Ano ang mga Stablecoin?
Ang Beginner's Guide
Ang mga Stablecoin ay uri ng cryptocurrency na naka-programa upang subaybayan ang halaga ng iba pang asset tulad ng mga pera ng gobyerno o ginto.
Maraming mga investor ang nagugustuhan ang mga stablecoin sapagkat nag-aalok ang mga ito ng kahusayan at transparency ng mga cryptocurrency, habang nagbibigay ng kaluwagan mula sa minsanang pabago-bago ng mga asset na ito.
Gayunpaman, dapat tandaan ng mga trader at namumuhunan na hindi lahat ng stablecoin ay nilikha nang pantay-pantay.
Sa taong 2020, mayroong dalawang pangunahing klase ng mga stablecoin, ang mga cash-collateralized na mga stablecoin at ang mga crypto-collateralized na stablecoin, na parehong magagamit sa mga palitan na tulad ng Kraken.
Gayunpaman, ang mga stablecoin ay may mga pagkakaiba-iba. May higit sa 200 na aktibong mga proyekto ng stablecoin, na kapag pinagsama ay nakakapag-proseso ng mas higit na volume kaysa sa Venmo, ang mobile peer-to-peer payment platform ng PayPal,
Hindi sigurado kung saan magsisimula upang matuto sa mga crypto asset na ito? Ipinapaliwanag namin sa ibaba kung paano gumagana ang mga stablecoin at kung bakit maaaring maging isang nakakahimok na karagdagan ang mga ito sa iyong crypto asset portfolio.
Bakit may value ang mga Stablecoin?
Sa pamamagitan ng pag-aalis ng volatility na nauugnay sa mga cryptocurrency, pinapayagan ng mga stablecoin ang mga namumuhunan na gumamit ng isa pang tool upang i-manage ang risk sa kanilang portfolio.
Bukod pa rito, ang mga stablecoin ay maaaring mag-alok sa mga trader ng kakayahang bumili at magbenta mula sa isang mas malawak na pagpipilian ng mga trading pair, lahat nang walang mga paghihigpit ng tradisyonal na mga capital market na maaaring bukas lamang tuwing oras ng negosyo kada araw na may trabaho.
Gayunpaman, nakikita ng ilang mga tagataguyod na ang mga stablecoin sa paglaon ay nagpapalawak ng mga serbisyong pampinansyal, na pinapayagan ang mga user na iwasan ang mga gatekeeper na maaaring hadlangan ang pag-access sa mga serbisyo sa pandaigdigang pagbabayad ngayon.
Halimbawa, ang mga borrower ay maaaring maiwasan ang mga credit evaluation at napakamahal na mga bayarin ng mga institusyong pampinansyal at sa halip ay i-collateralize ang kanilang mga crypto holding gamit ang ilang mga uri ng stablecoin.
Paano Gumagana ang mga Stablecoin?
Lahat ng mga stablecoin ay naglalayong gayahin ang presyo ng iba pang asset, ngunit hindi lahat ng mga ito ay nagagawa sa parehong paraan. Nangangahulugan ito na ang ilang mga stablecoin ay maaaring mas mapanganib kaysa sa iba at mas malaki ang posibilidad sa pagbabagu-bago ng presyo na sinasabi nilang nagbibigay ng kaligtasan.
Cash-Collateralized Stablecoins
Ang mga cash-collateralized na mga stablecoin ay mga cryptocurrency na sinusuportahan ng 1-to-1 na isang pinagbabatayan na pera ng gobyerno (tulad ng USD o EUR) na nakaimbak sa isang tradisyonal na institusyong pinansyal.
Ang ganitong uri ng stablecoin ay unang ipinakilala noong 2014 noong ang startup na Tether Limited ay naglabas ng USDT, isang cryptocurrency na suportado ng dolyar na idinisenyo upang i-trade 24/7 sa global market ng crypto. Noong 2020, ang Tether ay nananatiling pinakamalawak na ginagamit na stablecoin sa buong mundo.
Tulad ng USDT, ang mga cash-collateralized na mga stablecoin ay karaniwang pinamamahalaan ng isang sentral na operator, na sumusubaybay sa kanilang sirkulasyon at nagpapahintulot sa mga user na mag-mint at mag-redeem ng mga token sa kanilang pangangalaga.
Sa ilang mga kaso, ang mga reserbang ito ay regular na sinusuri upang matiyak na ang halaga ng mga token na na-trade ay katumbas ng mga reserbang hawak ng kompanya.
Kasama sa mga halimbawa ng cash-collateralized na stablecoin ang USDT at USDC (naka-peg sa USD).
Crypto-Collateralized
Ang mga crypto-collateralized na mga stablecoin ay kino-collateral ng isa o higit pang mga cryptocurrency.
