Kraken
aave

Ano ang Aave? (AAVE)

Gabay ng Nagsisimula


Isa sa mga umuusbong na DeFi cryptocurrency, ang Aave ay isang desentralisadong system na nagbibigay-daan sa mga user na magpahiram, humiram, at kumita ng interes sa mga crypto asset, lahat ng ito nang walang middlemen. 

Tumatakbo sa blockchain ng Ethereum , ang Aave ay isang system ng mga smart contract na nagbibigay-daan sa mga asset na ito na mapamahalaan ng isang nakabahaging network ng mga computer na nagpapagana sa software na ito. 

Ibig sabihin, hindi kailangang pagkatiwalaan ng mga user ng Aave ang isang partikular na institusyon o tao para pamahalaan ang kanilang mga pondo. Kailangan lang nilang magtiwala na ipapatupad ang code nito ayon sa nakasulat.

Sa sentro nito, binibigyang-daan ng Aave software ang paggawa ng mga pool ng pagpapahiram na nagbibigay-daan sa mga user na magpahiram o manghiram ng 17 iba’t ibang cryptocurrency kabilang ang ETH, BAT at MANA

Gaya ng iba pang desentralisadong system ng pagpapahiram sa Ethereum, dapat munang mag-post ng collateral ang mga humihiram ng Aave bago sila makahiram. Dagdag pa rito, puwede lang silang humiram ng hanggang katumbas ng collateral na na-post nila. 

Tatanggap ng mga pondo ang mga humihiram sa anyo ng isang espesyal na token na kilala bilang aToken, na naka-peg sa halaga ng ibang asset. Pagkatapos, ie-encode ang token na ito para makatanggap ng interes ang mga humihiram sa mga deposito

Halimbawa, puwedeng mag-post ng collateral ang isang humihiram sa DAIat humiram ng ETH. Nagbibigay-daan ito na magkaroon ng exposure ang isang humihiram sa iba’t ibang cryptocurrency nang hindi nagmamay-ari mismo ng mga ito. 

Puwede ring magpakilala ang Aave ng mga karagdagang feature, gaya ng mga instant na loan, at iba pang anyo ng pagbibigay ng utang at credit na sinusulit ang mga natatanging katangian ng disenyo ng mga blockchain.
 

What is aave lend

aave

Sino ang gumawa ng Aave?

Ang Aave ay isang for-profit na kumpanyang itinatag noong 2017 ni Stani Kulechov at nakabase sa Switzerland. Nagsanay sa law si Kulechov sa Helsinki at sinimulan niya ang Aave habang estudyante siya. 

Ang firm, na orihinal na pinangalanang ETHLend, ay nakalikom ng $16.2 milyon sa isang initial coin offering (ICO) noong 2017, kung saan nakabenta ito ng 1 bilyong unit ng AAVE cryptocurrency nito - na dating tinatawag na LEND. 

Nag-migrate ang LEND cryptocurrency sa AAVE sa rate na 100 LEND token katumbas ng 1 AAVE, kaya bumaba ang kabuuang supply ng cryptocurrency nito sa 18 milyong AAVE.   

Iba ang ETHLend sa Aave dahil sa halip na pag-pool ng mga pondo, sinubukan nitong itugma ang mga nagpapahiram sa mga humihiram sa isang peer-to-peer na paraan. Noong 2018, pinalitan ang pangalan ng ETHLend at ginawang Aave, na ang ibig sabihin ay “multo” sa Finnish. Naging subsidiary ng Aave ang ETHLend. 

Kabilang sa iba pang produkto at serbisyong inanunsyo sa panahong iyon ay isang trading desk para pangasiwaan ang malalaking trade, isang game studio na nakatuon sa mga laro sa blockchain, at isang system para pangasiwaan ang mga pagbabayad. 
 

aave

Paano gumagana ang Aave work?


Ang posibleng pinakamagandang deskripsyon ng Aave ay isang system ng mga pool ng pagpapahiram. 

Nagdedeposito ang mga kasali ng mga pondong gusto nilang ipahiram, na kokolektahin sa isang liquidity pool. Pagkatapos, puwedeng kumuha ang mga humihiram mula sa mga pool na ito kapag mangungutang sila. Puwedeng i-trade ang mga token na ito o ilipat ayon sa kagustuhan ng nagpapahiram. 

Para maisagawa ang aktibidad na ito, nagbibigay ang Aave ng dalawang uri ng mga token: mga aToken, na ibinibigay sa mga nagpapahiram para makapangolekta sila ng interes sa mga deposito, at mga AAVE token, na native na token ng Aave. 

