Kraken

Paano Magbenta ng Orchid (OXT)

Hindi na ba interesado sa pag-access ng VPN na serbisyo ng Orchid? Maaaring oras na upang magbenta ng OXT.


Kung ikaw ay tagabigay ng bandwidth at tinitingnang mag cash in ng iyong mga kita o ikaw ay isang namumuhunan na gustong magpatuloy sa iba pang oportunidad sa trading, pinapayagan ka ng Kraken na magbenta ng OXT direkta sa ether (ETH), gayun din sa U.S. dollars (USD) at euros (EUR).

Ang Kraken ay nag-aalok ng mahigit 150 na mga trading pair sa kabuuan, depende kung paano mo mapagdesisyonan na magbenta ng OXT, maaari kang makakuha ng exposure sa malawak na saklaw ng iba pang mga asset. 

sell orchid oxt


Handa ka na bang magsimula?

Kung ikaw ay mas advanced at nag-uusisa upang makapasok at magsimulang mag-trade, magpatuloy at magbenta ng ilang OXT!

Magbenta ng Orchid


Bago sa crypto?

Para sa karagdagang detalye kung paano nakukuha ang halaga ng OXT, basahin ang aming opisyal “Ano ang Orchid?” na gabay.

Matuto ng Higit Pa

 

Bakit magbebenta ng OXT?

Depende sa iyong risk tolerance at alokasyon ng iyong pamumuhunan, maaari mong makita na may pakinabang ang magbenta ng OXT para sa ibang mga cryptocurrency o salapi. 

Maaari kang magbenta ng OXT kung nais mo:

  • Isaayos ang iyong pangmatagalang estratehiya sa crypto
  • Iwasan ang pagkalugi sa oras ng biglaang paggalaw ng presyo
  • Kumuha ng mga kita mula sa nakalipas na pagbebenta ng iyong bandwidth sa network
  • Ipagpalit ang OXT para sa ibang crypto o salapi
  • Itigil ang pag-stake ng OXT at ilipat ang pera sa iba pang asset
  • Itigil ang paggamit ng VPN ng Orchid. 

Paano magbenta ng OXT sa Kraken


Kung ikaw ay handa nang magbenta ng OXT, sundan ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Mag-sign up para sa isang Kraken account.
    Kailangan mo lamang ng email address, username at isang matatag na password.

  2. I-verify ang iyong account.
    Kailangan mo lamang ng iyong pangalan, araw ng kapanganakan, bansa kung saan ka nakatira at numero ng telepono.

  3. Magpadala ng OXT sa iyong Kraken Address
    Kung gusto mo naman magbenta ng OXT para sa ibang cryptocurrency (katulad ng ETH o WAVES), una, kailangan mo muna gumawa ng deposit address sa iyong Kraken account. Ang pagdedeposito ng OXT sa Kraken ay kasing dali lang ng pag-transfer nito sa kahit anong cryptocurrency address. 

    Kung gusto mo naman magbenta ng OXT para sa pera (tulad ng CHF o AUD), kakailanganin mo magpadala sa amin ng iyong pagkakakilanlan at proof-of-residence na mga dokumento. Alamin ang iba't - ibang antas ng ebripikasyon dito.    

  4. Magbenta ng OXT
    Kapag nakatanggap na ng pondo ang iyong account, maari ka nang mag-benta ng OXT at ng iba pang mga cryptocurrency sa Kraken.

    Buksan lamang ang New Order page, sagutan ang order form at i-click ang SELL. Tingnan ang mga OXT price chart upang makita ang mga posibleng pinaka magandang oras ng pagbebenta sa market.

Nahihirapan magbenta ng OXT? Ipaalam sa amin. Maaring makipag-ugnayan sa amin sa LiveChat o sa pamamagitan ng email 24/7/365.

Simulan ang pagbebenta ng OXT

Hindi sigurado kung gusto mong magbenta? Pwede mo naman i-hold ang OXT. Kung ito ang nais mo, siguraduhin i-bookmark ang aming pahina ng pagpe-presyo upang makita mo ang mga pagkakataon sa pagbebenta kung ito ay tataas.

 

how to sell orchid oxt on kraken