Kraken

Paano Magbenta ng Aave (AAVE)

Hindi na interesado sa pagpapautang ng iyong crypto sa pamamagitan ng Aave software? Maaaring oras na upang magbenta ng AAVE.


Kung ikaw ay nagpapahiram ng iyong mga crypto asset o ikaw ay gumagamit ng mga AAVE token para makilahok sa protocol ng pamamahala, ang Kraken ay pinapayagan kang magbenta ng mga crypto asset katulad ng ETH, pati na rin ang mga dolyar ng U.S. (USD) at mga euro (EUR).

Ang Kraken ay nag-aalok ng kabuuang mahigit sa isang daan at limampung mga pares ng pagte-trade, kaya, depende sa kung paano mo mapagpasyahang magbenta ng AAVE, maaari kang makakuha ng exposure sa iba't ibang uri ng iba pang mga asset

Kung ikaw ay nakapagpasya na, ngayon ang pinakamagandang oras para mag-trade at magbenta ng AAVE, sundan ang mga hakbang na nakalagay sa ibaba. 

how to sell aave


Handa ng magsimula?

Kung ikaw ay mas advance at nagna-nais na makapasok at magsimulang mag-trade, sige lang at magbenta ng ilang AAVE!

Magbenta ng AAVE


Bago sa crypto?

Para sa mga karagdagang detalye kung paano nakukuha ang halaga ng AAVE, basahin ang aming opisyal “Ano ang Aave?” na gabay.

Matuto ng Higit Pa

 

Bakit dapat magbenta ng AAVE?

Depende sa iyong risk tolerance at mga alokasyon ng iyong pamumuhunan, maari mong makita na makabubuting magbenta ng AAVE para sa ibangmga cryptocurrency o pera. 

Maaari kang magbenta ng AAVE kung nais mo:

  • Ayusin ang iyong pangmatagalang stratehiya sa crypto
  • Iwasan ang pagkalugi sa oras ng biglaang paggalaw ng presyo
  • Kumuha ng mga kita mula sa pagpapautang ng cryptocurrency
  • Ipagpalit ang AAVE para sa ibang crypto o pera
  • Bawasan ang exposure ng iyong portfolio sa mga platform ng pagpapautang.

Paano mag-benta ng AAVE sa Kraken


Kung ikaw ay handa na magbenta ng AAVE, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Mag sign up para sa isang Kraken account.
    Kailangan mo lamang ng email address, username at isang matatag na password.

  2. I-verify ang iyong account.
    Kailangan mo lamang ng iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansa kung saan ka naninirahan at numero ng telepono.

  3. Magpadala ng AAVE sa iyong Kraken Address
    Kung nais mong magbenta ng AAVE para sa ibang cryptocurrency (katulad ng BAL o SNX), una ay kailangan mong gumawa ng deposit address sa iyong Kraken account. Ang pagdedeposito ng AAVE sa Kraken ay kasing dali lang ng paglilipat nito sa kahit anong cryptocurrency address. 

    Kung gusto mo naman magbenta ng AAVE para sa salapi (katulad ng USD o AUD), kakailanganin mo mag padala sa amin ng pagkakakakilanlan at mga proof-of-residence na dokumento. Alamin ang iba pang  mga antas ng pag-verify dito.    

  4. Magbenta ng AAVE
    Kapag nakatanggap na ng pondo ang iyong account, maaari ka nang magbenta ng AAVE at iba pang mga cryptocurrency sa Kraken.

    Buksan lamang ang New Order page, sagutan ang order form at i-click ang SELL. Tignan ang aming mga AAVE price chart upang makita ang mga posibleng pinaka magandang oras ng pagbebenta sa market.

Nahihirapan ka bang magbenta ng AAVE? Ipaalam sa amin. Maaaring makipag-ugnayan sa amin sa LiveChat o sa pamamagitan ng email 24/7/365.

 

Simulan ang pagbebenta ng AAVE

Hindi sigurado kung nais mong magbenta? Pwede mo naman i-hold ang AAVE. Kung ito ang nais mo, siguraduhing i-bookmark ang aming pahina ng pagpepresyo upang makita mo ang mga pinakamagandang pagkakataong magbenta kung at kailan ito tumaas.

 

how to sell aave on kraken