Parachain Slot
Mga Auction
Parachain Slot
Mga Auction
Pagpapaliwanag sa Mga Parachain Auction ng Polkadot at Kusama
Para sa kaunting background, idinisenyo ang Polkadot (DOT) at Kusama (KSM) batay sa dalawang uri ng mga blockchain:
- Relay Chain – Ang pangunahing network kung saan isinasapinal ang mga transaksyon.
- Mga Parachain – Mga custom na blockchain na nakaangkla sa relay chain na gumagamit sa mga computing resource nito para kumpirmahing tumpak ang mga transaksyon.
Para matukoy kung aling blockchain ang makakapag-leverage sa mga relay chain ng Kusama o Polkadot at ang kanilang nakabahaging kakayahan sa computing, gumagamit ang mga network ng Mga Parachain Slot Auction (o ‘Mga Parachain Auction’ para mas maikli).
Sa kasalukuyan nitong estado, parehong kayang sumuporta ng mga relay chain ng Polkadot at Kusama ng hanggang 100 parachain, isang numerong flexible at puwedeng mabago sa pamamagitan ng pagboto sa pamamahala sa paglipas ng panahon. Ginagamit ang mga Parachain slot auction bilang paraan para pagpasyahan kung aling parachain ang ikokonekta sa relay chain.
Tandaan, kung hindi kailangan ng isang proyekto na mag-lease ng isang ganap na nakalaang parachain slot, puwede itong sumali pansamantala (ayon sa block kada block na batayan) gamit ang isang parathread.
Paano Gumagana ang Mga Parachain Auction
Maraming proyektong naglalayong magawa sa Polkadot at Kusama at ang bawat isa sa mga ito ay nangangailangan ng kanya-kanyang parachain slot na gagamitin sa pagbuo. Sa halip na bigyan ng parachain slot ang mga proyektong may pinakamaraming pagpopondo, gumawa ang Polkadot team ng mga parachain auction bilang paraan para maipamahagi ang mga available na slot sa mas pantay-pantay na paraan.
Habang nasa parachain auction, puwedeng i-bond ng mga may hawak ng DOT o KSM ang kanilang cryptocurrency para suportahan ang proyektong sa tingin nila ay dapat makatanggap ng parachain slot. Bilang kapalit, puwedeng ipangako ng proyekto na magpapadala sila ng mga token sa pamamagitan ng airdrop (o magbibigay sila ng iba pang reward) sa kanilang mga tagasuporta.
Mahalagang tandaan na dahil sa permissionless na katangian ng mga protocol, puwede ring bumili ng parachain slot sa secondary market ang anumang proyekto mula sa sinumang nanalo ng slot sa pamamagitan ng auction.
Gumagamit ang mga Parachain auction ng mekanismong tinatawag na candle auction para i-randomize ang eksaktong panahon na tutukoy ng mananalo sa isang auction.
Mga Candle Auction sa Mga Parachain Slot Auction
Noong unang panahon, tumutukoy ang mga candle auction sa pagbebenta ng mga barko noong ika-16 na siglo, kung saan sisindihan ang isang kandila sa simula ng subasta, at ang taong may pinakamataas na bid sa pagkamatay ng kandila ang siyang makakakuha sa barko.
Gaya nito, ang mga kasali sa parachain auction ay may takdang tagal ng panahon para makapag-bid sa mga proyektong gusto nilang makakuha ng parachain slot, at, sa pagsisikap na matiyak ang isang patas na bidding, random na pinagdedesisyunan ang panahon kung kailan tutukoy ng mananalo at retroactive itong ilalapat sa mga proyektong may pinakamaraming suportang KSM o DOT.
Kaya bagama’t magkakaroon ng opisyal na pagtatapos sa auction, tumutukoy ang candle auction sa random na snapshot bago ang pagtatapos na tutukoy sa mananalo sa auction.
Tandaan, halos magkapareho lang ang proseso ng parachain slot auction ng Polkadot at Kusama, pero inaasahan ang ilang pagkakaiba sa mga maximum na slot period at tagal ng auction.
Suporta ng Crowdsourcing para sa Mga Parachain Auction Bid
Bukod pa sa direktang pagsali ng isang nagbi-bid na proyekto, binibigyang-daan ng Polkadot at Kusama ang mga blockchain na proyekto na mag-crowdsource ng suporta para sa kanilang parachain slot auction bid. Sa pamamagitan ng prosesong ito, (tinatawag minsan na “Crowdloan”), puwedeng i-bond ng mga may hawak ng DOT at KSM ang mga asset na ito sa Polkadot o Kusama network bilang hudyat ng pagsuporta sa isang partikular na proyekto. Kung mananalo ang proyekto, ila-lock ng network ang naka-bond na DOT o KSM sa loob ng kabuuang tagal ng parachain slot, pagkatapos nito, ia-unlock ang mga token at puwedeng i-claim ulit ng mga nag-ambag.
