Ano ang NFT?
(Non-Fungible Token)
Ano ang ibig sabihin ng NFT?
Ang NFT ay acronym ng non-fungible token. Bagama’t binago ng tatlong letrang ito ang konsepto ng digital na pag-aari para sa karamihan, patuloy itong nagdudulot ng pagkalito at pagkadismaya para sa iba.
Sa madaling salita, ang ibig sabihin ng non-fungible ay naiiba at hindi nadu-duplicate, habang ang token ay isang item na naka-store sa isang blockchain.
Ano ang Mga NFT?
Ang mga NFT ay mga nakabatay sa blockchain na digital record ng pag-aari at pagiging totoo na nauugnay sa isang piraso ng media. Hindi lang basta isang multimedia file ang isang NFT (gaya ng .gif o .jpeg) — isa itong pampublikong record ng historical na impormasyong nauugnay sa media na iyon. Sa ganitong paraan, mas kahalintulad ng mga NFT ang dokumento ng pag-aari at sertipiko ng pagiging totoo ng isang painting sa halip na mismong pinintahang canvas.
Iba ang mga NFT sa mga fungible asset gaya ng mga $20 na bill, mga share ng isang stock, o iba pang unit na puwedeng ipagpalit sa isa’t isa nang walang pagbabago sa halaga. Bagama’t ang isang $20 na bill ay katumbas ng anumang iba pang $20 na bill at ang isang bagong bola ng tennis ay puwedeng ipalit sa iba nang walang inaantalang match, may mga natatanging kalidad ang mga NFT na dahilan para maging natatangi at nave-verify na iba ang bawat isa mula sa lahat ng iba pang NFT.
Bakit mahalaga ang mga NFT?
Nagsisilbing patunay ng pag-aari ang NFT, na naghahatid ng tamper-resistant na paraan para ma-verify sa matematikal na paraan na pag-aari ng isang partikular na blockchain address ang naturang item. Nagsisilbi ring sertipiko ng pagiging totoo ang NFT na sumisiguradong puwedeng i-track ang anumang anyo ng media (artwork, dokumento, o iba pang digital file) sa pinagmulan nito (na magpapatunay na hindi ito kailanman pinakialaman).
Pagpapaliwanag sa Mga NFT
Ang pagkuha ng larawan ng likhang-sining sa isang museo ay hindi nangangahulugang pag-aari na ng kumuha ng litrato ang painting, at hindi rin ito maituturing na orihinal na likhang-sining. Alam natin ito dahil may consensus sa mga tagapamagitan gaya ng mga curator, scholar, kolektor, at publiko tungkol sa kung alin ang orihinal, alin ang kopya lang, at kung sino ang tunay na nagmamay-ari.
Ganito rin sa mga NFT at ito ang nagbibigay sa orihinal na NFT – sa halip na mga kopya nito na ni-right click at sinave lang – ng napapatunayang pagkapambihira at halaga. Pero sa halip na umasa sa desisyon ng mga indibidwal para beripikahin ang pagiging totoo o ang pag-aari, ginagamit ng mga NFT ang kakayahan ng teknolohiya ng blockchain sa pagbuo ng consensus.
Sa madaling salita, gumagamit ang mga NFT ng mga objective na matematikal na patunay, sa halip na subjective na pagtitiwala sa isang indibidwal o organisasyon, para i-verify ang pag-aari at pagiging totoo.
Mag-explore, mangolekta at mag-trade gamit ang Kraken NFT marketplace.
Isang napakaikling kasaysayan ng mga NFT
Sa kabila ng kamakailang pagsikat ng mga NFT, nagsimula ang mga NFT noong mga unang taon pa lang ng teknolohiya ng blockchain. Ipinakilala ang konsepto ng mga NFT sa Colored Coins noong 2012. Naka-store sa Bitcoin blockchain, nag-alok ang Colored Coins ng paraan para katawanin ang pag-aari ng mga asset sa tunay na mundo gaya ng real estate o mga share sa isang stock. Pagkalipas ng ilang taon, ang “Quantum” ng digital artist na si Kevin McCoy, isang hypnotic loop ng tumitibok at multicolored na octagon – ay na-mint sa Namecoin blockchain at itinuturing ng karamihan bilang unang NFT.
Pagkatapos ng viral na kasikatan ng mga koleksyon gaya ng Rare Pepes sa Bitcoin-based na Counterparty platform, isinulong ng Ethereum ang posibilidad ng mga NFT’ sa pamamagitan ng CryptoKitties at ERC-721 standard noong 2018. Nagbigay-daan ito para sa iba pang blockchain network na pinapagana ng smart contract gaya ng Solana, Polygon, at Tezos para mas maisulong pa ang paggamit at sirkulasyon ng mga NFT.
