Kraken

Paano Magbenta ng Filecoin (FIL)

Hindi mo na ba ginagamit ang Filecoin's cryptocurrency-powered cloud-based storage platform? Kung gayon, maaaring oras na upang iyong pag-isipan ang pagbebenta ng mga FIL para sa cash o ibang cryptocurrency.


Kahit pa, maaaring may mga dahilan na magbenta ng FIL kung ikaw ay nkakatulong na palakasin ang network. Kung ikaw ay kumikita ng FIL sa pagrerenta ng iyong sobrang space sa iyong computer o ikaw ay isang Filecoin miner na naghahangad na mag-cash in ng mga kinita, pinahihintulutan ka ng Kraken na magbenta ng FIL para sa Bitcoin (BTC) at karaniwang mga fiat currency. 

Ang aming exchange ay nag-aalok rin ng mahigit 150 trading pair, depende kung paano mo ibebenta ang FIL, maaari kang kumita ng exposure sa malawak na saklaw ng ibang mga asset. 

Kung napagpasyahan mo na ngayon ang pinakamahusay na oras na mag-execute ng trade at magbenta ng FIL, sundan ang mga hakbang na nakabalangkas sa ibaba. 

how to sell filecoin fil


Handa ka na bang magsimula?

Kung ikaw ay mas advance at naguusisa na makapasok at magsimulang mag-trade, sige lang at magbenta ng ilang FIL!

Magbenta ng FIL


Bago sa crypto?

Para sa mga dagdag na detalye kung paano nakuha ng FIL ang halaga nito, basahin ang aming opisyal na “Ano ang Filecoin?” na gabay.

Matuto ng Higit Pa

 

Bakit magbebenta ng FIL?

Depende sa iyong risk tolerance at alokasyon sa mga investment, maaari mong makita na kapaki-pakinabang ang magbenta ng FIL para sa ibang mga cryptocurrency o fiat paminsan minsan. </>

Baka gusto mong magbenta ng FIL:

  • Iwasan ang mga pagkalugi sa oras ng biglang paggalaw ng presyo 
  • I-cash out ang mga kinita mula sa pagrenta ng sobrang space o paggawa ng bagong mga block
  • Ipagpalit ang FIL para sa ibang crypto o mga fiat currency
  • Bawasan ang exposure ng iyong portfolio sa crypto asset volatility. 

How to sell FIL on Kraken


Kung ikaw ay handa nang magbenta ng FIL, sundan ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Mag-sign up para sa isang Kraken account.
    Kailangan mo lamang ng email address, username at isang matatag na password.

  2. I-verify ang iyong account.
    Kailangan mo lamang ng iyong pangalan, pesta ng kapanganakan, bansa ng paninirahan at numero ng telepono.

  3. Magpadala ng FIL sa iyong Kraken Address
    Kung gusto mo nmn magbenta ng FIL para sa ibang cryptocurrency (tulad ng BTC o CRV), una kailangan mo muna ng gumawa ng deposit address sa iyong Kraken account. Ang pag-dedeposito ng FIL sa Kraken ay kasing dali ng pag-transfer nito sa kahit anong cryptocurrency address. 

    Kung gusto mo naman magbenta ng FIL para sa fiat currency (tulad ng USD o EUR), kailangan mo ipadala sa amin ang iyong pagkakakilanlan at proof-of-residence na mga dokumento. Matuto ng higit pa tungkol sa aming iba't-ibang verification level dito.    

  4. Magbenta ng FIL Kapag nakatanggap na ng funding ang iyong account, maaari ka nang magbenta ng FIL at ibang mga cryptocurrency sa Kraken.

    Bukasan lamang ang New Order page, sagutan ang order form at i-click ang SELL. Tingnan ang aming FIL price chart upang makita ang mga posibleng pinaka magandang oras ng pagbebenta sa market.

Mag-umpisang magbenta ng FIL


Hindi sigurado kung gusto mong ibenta ang FIL? OK lng mag-bago ng isip. Kung meron kang higit na technical na mga tanong, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa LiveChat o sa email 24/7/365.

 

how to sell filecoin fil on Kraken