May iba’t ibang bentahe ang mga humahawak ng AAVE cryptocurrency. Halimbawa, hind’i sisingilin ng bayarin ang mga humihiram ng AAVE kung maglalabas sila ng mga pautang na ganitong token ang denominasyon. Bukod pa rito, ang mga humihiram na gumagamit ng AAVE bilang collateral ay makakakuha ng diskwento sa mga bayarin. 

Puwede ring tumingin ang mga may-ari ng AAVE ng mga pautang bago ilabas ang mga ito sa publiko kung magbabayad sila ng bayarin sa AAVE. Medyo mas malaki rin ang puwedeng hiramin ng mga hihiram na AAVE ang collateral. 

Ang data firm na Nomics ay may mas malawak na listahan ng mga feature ng AAVE'. 

Mga Flash Loan

Pinapayagan ng Aave ang ilang partikular na loan, na tinatawag na “ “mga flash loan,” ” na agad na maibigay at ma-settle. Hindi nangangailangan ng advance na collateral ang mga pautang na ito at halos agarang naibibigay. 

Sinusulit ng mga Flash loan ang isang feature ng lahat ng blockchain, kung saan naisasapinal lang ang mga transaksyon kapag may isang bagong bundle ng mga transaksyon, na kilala bilang block, na tinanggap sa network.

Matagal magdagdag ng bawat bagong block. Sa Bitcoin, ang naturang agwat ay humigit-kumulang 10 minuto. Sa Ethereum, it’o ay 13 segundo. Ibig sabihin, nasa 13 segundong tagal nagaganap ang Aave flash loan. 

Ganito gumagana ang flash loan: Puwedeng humiling ng mga pondo mula sa Aave ang isang humihiram, pero kailangan nilang bayaran ang mga pondong iyon, at 0.09% bayarin, sa loob ng parehong block. Kung hind’i ito gagawin ng humihiram, makakansela ang buong transaksyon, kaya walang mahihiram na anumang pondo. 

Bilang resulta, walan’g panganib para sa Aave at maging sa humihiram. 

Puwedeng hilingin ng humihiram na gumamit ng flash loan para sulitin ang mga oportunidad sa pagte-trade o i-maximize ang mga kita mula sa iba pang system na ginawa sa Ethereum. Po’sibleng mag-swap ng iba’t ibang cryptocurrency sa isang awtomatikong paraan gamit ang mga flash loan para kumita sa pagte-trade.  

Tandaan: Pinagsama ang mga Flash loan para magpatupad ng mga attack sa mga system ng pagpapahiram na ginawa sa Ethereum, na minsan ay matagumpay na nakakapagnakaw ng daan-daang libong dolyar na halaga ng mga deposito. 

aave

Bakit may halaga ang AAVE?

Mahalaga ang papel ng AAVE sa pamamahala ng Aave software, na nagbibigay-daan sa mga user na pagbotohan ang mga pagbabago sa mga panuntunan at patakaran nito para mapaganda ang software nito. 

Inilunsad din ng Aave team ang tinatawag nitong Safety Module (SM), kung saan puwedeng i-stake ng mga kasali ang kanilang AAVE bilang insurance kung sakaling magkukulang ang liquidity. Sa pamamagitan nito, kikita ng mas maraming AAVE token ang mga staker, pati na porsyento ng bayarin sa protocol.

Bukod pa sa utility na ito, nakukuha ng AAVE ang value nito mula sa limitado nitong supply, at sa paggamit nito ng kita mula sa mga bayarin para bumili ng AAVE at alisin ang cryptocurrency sa sirkulasyon. 

aave

Bakit gagamit ng AAVE?

Puwedeng maging interesado sa AAVE and mga trader o investor na naniniwalang patuloy na sisikat ang desentralisadong pagpapahiram.  

Simula Hulyo 2020, ang Aave system ang isa sa mga pinakaaktibong system ng desentralisadong pagpapahiram sa Ethereum, na nakakuha ng $158 milyon sa kabuuang mga deposito. Kabilang sa mga kakumpitensyang platform sa pagpapahiram ang Compound at Maker, na may mahigit $600 milyon sa mga deposito. 

Puwede mo ring gamitin ang AAVE kung gusto mong magkaroon ng tinig kaugnay ng mga patakarang umiiral sa Aave system, kung saan pinagbobotohan kung paano ipapamahagi sa mga may hawak ng AAVE token ang mga bayaring nakolekta mula sa pagpapahiram. 

aave

Simulan ang pagbili ng AAVE


Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang AAVE!

 

aave