Sa ngayon, madalas gamitin ang mga NFT para i-track ang pag-aari at pagiging totoo ng mga digital art at collectible. Ang ilan sa mga pinakaunang NFT, gaya ng CryptoPunks, ay kumakatawan sa mga artifact mula sa mga unang sandali ng pagbabago sa kultura ng konsepto ng pag-aari. Patuloy na lumago sa iba pang larangan bukod sa sining ang mga pinaggagamitan ng mga NFT pagdating sa desentralisadong pag-aari, mula sa pag-verify ng mga sensitibong pinansyal na dokumento hanggang sa eksklusibong access sa mga karanasan sa pop culture.
Paano gumagana ang mga NFT?
Ang mga NFT, at ang mga blockchain network kung nasaan ang mga ito, ay gumagamit ng mga konsepto mula sa cryptography at computer science para secure na ma-maintain at maibahagi ang impormasyon. Ginagawa nila ang mga ito nang direkta sa pagitan ng mga indibidwal nang hindi kailangan ng sentralisadong pangangaswa at pag-verify.
Kung alam mo na ito, baka gusto mong basahin ang Kraken Intelligenc’e report, ang Redefining Digital Scarcity, na tumatalakay sa mga teknikal na pagkakaiba ng mga NFT marketplace gaya ng OpenSea at Rarible, pati na mga NFT token standard gaya ng ERC-721 at ERC-1155.
Pero kung nagsisimula ka pa lang matuto tungkol sa blockchain at NFT, nasa tama kang lugar.
Gumagamit ang mga blockchain ng public-private key cryptography at hashing para magbahagi ng mga naka-encrypt na impormasyon sa isang nakabahaging network ng mga user. Ang impormasyong ito ay naka-store sa “mga block” na “pinag-uugnay-ugnay” sa pamamagitan ng paglalagay ng impormasyon mula sa nakaraang block sa bawat bagong block. Sa ganitong paraan ng paglalagay ng impormasyon mula sa nakaraang block sa bawat bagong block, nagkakaroon ng kumpletong audit trail pabalik noong ginawa ang blockchain. Pinapadali rin nito para sa network na tumukoy kung napakialaman ba ang isang block ng impormasyon.
Sa halip na panatilihin ang mga ganitong block ng mga magkakaugnay na impormasyon sa iisang lugar, ipinapamahagi ng mga blockchain ang mga kopya ng impormasyong ito sa kabuuang network ng mga computer, kung saan ang bawat isa ay tinatawag na node.
Gumagamit ang mga blockchain ng isang sopistikadong computer program, na tinatawag na consensus algorithm, para mapanatili ang kasunduan sa impormasyon na kino-commit sa network at ibinabahagi sa lahat ng kasaling node. Ito ang nagbibigay sa mga blockchain ng natatangi nilang mga katangian na pagiging:
Desentralisado
Umaasa ang mga blockchain sa isang nakabahaging hanay ng mga predefined na panuntunan, sa halip na tagapamagitang tao, para mapanatili ang kasunduan sa pagiging valid ng impormasyong sino-store ng mga ito.
Nakabahagi
Ang impormasyong naka-store sa isang blockchain ay hindi itinatabi sa isang lokasyon lang, kundi sa kabuuan ng isang network ng mga computer, na nagtataglay ng parehong kopya ng historical na data.
Immutable
Ang impormasyong nakatago sa blockchain ay hindi puwedeng baguhin, puwede lang itong dagdagan, na nagbibigay-daan para sa isang kumpleto at lubos na tamper-resistant na source ng katotohanan para sa lahat.
Tingnan ang kumpletong gabay ng Kraken Learn Cente’r na Ano ang Teknolohiya ng Blockchain? para sa isang detalyadong pangkalahatang ideya.
Ginagawa ang mga NFT gamit ang mga smart contract,, mga programmatic na panuntunan na naka-commit at ipinapatupad sa blockchain. Ang smart contract sa likod ng NFT ay nagsisilbing tamper-resistant na pruwebang ang media na nauugnay sa NFT ay ginawa ng isang partikular na tao o organisasyon. Pinapatunayan din nito kung sino ang tunay na may-ari ng item. Sa huli, ang mga deterministikong panuntunan ng smart contract na namamahala sa NFT ay nagbibigay-daan sa mga indibidwal na iwasang malingat sa pagkakamali- o maiwasan ang mga sentralisadong tagapamagitan na madaling kapitan ng pandaraya.
