Kraken

Paano Magbenta ng Balancer (BAL)

Hindi na interesadong tumulong sa pag papalakas ng Balancer? Maaaring ito ay panahon na para magbenta ng BAL.


Nakuha mo man ang BAL na nagbibigay ng liquidity sa mga Balancer pool o naghahanap ka lang na subukan ang isa pang DeFi platform, pinapayagan ka ng Kraken na magbenta ng BAL para sa iba pang mga crypto asset tulad ng ETH, pati na rin ang Swiss francs (CHF) at euros (EUR).

Nag-aalok ang Kraken ng higit sa 150 mga pares ng trading sa kabuuan, kaya, depende sa kung paano ka magpasya na magbenta ng BAL, maaari kang makakuha ng exposure sa isang malawak na hanay ng iba pang mga asset (kabilang ang iba pang DeFi cryptocurrencies).  

how to sell balancer bal


Handa ng magsimula?

Kung ikaw ay mas advance at naghahanap na kaagad makapasok at simulan ang pakikipag-trade, sige lang at magbenta ng ilang BAL!

Magbenta ng BAL


Bago sa crypto?

Para sa mga karagdagang detalye kung paano nakukuha ng BAL ang halaga nito, basahin ang aming opisyal “What is Balancer?” na gabay.

Matuto nang higit pa

 

Bakit binebenta ang BAL?

Nakasalalay sa iyong risk tolerance at mga alokasyon sa pamumuhunan, maaari mo ring matuklasan na kapaki-pakinabang ang pagbebenta ng BAL para sa ibang mga cryptocurrency o pera. 

Maaari kang magbenta ng BAL kung nais mo:

  • Ayusin ang iyong long-term crypto strategy
  • Bawasan ang iyong exposure sa umuusbong na mga DeFi protocol na siyang gumawang automatiko sa mga pampinansyal na mga serbisyo 
  • makuha ang mga kinita mula sa liquidity na iyong binigay sa Balancer
  • Ipagpalit ang BAL para sa ibang mga crypto o pera
  • Magbigay ng liquidity para sa ibang mga DeFi platform

Paano magbenta ng BAL sa Kraken


Kung ikaw ay handa nang magbenta ng BAL, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Mag-sign up para sa isang Kraken account.
    Kailangan mo lamang ng email address, username at isang matatag na password.

  2. I-verify ang iyong account.
    Kailangan mo lamang ng iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansa ng paninirahan at numero ng telepono.

  3. Magpadala ng BAL sa iyong Kraken Address
    Kung nais mong magbenta ng BAL para sa ibang cryptocurrency (katulad ng KNC o SNX), a>), una ay kailangan mong gumawa ng deposit address sa iyong Kraken account. Ang pagdedeposito ng BAL sa Kraken ay kasing dali lang ng paglilipat nito sa kahit anong cryptocurrency address. 

    Kung gusto mo naman magbenta ng BAL para sa salapi (katulad ng USD o EUR), kakailanganin mo mag padala sa amin ng pagkakakilanlan at mga proof-of-residence na dokumento. Alamin ang iba pang mga antas ng pag-verify dito.    

  4. Magbenta ng BAL
    Kapag nakatanggap na ng pondo ang iyong account, maaari ka nang magsimulang magbenta ng BAL at iba pang mga cryptocurrency sa Kraken.

    Buksan lamang ang New Order page, sagutan ang order form at i-click ang SELL. Tignan ang aming mga BAL price chart upang makita ang mga posibleng pinaka magandang oras ng pagbebenta sa market.

Nahihirapan ka bang magbenta ng BAL? Ipaalam sa amin. Maaaring makipag-ugnayan sa amin sa LiveChat o sa pamamagitan ng email 24/7/365.

 

Simulan na ang pagbebenta ng BAL

Hindi sigurado kung nais mong magbenta? Puwede mo naman i-hold ang BAL. Kung ito ang nais mo, siguraduhing i-bookmark ang aming pahina ng pagpepresyo upang makita mo ang mga pinakamagandang pagkakataong magbenta kung at kailan ito tumaas.

 

how to sell balancer bal on kraken