Kraken
what are parachains?

Ano ang Mga Parachain?

Ano ang mga
Parachain?

parachains explained

Gabay sa Polkadot at Kusama Parachain


Ang mga parachain ay mga custom na blockchain na partikular sa project at naka-integrate sa Polkadot (DOT) at Kusama (KSM) network.

Puwedeng i-customize ang mga parachain para sa anumang paraan ng paggamit at i-feed sa pangunahing blockchain, na tinatawag na Relay Chain, at itinuturing na puso ng Polkadot at Kusama network.  

Responsable ang Relay Chain para sa mga nakabahaging security, consensus, at mga transaksyon settlement ng network, kaya naman, sa pamamagitan ng pagiging naka-integrate sa Relay Chain, nakikinabang ang lahat ng parachain sa mga batayang feature ng Relay Chain.

Parachain Image One
Parachain Image Two

Kasama ng iba pang bagay, puwedeng magbigay-daan ang istruktura ng disenyong ito sa mga user ng parachain na magsagawa ng mga transaksyon nang mas mabilis at mas mura, at sa mga developer ng parachain na gumawa ng mga blockchain na hind’i naghahayag ng data ng user sa pampublikong network o na hindi kailangang magproseso ng masyadong maraming transaksyon.  

Ino-optimize ng mga parachain ang functionality ng mga ito para sa mga partikular na paraan ng paggamit at, sa maraming pagkakataon, suportahan ang sarili nitong mga token. Para maging parachain sa Polkadot at Kusama, kailangang lumahok ng mga project sa parachain auction.

Kasama sa mga halimbawa ng mga project na gustong sumali sa mga auction at mag-secure ng parachain slot ang Moonriver, isang Ethereum -compatible na blockchain environment para sa Kusama, at Karura (KAR), isang decentralized finance (DeFi) hub na magbibigay-daan sa mga user na kumita ng yield sa kanilang crypto at magsilbing credit na nagbibigay ng infrastructure para sa Kusama.

Parachain Graphic Image

Paano Gumagana ang Mga Parachain


Ang Polkadot at Kusama ay mga network na nagbibigay-daan sa parehong impormasyon at mga token na ma-transfer sa kanila. Hindi kagaya ng Ethereum, kung saan ginagawa ang mga decentralized application sa loob ng mga limitasyong itinakda ng blockchain nito, nagbibigay-daan ang Polkadot at Kusama sa mga developer na gumawa ng sarili nilang mga hiwalay na blockchain.

Ang ibig sabihin nito, puwedeng magkaroon ang bawat parachain ng sarili nitong mga parameter tulad ng mga block time, transaction fee, mekanismo sa pamamahala, at reward sa mining.

Nakikinabang ang mga parachain sa security ng network ng Polkadot at Kusama, na mine-maintain ng Relay Chain, kaysa sa umasa sa sarili nilang mga validator node. Sa halip, ang mga parachain ay mine-maintain ng mga collator node na nagso-store ng buong history para sa bawat parachain at nagsasama-sama ng data ng transaksyon sa parachain sa mga block na idaragdag sa Relay Chain. 

Mga Parachain Auction

Inaasahang hanggang 100 parachain slot lang ang susuportahan ng Polkadot at Kusama sa mga network ng mga ito, pero hindi ito pirming numero at puwede itong magbago. 

Ang bawat parachain ay may nakatuong parachain slot na ia-attach sa Relay Chain, at, para magkaroon ng access sa isa sa mga slot, gumawa ang Web3, ang team sa likod ng Polkadot at Kusama, ng tinatawag nilang mga Parachain Auction bilang paraan para maipamahagi ang mga available na slot sa pantay-pantay na paraan.  

Ang mga kalahok sa auction ng parachain ay may tukoy na tagal ng oras para mag-bid sa mga project na gusto nilang makakuha ng parachain slot, at ang project na makakakuha ng pinakamaraming suporta sa random na tinukoy na oras sa panahon ng proseso ng pag-bid ang, sa pangkalahatan, makakakuha ng kakayahang gumamit ng parachain slot.

Kung gusto mong matuto pa tungkol sa mga parachain slot auction, pumunta sa aming page na Parachain Auction .
 

 

parachains explained
Tingnan ang Infographic
what are parachains

 

 

Mga Kapaki-pakinabang na Resource ng Polkadot at Kusama Parachain


Kung interesado kang matuto pa tungkol sa Polkadot at Kusama, pumunta sa page na “Ano ang Polkadot?” at “Ano ang Kusama?” ng Kraken.

Handa ka na bang bumili ng DOT o KSM? Tingnan ang aming mga gabay na Paano Bumili ng Polkadot at Paano Bumili ng Kusama.

Bisitahin din ang aming price chart ng Polkadot at price chart ng Kusama.

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon tungkol sa mga partikular na cryptocurrency at project ng blockchain? Kung oo, bisitahin ang aming Learn Center para sa mas detalyadong kaalaman tungkol sa lumalawak na larangang ito.


Paano bumili ng KSM at DOT sa Kraken

 

  1. Mag-sign up para sa Kraken account

    Maglagay ng valid email address, username, at malakas na password para protektahan ang iyong account.

  2. I-verify ang iyong account

    Pagkatapos mong ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, bansang tinitirhan, at numero ng telepono, makakabili ka na ng KSM at DOT gamit ang iba pang cryptocurrency. Para makagamit ng cash (ibig sabihin, USD o EUR), kakailanganin mong magbigay sa aming mga eksperto ng mga karagdagang pansuportang dokumentong nagve-verify sa iyong pagkakakilanlan. Magbasa tungkol sa aming mga proseso ng pag-verify dito. 

  3. Magdeposito ng pera o cryptocurrency

    Maaari mong pondohan ang iyong account sa maraming paraan. Kung paano mo ito gagawin ay depende sa iyong lokasyon at mga kagustuhan.

  4. Bumili ng DOT o KSM!

    Kapag napondohan na ang account mo, puwede mo nang bilhin ang una mong KSM at DOT. Sa puntong ito, magkakaroon ka rin ng access sa aming mga advanced na charting tool, 24-hour global client support at kakayahang gumamit ng margin trading.