Kraken
algo

Ano ang Algorand? (ALGO)

Gabay ng Nagsisimula


Ang Algorand ay isa sa ilang mas bagong proyektong naglalayong palawakin ang mga posibleng paggagamitan ng cryptocurrency sa pamamagitan ng pagpapabilis ng transaksyon at pagpapaikli ng tagal bago mapagdesisyunang pinal na ang mga transaksyon sa network nito.

Opisyal na inilunsad noong 2019, layunin ng Algorand na maabot ang mga katangiang ito sa pamamagitan ng mga desisyong lumilihis sa kung paano tradisyonal na idinisenyo ang mga cryptocurrency.  

Ang pinakakapansin-pansin ay ipinapamahagi ng Algorand ang ALGO cryptocurrency na ipinakilala nito sa kanyang ekonomiya sa bawat bagong block sa lahat ng humahawak ng partikular na dami ng currency sa mga wallet nito.

Binibigyang-daan din ng Algorand ang mga user na gumawa ng mga smart contract (mga programmatic na kasunduan para sa pagbuo ng mga desentralisadong aplikasyon) at mga token na puwedeng kumatawan sa mga bago at kasalukuyang asset. 

Naging matagumpay ang mga naturang feature sa paghikayat ng iba't ibang venture investor sa mga maagang pribadong bentahan ng ALGO na isinagawa para pondohan ang pag-develop sa platform.

what is algorand?

algo

Sino ang gumawa ng ALGO?

Ginawa ng computer scientist at propesor sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) na si Silvio Micali, malamang na pambihira ang Algorand dahil sinimulan ito ng isang kilalang akademiko na may sikat nang career noong inilunsad ito. 

Halimbawa, ginawaran si Micali ng 2012 Turing Award, isang kilalang parangal sa mundo ng computer science, dahil sa kanyang gawa kasama ang katrabahong si Shafi Goldwasser. 

Ayon sa Association for Computing Machinery, na siyang nagbibigay ng parangal kada taon, kinilala si Micali dahil sa pagtulong na gawing isang mas “tumpak na siyensya” ang cryptography sa pamamagitan ng gawa na nagpormalisa ng mga batayang ideya tungkol sa ilan sa mahahalagang pundasyon sa larangan.

Pagkatapos nito, isinulat ni Micali ang Algorand white paper kasama ang propesor sa Stony Brook University na si Jing Chen noong 2017. Ang batayang gawang ito ay napaunlad ng iba pang akademiko at cryptographer sa mga white paper na makikita sa opisyal na website ng proyekto.

Ang gawang ito ay pinopondohan ng Algorand Foundation, isang korporasyon sa Singapore na itinatag para isulong ang teknolohiya at nakatanggap ng alokasyon ng mga ALGO token dahil sa mga pagsisikap nito. 

algo

Bakit may halaga ang Algorand?


Ang Algorand ay isang bagong pampublikong blockchain, ibig sabihin, bagama’t bago, hindi pa masyado nasubukan ang teknolohiyang ito sa ilalim ng mga kondisyon ng merkado sa totoong mundo. 


Posibleng kapaki-pakinabang sa mga user ang ALGO cryptocurrency kung naniniwala sila na ang mga teknikal na detalye ng Algrorand ay malamang na maging blockchain of choice ng mga developer na gustong magdisenyo at maglunsad ng mga bagong desentralisadong aplikasyon. 

Puwede ring makita ng mga investor ang Algorand bilang isang kapaki-pakinabang na bahagi ng isang portfolio ng cryptocurrency kung naniniwala sila na ang mga proof-of-stake blockchain, na nagpapababa sa gastusin ng paglahok sa operasyon ng isang blockchain, ay mapapatunayang mas matagumpay sa merkado. 

Token Economy
Ang Algorand Foundation, ang non-profit na organisasyong sumusubaybay at nagpopondo sa pag-develop ng protocol, ay nagsabing 10 bilyong unit lang ng ALGO cryptocurrency nito ang bubuuin.

Nagme-maintain ang Algorand ng block explorer, na nagpapanatili ng opisyal na bilang ng supply nito sa sirkulasyon. 

Makikita sa ibaba ang isang iskedyul ng mga pamamahagi, na inaasahan ng foundation na makukumpleto sa loob ng limang taon pagkatapos ilunsad ang protocol: 

Pangkalahatang Distribusyon ng Token:

3.0 bilyon
Tinatayang algos na ipapasok sa sirkulasyon (sa pamamagitan muna ng auction) sa loob ng unang 5 taon

1.75 bilyon
Tinatayang mga reward sa pagsali (ipapamahagi sa paglipas ng panahon)

2.5 bilyon
Mga relay node runner (ipapamahagi sa paglipas ng panahon)

2.5 bilyon
Algorand Foundation & Algorand, Inc.

0.25 bilyon
Mga grant para sa end user (ipapamahagi sa paglipas ng panahon)

Nag-publish din ang Algorand Foundation ng mga karagdagang detalye tungkol sa kung paano gumagana ang mga payout at ang oras kung kailan puwedeng asahan ng mga user na makakatanggap sila ng mga bagong pondo para sa pagsali nila sa blockchain. 

algo

Para saan ginagamit ang Algorand?

Ang pampublikong bersyon ng Algorand blockchain ay pangunahing idinisenyo para bigyang-daan ang iba pang developer na gumawa ng mga bagong uri ng aplikasyong pinapagana ng cryptocurrency. 

Nagagamit ang platform sa real estate, copyright, microfinance, at marami pa. Makikita sa opisyal na website ng Algorand ang higit pang detalyadong buod ng mga paggagamitan. 

Ang code para sa Algorand ay open-source at puwedeng i-clone, kopyahin, o gamitin sa mga pribado o permissioned na blockchain. 

algo

Magsimula


Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang ALGO!

 

Buy ALGO
algo

Kraken

(3k)
Get the App