Ethereum, Solana, Cardano, Flow at Tezos ang ilan lang sa mga blockchain platform na pinapagana ng smart contract na nakakasuporta sa paggawa at pagpapanatili ng mga NFT. Bagama’t gumagana sa magkakaibang paraan ang bawat blockchain, lahat ng ito ay naghahatid ng desentralisado, nakabahagi, at immutable na paraan ng pagpapanatili ng isang napagkasunduang record ng katotohanan.
Paano gumawa ng NFT
Sa karamihan ng mga blockchain, ginagawa ang mga NFT sa pamamagitan ng pakikipag-interaksyon sa isang smart contract. Maraming template ng smart contract sa paggawa ng mga NFT ang available mula sa iba't ibang open source, kabilang ang mga platform ng blockchain na sumusuporta sa mga NFT, mga prominenteng creator na nasa space, at mga NFT marketplace.
Ginawa at inirehistro ang mga NFT sa blockchain sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na pag-mint. Puwedeng i-mint bilang NFT ang halos kahit na anong piraso ng media, mula sa isang linya ng text hanggang sa buong virtual reality experience. Sa pamamagitan ng proseso ng pag-mint, inilalagay sa blockchain ang cryptographic address ng creator ng NFT at mahahalagang piraso ng impormasyon ng pagkakakilanlan na tinatawag na metadata. Gagawin na ang NFT at kadalasan ay ia-upload sa isang external na lokasyon ang digital media file na kinakatawan ng NFT (higit pang detalye tungkol dito sa susunod na seksyon).
Ang mga smart contract na gumagawa ng mga NFT ay maniningil ng bayarin sa gas na ibabayad sa mga kasali sa network, na kilala bilang mga validator, na nagpapanatili sa pagiging totoo ng estado ng pag-aari ng NFT’. Sa pamamagitan ng mga bayarin sa gas, nabibigyan ng insentibo ang mga validator para kumilos sila nang matapat at manatiling magkakasundo sa network.
Pag-secure at pag-store ng NFT
Iniingatan at mine-maintain ang mga NFT gaya lang din ng mga prominenteng cryptocurrency gaya ng Bitcoin, Polkadot at Algorand. Kinokopya at ibinabahagi sa lahat ng kasaling node ang isang kumpletong record ng mga dating transaksyon ng isang NFT. Tumutulong ang bawat node sa pagtiyak ng seguridad at katumpakan sa pagtatabi ng record ng naturang NFT.
Tinitiyak ng consensus na mananatiling magkakasundo ang lahat ng kasaling node sa lahat ng network. Tinitiyak ng mga consensus algorithm, gaya ng Proof of Work at Proof of Stake, na ire-record at iso-store sa tumpak na paraan ang mga bagong transaksyon sa pamamagitan ng pag-aalis sa potensyal na mapakialamanan ang network o ang mga content nito.
Bagama’t naka-store sa blockchain ang metadata, chain ng custody, at record ng pagiging totoo ng isang NFT, kadalasang hindi naka-store sa blockchain ang media na kinakatawan ng NFT. Dahil mahal mag-store ng malalaking image file nang direkta sa isang blockchain, marami ang gustong i-store ang media file na kinakatawan ng NFT sa labas ng chain at idirekta ito sa pamamagitan ng link na naka-store sa NFT sa blockchain.
Mahalagang maunawaan nang lubos kung saan naka-store at mine-maintain ang media na nauugnay sa isang NFT, na tinutukoy sa smart contract na nagpapagana sa NFT, hindi ng paraang pinili ng isang indibidwal para ilagay sa custody ang isang NFT. Bagama’t nagbibigay ng kaginhawahan ang mga solusyon sa sentralisadong media storage, posible nilang gawing mas mahina ang media sa pagbabago o pag-delete. Umuusbong ang mga desentralisadong alternatibo, gaya ng Arweave o Interplanetary File System (IPFS), bilang mga potensyal na solusyon na tumutugon sa marami sa mga kahinaang nauugnay sa mga serbisyo ng sentralisadong media storage.
Mga transaksyon ng NFT
Puwedeng bilhin, ibenta, at i-trade nang direkta ang mga NFT sa pagitan ng mga indibidwal o sa pamamagitan ng marketplace na nangangasiwa ng mga naturang transaksyon. Marami ring NFT marketplace ang nag-aalok ng functionality sa pag-bid, sa halip na isang naka-fix lang na presyo, para bigyang-daan ang mas magandang pagpepresyo.
