Converter ng Satoshi sa USD
Kalkulahin ang Satoshi sa USD, Satoshi sa BTC, o kung ilang Satoshi mayroon ang bitcoin mo.
Simpleng Converter ng Satoshi sa USD
Kalkulahin ang Mga Satoshi sa USD at BTC
US Dollar
USDBitcoin
BTCSatoshis
SATSAng mga Satoshi ay maliit na subunit ng bitcoin. Ang bawat bitcoin ay binubuo ng 100 milyong satoshi.
Ginagamit ng simpleng converter na ito ang mga aktuwal na exchange rate batay sa huling presyo ng Bitcoin.
Ano ang Satoshi? (sat)
Ang satoshi ang pinakamaliit na unit ng bitcoin cryptocurrency, na ipinangalan sa alyas ng creator, o mga creator nito na si Satoshi Nakamoto.
Baka kaya mo nakita ang page na ito ay dahil gusto mong malaman kung ilang satoshi ang nasa isang bitcoin o kung magkano sa USD ang mga satoshi mo. Ayon sa mga patakaran ng software, ang bawat bitcoin ay puwedeng i-subdivide sa isang satoshi sa bitcoin na ratio na 100 milyon sa 1, ibig sabihin:
1 satoshi = 0.00000001 bitcoin
o
1 bitcoin = 100,000,000 satoshi
Tandaan, madalas mong makikitang naka-abbreviate sa sats ang mga satoshi.
Gamitin ang converter tool ng satoshi sa USD sa itaas para kalkulahin kung ilang satoshi ang nasa USD na balanse mo, o kung magkano sa USD ang mga satoshi mo. Puwede mo ring kalkulahin ang Satoshi sa BTC gamit ang aming calculator tool.
Iba pang denominasyon ng bitcoin:
Bagama't satoshi ang mas sikat na subunit ng bitcoin sa kasalukuyan, may iba pang denominasyon:
- Centi-bitcoin (cBTC) - katumbas ng 0.01 BTC
- Milli-bitcoin (mBTC) - katumbas ng 0.001 BTC
- Micro-bitcoin (μBTC) - katumbas ng 0.000001 BTC
Bakit Dapat Gumamit ng Mga Satoshi?
Orihinal na ginawa ang Bitcoin para maging isang “peer-to-peer na electronic cash system”, ibig sabihin, puwede itong gamitin ng sinuman bilang pambayad sa mga produkto at serbisyo.
Ang kamakailang kasikatan ng Bitcoin ang nagpatagal sa mga transaksyon at nagpataas sa mga bayarin hanggang sa puntong huminto na ito sa pagiging isang praktikal na pang-araw-araw na paraan ng pagbabayad.
Gayunpaman, may mga solusyon sa scaling na ginawa sa Bitcoin blockchain, gaya ng lightning network, na tumutulong na mapabilis ang transaksyon at mapababa ang mga pangkalahatang bayarin sa transaksyon, kaya naman mas nagiging kapaki-pakinabang ang sats bilang sistema ng pagbabayad.
Bukod pa rito, puwedeng interesado ang mga investor sa paggamit ng sats bilang paraan para magsagawa ng dollar cost averaging sa bitcoin, o para mamuhunan sa cryptocurrency sa pangkalahatan nang hindi kailangang bumili ng buong coin.
Mga Kapaki-pakinabang na Satoshi Resource
Gusto mo bang alamin pa ang tungkol sa Bitcoin blockchain? Pumunta sa page na “Ano ang Bitcoin?” na nasa Learn Center ng Kraken para sa higit pang detalye.
Kung interesado kang malaman ang higit pa tungkol sa iba’t ibang cryptocurrency na bayad, puwede mo ring bisitahin ang page na mga crypto guide ng Kraken.
Simulang bumili ng mga Satoshi sa USD
Kung handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at gusto mong bumili ng ilang Satoshi, i-click ang button sa ibaba!
Paano Bumili ng Mga Satoshi (Bitcoin)
Sundin ang mga hakbang sa ibaba para simulan ang pagbili ng sats sa Kraken:
- Gawin ang libre mong Kraken account
Ibigay ang iyong email address, bansang tinitirhan at i-secure ang iyong account gamit ang isang malakas na password
-
Ikonekta ang iyong paraan ng pagpopondo
Ikonekta ang iyong card o bank account pagkatapos ma-verify ng Kraken ang iyong account
-
Bumili ng mga satoshi (bitcoin)
Bumili ng mga satoshi sa halagang $10 lang