Pagkakaiba ng Mga Parachain Slot Auctions at ICO
Ang isang malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga parachain slot auction at mga tradisyonal na ICO ay hindi kailangang maglipat ng kontrol ng kanilang mga KSM o DOT na kontribusyon sa nagbi-bid na team ng proyekto o sa sinumang third party ang mga nag-aambag ng DOT o KSM sa isang auction at tumatanggap ng mga token ng proyekto sa pamamagitan ng airdrop. Sa isang ICO, ang mga pondo ng mga user ay ipinapadala sa team ng proyekto na siyang gagamit sa mga ito sa sarili nilang desisyon.
Sa isang parachain auction, puwedeng ibalik ang mga pondo ng user kung matatalo sa auction ang proyekto at kapag natapos na ang campaign nito, o, kung mananalo ang proyekto, kapag nag-expire na ang kanilang access sa parachain slot.
Mga Kapaki-pakinabang na Resource Tungkol sa Parachain Slot Auction
Kung interesado kang malaman ang higit pa tungkol sa Polkadot at Kusama, pakibisita ang mga page na Krake’n “Ano ang Polkadot?” at “Ano ang Kusama?”
Handa ka na bang bumili ng DOT o KSM? Tingnan ang aming mga gabay na Paano Bumili ng Polkadot at Paano Bumili ng Kusama
Bisitahin din ang aming price chart ng Polkadot at price chart ng Kusama.
Gusto mo ba ng higit pang impormasyon tungkol sa mga partikular na cryptocurrency at project ng blockchain? Kung oo, bisitahin ang aming Learn Center para sa mas detalyadong kaalaman tungkol sa lumalawak na larangang ito.
Paano sumali sa Mga Parachain Auction
Nag-iisip ka ba kung saan sasali sa mga parachain auction?
Alamin kung paano sasali sa mga parachain auction sa Kraken:
- Mag-sign up para sa isang Kraken account
- Magdeposito o bumili ng Kusama (KSM) o Polkadot (DOT)
- Mag-navigate papunta sa Earn > Mga Parachain
- Piliin ang proyektong gusto mong suportahan
- Ilagay ang halaga ng KSM o DOT na iaambag
- Piliin ang mag-ambag at kumpirmahin
Tandaan: ang mga parachain auction sa Kraken ay hindi available sa mga residente ng US, Canada, Japan, at Australia sa ngayon.
Paano bumili ng KSM at DOT sa Kraken
- Mag-sign up para sa Kraken account
Maglagay ng valid na email address, username, at malakas na password para protektahan ang iyong account.
- I-verify ang iyong account
Pagkatapos mong ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansang tinitirhan, at numero ng telepono, makakabili ka na ng KSM at DOT gamit ang iba pang cryptocurrency. Para makagamit ng cash (ibig sabihin, USD o EUR), kakailanganin mong magbigay sa aming mga eksperto ng mga karagdagang pansuportang dokumentong nagve-verify sa iyong pagkakakilanlan. Magbasa tungkol sa aming mga proseso ng pag-verify dito.
- Magdeposito ng pera o cryptocurrency
Maaari mong pondohan ang iyong account sa maraming paraan. Kung paano mo ito gagawin ay depende sa iyong lokasyon at mga kagustuhan.
- Bumili ng DOT o KSM!
Kapag napondohan na ang account mo, puwede mo nang bilhin ang una mong KSM at DOT. Sa puntong ito, magkakaroon ka rin ng pag-access sa aming mga advanced na charting tool, 24-hour global client support at kakayahang gumamit ng margin trading.
Mga FAQ sa Parachain Auction
Paano tinutukoy kung sino ang mananalo sa parachain auction?
Ano ang mangyayari sa KSM ko kung mananalo sa parachain auction ang proyektong sinusuportahan ko?
Ano ang mangyayari sa KSM ko kung matalo ang sinusuportahan kong proyekto sa parachain auction?
Magkano ang makukuha ko sa token kapag nanalo ang sinusuportahan kong proyekto?
Kailan magsisimula ang pagte-trade ng mga token ng proyekto?
Mawi-withdraw ko ba ang mga token ko sa proyekto?
Puwede na ba akong magdeposito ng KSM?
Puwede ko bang gamitin ang aking naka-stake na KSM para sumali sa isang parachain slot auction?
Wala akong anumang KSM - paano ako sasali?
Puwede ba akong sumali sa parachain auction mula sa kahit saan?
Saan at kailan ko malalaman kung isasama ba ng Kraken ang isang partikular na proyekto sa isang nalalapit na parachain auction?
Puwede ko bang i-unbond ang KSM ko bago matapos ang isang parachain auction?
Puwede ko bang kanselahin o i-edit ang dami ng KSM na iniambag ko sa isang parachain auction?
Puwede ba akong mag-stake ng mga token ng proyekto sa parachain sa Kraken?