Dahil walang katumbas ang mga non-fungible item, kadalasang kinokonsiderang hindi gaanong liquid ang mga NFT market kumpara sa mga market ng mas fungible na asset gaya ng mga cryptocurrency o pinansyal na security. Gaya lang din ng mga obrang ibinebenta sa tradisyonal na art market, nakadepende halos ang halaga ng NFT sa kung magkano ang handang ibayad dito ng isang kalahok sa merkado.
Ang pagiging programmable ng mga NFT ay nag-aalok din ng makabagong paraan para bayaran ang mga creator, sa halip na mga pinakabagong may-ari, para sa pagkamalikhain at intelektwal na pag-aari. Ang mga smart contract na nagpapagana sa mga NFT ay puwedeng ma-program para magbigay ng mga bayad sa magkakaibang paunang natukoy na blockchain address. Puwedeng piliin ng orihinal na creator ng isang NFT na maglagay ng kita ng creator, isang porsyento ng presyo sa benta bilang bayad sa orihinal na creator tuwing may maibebentang NFT.
Para saan ang mga NFT?
Mga Art at Collectible
Bagama’t halos lahat ng digital file ay puwedeng katawanin bilang NFT, ang mga pinakakaraniwang pinaggagamitan sa kasalukuyan ay ang mga collectible na gawa gaya ng sining. Bago ang mga NFT, ang pinakamahalagang puna sa mga digital art o collectible ay halos imposibleng i-track online ang pag-aari ng likhang-sining at halos nakadepende ito sa mga tagapamagitan na madaling kapitan ng pandaraya.
Higit pang pinatunayan ng mga NFT ang digital art bilang medium at mahalagang anyo ng expression sa makabagong kultura. Ang mga NFT mula sa mga tinatawag na “blue chip” na koleksyon (hal., CryptoPunks, Bored Ape Yacht Club, at mga gawa ng mga digital artist gaya ni Beeple) ay nakaabot ng mga record-breaking na presyo ng bentahan hindi lang para sa mga NFT marketplace, kundi pati na rin sa mga tradisyonal na art auction house.
Membership sa Komunidad
Maraming NFT na koleksyon ang nag-aalok ng iba pang benepisyo sa tunay na mundo, mga reward, o karanasan sa mga may hawak sa mga ito, na mas nagpapataas sa halaga ng mga ito. Ang mga may hawak ng mga NFT mula sa ilang partikular na koleksyon ay kadalasang kumokonekta sa iba pang may-ari sa network, bumubuo ng mga ugnayan, at nagbabahagi ng kanilang hilig sa proyekto, lahat ng ito habang mas pinapalalim ang diwa ng pakikiisa sa komunidad. Bilang karagdagan, maraming decentralized autonomous organization (DAO) ang nagsama-sama para maghati-hati sa fractional na pag-aari at kolektibong pamamahala ng mga NFT na para sa kanila ay kultural na mahalaga.
Musika
Ginagamit ng mga musikero ang mga NFT para bawasan ang impluwensya ng mga record label at ng mas malawak na industriya ng musika, na namamagitan at kumikita sa mga ugnayang nabuo ng mga artist sa kanilang mga tagahanga. Gaya lang din kung paano puwedeng i-commit ang mga natatanging larawan sa blockchain bilang mga NFT, puwede ring gumawa, makipagtransaksyon, at mag-store ng mga natatanging clip ng audio sa blockchain bilang mga NFT para maging pag-aari at ma-enjoy ng mga tagahanga. Iba’t ibang musical artist na sa iba’t iban genre at henerasyon, kabilang ang Kings of Leon at si 3LAU, ang gumagamit ng mga NFT para makapaghatid ng mga bagong karanasan sa pamamagitan ng kanilang musika at nagbabawas ng pagdepende sa mga tagapamagitan sa industriya ng musika.
Gaming
Ang mga platform na nakabatay sa blockchain gaya ng Decentraland, Axie Infinity at The Sandbox ay gumagamit ng mga NFT para mag-alok ng mga natatanging karanasan sa laro at nagbibigay ang mga ito ng mga reward sa mga player gamit ang mga bespoke item na may halaga sa tunay na mundo. Sa loob ng mga larong ito, puwedeng katawanin ng mga NFT ang mga natatanging plot ng virtual na lupa, mga character, mga kakayahan, o mga item, na may mga kanya-kanyang katangian at halaga sa merkado. Ang mga NFT, at ang mga cryptocurrency na native sa maraming laro sa blockchain, ay mahahalagang bahagi rin ng play-to-earn economy, na nagbibigay ng reward sa mga player para sa mga nakamit nila sa laro gamit ang mga item na may halaga sa labas ng mga in-game marketplace. Nagbibigay-daan ang mga NFT na angkinin ng mga player ang mga nakamit nila sa laro at makakuha ng mga bespoke reward na may halaga sa tunay na mundo.
