Paano Magbenta ng Ethereum Classic (ETC)
Kung ang iyong pagpasok sa Ethereum Classic (ETC) ay higit para sa kita kaysa sa iyong passion, malamang gusto mong mag-set up upang mag-execute ng sell order kung at kelan kinakailangan ng market.
Depende sa kung kailan ka bumili ng Ethereum Classic, mahalagang tandaan na maaari kang magbenta nang may kita o lugi. Dahil ang ETC ay isang cryptocurrency, ang halaga nito ay nagbabago laban sa iba pang mga crypto asset (tulad ng BTC at ETH) pati na rin ang mga currency na sinusuportahan ng gobyerno (tulad ng EUR at USD).
Ipapakita sa iyo ng gabay na ito kung paano magbenta ng ETC para sa iba pang cryptocurrency na gusto mong magmay-ari, o para sa pera sa bangko. Kung gusto mong kaagad na magbenta ngayon, basahin ang mga gabay na sa ibaba.
Handa ng magsimula?
Kung ikaw ay mas advance at nag-uusisa na makapasok at magsimulang mag-trade, sige lang at magbenta ng ilang ethereum classic!
Bago sa crypto?
Kung baguhan ka sa crypto at naghahanap ng karagdagang detalye bago ka bumili at magbenta, siguraduhing tingnan ang aming “Ano ang Ethereum Classic?” na gabay para sa mas komprehensibo at malalim na kaalaman.
Bakit magbebenta ng ETC?
Depende sa iyong portfolio at risk appetite, maaari mong makita na kapakipakinabang ang magbenta ng Ethereum Classic kahit ikaw ay bibili nito ulit.
Halimbawa, magbebenta ng Ethereum Classic sa katapusan ng taon maaaring magkaroon ng ilang benepisyo sa tax depende kung paano nagperform ang iyong portfolio.
Baka gusto mo rin magbenta ng ETC kung hinahangad mo:
- Ilipat ang iyong mga pondo sa salapi na maaari mong ipadala sa iyong bangko
- Iwasan ang mga pagkalugi sa mga oras ng pabago-bago ng market
- Kumita mula sa mga nakaraang pagbili
- Orasan ang kabuuang crypto market para sa kikitain sa hinaharap
Paano magbenta ng ETC sa Kraken
Nagbabalak na magbenta ng ethereum classic? Sundin ang apat na madaling hakbang na ito:
-
Mag-sign up para sa isang Kraken account
Kailangan mo lang ng email address, username at isang matatag na password. -
I-verify ang iyong Kraken account
Ang kailangan mo lang ay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansa at numero ng telepono. Kung nagmamay-ari ka ng Ethereum Classic, maaari mo itong ideposito kaagad at ibenta ang iyong crypto. -
Ipadala ang ETC sa Iyong Kraken Address
Kung gusto mong ibenta ang Ethereum Classic para sa iba pang cryptocurrency (tulad ng BTC o DASH), bumuo muna ng deposit address sa iyong Kraken account at ipadala ang iyong ETC sa address na iyon. Ang pagdedeposito ng crypto sa Kraken ay kasing simple ng pagpapadala nito sa anumang cryptocurrency address.Kung gusto mong ibenta ang Ethereum Classic para sa pera (tulad ng USD o EUR) para ipadala sa iyong bangko, kakailanganin mong magbigay ng mas detalyadong ID at proof-of-residence na mga dokumento. Matuto ng higit pa tungkol sa iba't ibang antas ng pag-verify.< /p>
-
Simulan ang pagbebenta ng ETC
Kapag napondohan na ang iyong account, maaari kang magbenta ng ETC at iba pang mga cryptocurrency.Buksan lang ang New Order na pahina, punan ang aming order form at i-click ang SELL. Suriin ang aming mga chart upang piliin ang tamang oras para magbenta o mag-isip-isip kung ano ang magiging presyo sa hinaharap.
Kung magkakaroon ka ng anumang problema sa pagbebenta ng ethereum classic, ipaalam sa amin. Ang aming support staff ay online 24/7 na handang tumulong. Maaaring makipag-ugnayan sa amin sa LiveChat o sa pamamagitan ng email anumang oras.
Magsimula
Kung handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at gustong magbenta ng ilang ETC, i-click ang button sa ibaba!