba kung paano nagbago ang mga presyo para sa ilang mga item sa pagitan ng 1960 at 2021 sa United States:


Handa na bang Labanan ang Inflation?

Ang Kraken ay ginagawang simple at ligtas ang pagbili at pagbenta ng cryptocurrency.

Bumili ng Crypto

Prices for certain items between 1960 and 2021 in the United States

Isang sikat na sukatan ng inflation ay ang Consumer Price Index (CPI), na kinakalkula ng Bureau of Labor Statistics (BLS) at sinusuri ang weighted average ng iba't-ibang price basket of goods at services gamit ng specific groups ng household para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kasama sa mga basket na ito ang pagkain, tirahan, transportasyon, mga serbisyo o gamot ng mga doktor at dentista at ang naiibang kategorya para sa mga taong naninirahan sa rural o urban settings.

Ito ay nagkakahalaga ng pansin na ang CPI ay maaaaring isang kontrobersyal na index, bilang eksaktong pamamaraan at data na ginamit upang kalkulahin ang CPI na hndi available sa publiko. Karagdagan pa dito, marami ang naniniwala na ang pamamaraang ito ay hindi tumpak na sumusukat ng inflation sa buong bansa at ekonomiya, tulad ng ehemplo ng patuloy na pagtaas ng gastos ng pabahay, pangangalaga ng kalusugan at edukasyon. Dagdag pa dito, ang paraan nnng pagkalkula ng CPI ay sumailalim ng mahigit 20 pagbabago sa nakaraang ilang dekada, pagdaragdag sa salaysay na ito ay hindi tumpak na panukala ng inflation.

what is inflation what causes inflation

Mga Sanhi ng Inflation:


Epekto ng Demand-Pull

Nangyayari ang demand-pull inflation kapag ang demand ng mamimili ay lumampas sa supply na magagamit, na nagtutulak sa mga presyo ng nasabing supply na tumaas. 

Ang epektong ito ay may posibilidad na mangyari kapag may pagtaas sa supply ng pera at kredito na magagamit ng mga mamimili, kadalasang nagreresulta mula sa pagtaas ng trabaho sa isang ekonomiya o isang gobyerno na mas malayang gumagastos ng pera. 

Epekto ng Cost-Push

Ang epekto ng cost-push ay kapag tumaas ang presyo ng mga bilihin bilang resulta ng mga gastos sa produksyon, na kinabibilangan ng mga raw material at mga sahod ng empleyado. 

Para tumaas ang mga presyo, kailangang manatiling matatag ang demand para sa produkto habang patuloy na tumataas ang gastos sa produksyon para sa nasabing produkto. 

Built-in Inflation (o Wage Push Inflation)

Ang Build-in inflation ay nangyayari sa ideya na inaasahan ng mga tao na ang mga inflation rate ay magpapatuloy, lalo na sa target ng Federal Reserve na mapanatili ang 2% inflation rate bawat taon. 

Sa inaasahang ito, mayroong pagtaas ng sahod sa buong industriya, na nagpapataas ng mga rate ng pagkonsumo, na lalong nagtutulak sa mga presyo ng mga produkto at serbisyo na tumaas. 

Paano Nakakatulong ang Bitcoin?


Bagama't ang inflation ay karaniwang itinuturing na isang positibong katangian ng isang malusog na ekonomiya, kadalasan ay hindi wais para sa mga tao na hawakan ang kanilang mga ipon sa cash dahil sa pagbaba ng halaga ng pera sa paglipas ng panahon.

Maraming tao ang inililipat ang kanilang pinaghirapang kitain na salapi sa ibang stores of value na katulad ng bitcoin dahil sa scarcity, kakayahang ipalipat lipat at tibay nito.

Maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa Bitcoin bilang isang hedge laban sa inflation dito


Mga Makabuluhang Inflation Resource

Kung gusto mong malaman kung bakit ang Bitcoin ay isang magandang store of value, pumunta sa aming “Ano ang Bitcoin? ” at ang aming “Store of Value” na mga page na matatagpuan sa aming Learn Center para sa isang mas malalim na pag aaral. 


Kung interesado kang matuto nang higit pa tungkol sa iba pang cryptocurrency, maaari mo ring bisitahin ang c< ng Kraken /a>

btc

Simulan ang pagbili ng mga Cryptocurrency


Wala ka pa bang Kraken account? I-click dito upang mag-sign up.

Ngayon ay handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng mga cryptocurrency!

 

btcBumili ng Crypto
btc