DeFi
Nagsisimula na ring magkaroon ng mga makabagong paggagamitan ang mga NFT pagdating sa mga decentralized finance (DeFi) protocol bilang paraan para mapanatili ang mga tamper-proof na record ng pag-aari nang walang tagapamagitan. Ang mahahalagang pinansyal na dokumentasyon, gaya ng patunay ng pag-aari ng isang bahagi ng lupa o pagbabayad ng buwis ng isang negosyo ay puwedeng gawing NFT at gamitin sa isang DeFi protocol para makapagsagawa ng peer-to-peer na pinansyal na transaksyon sa mapagkakatiwalaang paraan. Bukod sa pagiging pruweba ng pag-aari at pagiging totoo, puwede ring gamitin ang mga NFT bilang collateral para sa mga user para makahiram sila. Parehong inaalam ng mga tradisyonal at blockchain-based na serbisyo sa pagpapahiram kung paano magagamit ang halaga ng isang NFT para magpondo ng mga bagong pinansyal na produkto at serbisyo.
Ang Metaverse at Web3
Mabilis na nagiging pangunahing pundasyon ang mga NFT para sa kinabukasan ng internet, kung saan puwedeng makapaghatid ng mga mas immersive na online na karanasan sa pamamagitan ng iniakmang pag-aari ng mga property ng mga NFT.
May kakayahan ang mga NFT na makapagbigay ng kakayahan sa isang mas desentralisado at naka-anonymize na arkitektura ng internet na nakabatay sa blockchain, na madalas na tinatawag na Web3. Bagama’t umuusbong pa lang ang buong saklaw ng potensyal ng mga NFT sa mga ganitong larangan, malamang na patuloy na magiging malaki ang papel ng mga NFT sa pagbuo ng Web3 at metaverse. Para sa marami, isa lang ang sining sa marami pang larangang puwedeng baguhin ng potensyal ng mga NFT, at malapit nang sumunod ang mga larangan ng e-commerce, pag-aari ng lupa, at maging personal na pagkakakilanlan.
Proof of Attendance Protocol
Ang Proof of Attendance Protocol (POAP) ay isang open source na proyektong gumagamit ng mga NFT para subaybayan ang pagpunta sa mga event sa tunay na buhay. Pagkatapos magbigay ng simpleng disenyo ng badge at metadata na nauugnay sa isang event (gaya ng pangalan, lokasyon, at petsa ng event), puwedeng ibahagi ang mga POAP para gumawa ng tamper-proof na digital na record ng pagsali na mabilis ibahagi at i-verify.
Sa pamamagitan ng POAP, nakakapagbigay ang mga event organizer ng mga mas naka-personalize na karanasan para sa kanilang mga komunidad. May potensyal din itong mag-expand sa iba pang larangan gaya ng pag-track ng mga kredensyal mula sa mga akademikong institusyon at mga propesyonal na organisasyon.
Fashion
Mula mga boutique luxury brand hanggang mga fast-fashion powerhouse, inaalam ng mga kumpanya sa buong mundo ang kapangyarihan ng mga NFT. Maraming prominenteng brand ang naglulunsad ng mga NFT collection ng mga damit para sa metaverse, habang ang iba naman gaya ng Louis Vuitton ay nagde-develop ng mga laro na nakasentro sa pangongolekta ng mg NFT at pakikipag-ugnayan sa brand.
Pinapalalim ng mga NFT ang koneksyon sa mga customer habang itinatampok ang mga nakaka-inspire na bagong artist. Ang Gucci, Dolce & Gabbana, Nike, at Adidas ang ilan lang sa mga maimpluwensyang brand na gumamit na ng kakayahan ng mga NFT para gumawa ng mga uso.
Hindi na kailanman mawawala ang mga NFT. May mga bago at kapana-panabik na koleksyon at aplikasyon sa merkado araw-araw, na nagreresulta sa mas diverse na marketplace na puwedeng i-explore. I-curate ang iyong NFT na koleksyon gamit ang pinaka-secure, pinakamaginhawa, at all-in-one na platform: Kraken NFT.