Ang mga asset na ito sa pangkalahatan ay walang sentral na tagapangasiwa, at sa halip ay umaasa sa isang bukas na software upang bigyang-daan ang mga borrower na i-lock ang mga crypto asset (sa gayon ay kino-collateral ang mga ito) at bumuo ng mga bagong stablecoin sa anyo ng mga pautang.
Upang isaalang-alang ang volatility ng pinagbabatayan na cryptocurrency, ang mga stablecoin na ito ay madalas na over collateralized, ibig sabihin, ang halaga ng deposito na kinakailangan ay karaniwang mas mataas na porsyento kaysa sa halaga ng stablecoin.
Kung gusto ng mga nanghiram na tubusin ang kanilang mga naka-lock na mga cryptocurrency, kailangan nilang ibalik ang mga stablecoin sa protocol at magbayad ng fee.
Dahil sa kanilang disenyo, ang supply ng stablecoin ay hindi maaaring baguhin ng sinuman sa network. Sa halip, ang mga kontrata ay nakaprograma upang tumugon sa mga pagbabago sa presyo sa merkado ng mga naka-lock na asset.
Kabilang sa mga halimbawa ng crypto-collateralized stablecoin ang DAI, Havven, at BitUSD.
Algorithmic Stablecoins
Ang mga algorithm na mga stablecoin ay mga digital na asset na umaasa sa mga smart contract upang ayusin ang kanilang katatagan.
Sa halip na gumamit ng mga deposito ng mga cryptocurrency o pag-isyu at pagbabayad ng utang, ang software sa likod ng mga algorithmic stablecoin ay nag-aayos ng supply ng cryptocurrency habang pabagu-bago ang demand para dito.
Kung mataas ang demand, lalampas ang presyo ng bawat stablecoin sa nilalayong peg, at itataas ng software ang supply. Bilang kahalili, kung mababa ang demand, bababa ang supply.
Kasama sa mga halimbawa ng mga algorithmic stablecoin ang Ampleforth at Yam.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
- Ano ang Bitcoin? (BTC)
- Ano ang Ethereum? (ETH)
- Ano ang Ripple? (XRP)
- Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
- Ano ang Litecoin? (LTC)
- Ano ang Chainlink? (LINK)
- Ano ang EOSIO? (EOS)
- Ano ang Stellar? (XLM)
- Ano ang Cardano? (ADA)
- Ano ang Monero? (XMR)
- Ano ang Tron? (TRX)
- Ano ang Dash? (DASH)
- Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
- Ano ang Zcash? (ZEC)
- Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
- Ano ang Algorand? (ALGO)
- Ano ang Icon? (ICX)
- Ano ang Waves? (WAVES)
- Ano ang OmiseGo? (OMG)
- Ano ang Gnosis? (GNO)
- Ano ang Melon? (MLN)
- Ano ang Nano? (NANO)
- Ano ang Dogecoin? (DOGE)
- Ano ang Tether? (USDT)
- Ano ang Dai? (DAI)
- Ano ang Siacoin? (SC)
- Ano ang Lisk? (LSK)
- Ano ang Tezos? (XTZ)
- Ano ang Cosmos? (ATOM)
- Ano ang Augur? (REP)
Bakit Gagamitin ang Stablecoins?
Ang mga user ay maaaring maging interesado sa pagbili ng mga stablecoin habang sila ay nag-aalok ng lahat ng benepisyo ng tradisyonal na mga cryptocurrency, kagaya ng nabanggit na kahusayan at transparency, habang pinoprotektahan mula sa price volatility.
Karagdagan pa dito, tulad ng ibang mga cryptocurrency, sila ay walang hangganan, napaprograma at madaling ilipat sa mababang halaga. Ito ay nag-aalok ng isang mahalagang alternatibo sa tradisyonal na mga institusyon ng bangko.
Ang mga Kraken user ay maaaring mabilis na makapaglipat ng mga suportadong stablecoin na DAI at USDT sa kanilang mga account at ipagpalit ang mga ito para sa ibang mga cryptocurrency.
Mga makabuluhang resource
Nais na malaman kung anong mga teknolohiya ang tumutulong sa pagpapalakas ng mga stablecoin? Magpatuloy sa pahina ng Kraken na “Ano ang Blockchain Technology?” na matatagpuan sa Learn Center para sa mas malalim na pagtuklas.
Kung interesado kang matuto nang higit pa tungkol sa iba't ibang uri ng cryptocurrency, maaari mong bisitahin ang pahinang "Mga Uri ng Cryptocurrency" ng Kraken.
Simulan ang pagbili ng mga cryptocurrency
Ngayon ay handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang cryptocurrency!