Kraken

Crypto Arbitrage

Gabay ng Nagsisimula sa Crypto Arbitrage


Nagtataka ka ba kung bakit nag-iiba-iba ang presyo ng bitcoin depende sa exchange? 

Mukhang kakaiba ito sa una, pero medyo karaniwan na ito para sa anumang asset na tine-trade sa isang bukas at pandaigdigang merkado. Halimbawa, noong naabot ng Bitcoin ang pinakamataas nitong presyo noong 2017, $19,600 ang pinakamataas na presyong ibinayad para sa cryptocurrency sa Kraken ayon sa data. 

Nagpakita ng iba’t ibang pinakamatataas na presyo ang iba pang exchange, na sumasalamin sa history ng pagte-trade ng mga user na ito, kung saan ang ilan ay nakaabot pa nga ng hanggang $20,093. 

Alam ng mga bihasang trader, na tinatawag na mga arbitrage trader, kung paano sasamantalahin ang mga ganitong maliliit na pagkakaiba sa mga presyo, at puwede silang kumita sa pagbili at pagbenta ng parehong asset sa magkakaibang merkado.

Sa tradisyonal na pinansya, nagkakaroon ng mga oportunidad sa arbitrage para sa mga security, commodity, at currency na tine-trade sa ib’t ibang pandaigdigang merkado. (Ang presyo ng isang stock ay puwedeng iba sa pagitan ng New York Stock Exchange, Tokyo Stock Exchange, at Bombay Stock Exchange.)

Sa cryptocurrency, nakakahanap ang mga trader ng mga oportunidad sa arbitrage sa pamamagitan ng pagbili at pagbebenta ng mga crypto asset sa iba’t ibang exchange, na nagbibigay-daan sa kanila na mamuhunan sa iba’t ibang presyo para sa parehong asset.

Kung gagawin nating halimbawa sa arbitrage ang all-time high noong Disyembre 2017, posibleng bumili ang mga bitcoin arbitrage trader ng 1 BTC sa Kraken, ilipat ito sa ibang exchange na may ibang presyo para sa pagbebenta, at kumita batay sa pagkakaiba ng presyo, bawas ang bayarin.

Tandaan, dapat magdahan-dahan ang mga gustong sumali sa arbitrage trading: puwedeng mabawi ng mga gastusin sa transaksyon at bayarin sa exchange ang mga kita mula sa mga trade na ito.
 

Crypto Arbitrage Bitcoin Prices


Crypto Arbitrage at ang Batas

Dahil parang isang simpleng paraan ang arbitrage para kumita, tama lang na tanungin ang sarili: legal ba ang arbitrage? Sa karamihan ng mga bansa sa buong mundo, ganap na legal ang crypto arbitrage dahil nakakaambag ito sa efficiency ng merkado. 

Kapag nakumpleto na ng crypto arbitrage trader ang kanyang trade, hindi niya maiiwasang makahimok ng mga dagdag na trader sa merkado na umaasang samantalahin ang parehong pagkakaiba ng presyo, na sa kalaunan ay magiging dahilan para maging mas balanse ang presyo ng asset sa iba’t ibang merkado.

Gayunpaman, may ilang eksepsiyon. Dapat mong basahin ang mga batas sa lugar mo bago sumali sa cryptocurrency o bitcoin arbitrage trading. 

Kapag nagdududa ka, palaging kumonsulta sa isang lokal na abogado o accountant bago magpatuloy.
 

Ano ang Crypto Arbitrage?


Dahil sa taas ng bayarin sa Bitcoin at madalas na mabagal na paglilipat, lumipat na ang mga bitcoin arbitrage trader sa mga mas efficient na opsyon sa mga merkado ng cryptocurrency. 

Halimbawa, ang Kraken ay nag-aalok ng mahigit 150 pares sa pag-trade, kaya depende sa presyo ng mga crypto asset sa iba’t ibang merkado, puwedeng ipagpalit ng mga crypto arbitrage trader ang ilang partikular na cryptocurrency sa iba pa, o sa mga mas stable na fiat currency. 

Sa pamamagitan ng single exchange gaya ng Kraken, puwede kang sumali sa triangular arbitrage trading, na kinabibilangan ng pagtukoy sa mga pagkakaiba sa presyo sa pagitan ng tatlong cryptocurrency sa exchange. Halimbawa, puwede kang bumili ng XLM gamit ang BTC, magbenta ng XLM kapalit ng ETH, at i-convert ang ETH pabalik ng BTC.

Arbitrage sa Decentralized Finance

Ang pagsikat ng decentralized finance (DeFi) ay nagresulta sa pagbuo ng mga decentralized exchange, gaya ng Uniswap, Balancer at Curve, isang uri ng exchange na pinapatakbo ng isang pandaigdigang network ng mga computer sa halip na isang sentral na operator. 

Sa halip na magpanatili ng isang sentral na order book kung saan puwedeng mag-order ang mga mamimili at nagbebenta, ang karamihan sa mga decentralized exchange ay gumagamit ng koleksyon ng mga liquidity pool, kung saan ang presyo ng crypto asset ay nakadepende sa nagbibigay ng liquidity sa mga pool. 

Kapag ginamit kasabay ng crypto exchange gaya ng Kraken, magagawa ng mga trader na tumukoy ng mga oportunidad sa arbitrage sa mga pool na nakakaranas ng slippage ng presyo dahil sa malalaking transaksyon.

Mga Konsiderasyon sa Arbitrage

Kung ito ang una mong subok sa arbitrage trading, may ilang bagay na posibleng kailangan mong ikonsidera: 

  • Mga Bayarin – Mahalagang ikonsidera ang mga bayarin sa iyong trading equation, dahil binabawi nito ang anumang potensyal na kita. Halimbawa, ang mga bayarin sa Kraken ay mula 0.1% hanggang 0.26%, kaya baka gusto mong iwasan ang mga pagkakaiba sa arbitrage na mas mababa sa 0.30%.
  • Dami – Kung mas marami ang pagte-trade sa isang cryptocurrency, mas mataas ang liquidity ng naturang coin, na magpapataas sa posibilidad na maipatupad ang iyong mga trade. 
  • Pag-iwas sa Slippage – Nagaganap ang slippage ng presyo kapag nakakuha ka ng presyong iba sa inaasahan sa pagpasok o paglabas sa isang trade. Ibig sabihin, mahalaga ang malawak na pananaliksik at perpektong timing sa merkado pagdating sa arbitrage trading.

Simulang bumili ng mga Cryptocurrency


Wala ka pa bang Kraken account? Mag-click dito para mag-sign up.

Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng cryptocurrency!

 

Bumili ng Crypto


Mga Kapaki-pakinabang na Resource Tungkol sa Crypto Arbitrage

Gusto mo bang alamin kung paano ka matutulungan ng mga decentralized exchange na mahanap ang iba’t ibang oportunidad sa cryptocurrency arbitrage? Pumunta sa Learn Center ng Kraken para sa mas malalim na impormasyon tungkol sa mga protocol gaya ng Kyber Network, Uniswap, o SushiSwap

Kung interesado kang malaman ang higit pa tungkol sa iba’t ibang cryptocurrency, puwede mong bisitahin ang page na “Mga Uri ng Mga Cryptocurrency” ng Kraken. 

Bilang panghuli, kung gusto mong tumukoy ng mga karagdagang oportunidad, puwede mong i-bookmark ang page ng presyo ng Kraken, na nagbibigay-daan sa iyong subaybayan ang kalagayan ng merkado ng cryptocurrency.