Kraken
ada

Ano ang Cardano? (ADA)

Gabay ng Nagsisimula sa Cardano


Isa sa ilang nagkukumpitensyang proof-of-stake blockchain, nagbibigay-daan ang Cardano sa mga may-ari ng ADA cryptocurrency nito na tumulong sa pagpapakatbo ng network nito at bumoto sa mga pagbabago sa mga panuntunan nito sa software.

Gayundin, puwedeng gamitin ng mga developer ang blockchain ng Cardano para sa mga pamilyar na feature, kasama ang pagpapatakbo ng custom na programming logic (mga smart contract) at paggawa ng mga program (mga decentralized application). 

Gayunpaman, naiiba ang Cardano sa iba pang proyekto sa pagbibigay-diin nito sa isang research-driven approach sa disenyo, na naglalayong magkamit ng akademikong paghihigpit na pinapaniwalaan nitong magpapabilis sa paggamit ng teknolohiya nito.

Kaya, bagama’t masasabing hindi nangangako ang Cardano ng mga bago at walang katulad na feature, posibleng mahikayat ang mga user at developer sa mga alok na cryptocurrency nito na nag-o-optimize batay sa siyentipikong pananaliksik at pormal na pag-verify, isang prosesong ginagamit sa mathematical na pag-verify sa code nito. 

Halimbawa, ang consensus algorithm nito, ang Ouroboros, ay tinukoy na “probably secure” ng isang proseso ng pormal na review. Bukod dito, sinulat ang code ng Cardan’o sa formal na tinukoy na Haskell programming language, na karaniwang ginagamit sa mga sektor ng pagbabangko at depensa. 

Mula noong 2020, nag-publish ang IOHK, ang kumpanyang gumawa sa Cardano, ng mahigit sa 90 academic paper na nagbabalangkas sa teknolohiya nito, na nagbukas ng mga partnership sa mga pandaigdigang unibersidad. 

Pina-publish na ngayon ng Cardano team ang research na ito sa opisyal na website nito, kung saan pinapanatili rin nitong naka-update ang kanilang mga hindi gaanong teknikal na user sa status ng roadmap nito sa pamamagitan ng mga blog post at video.

ada

Sino ang gumawa ng Cardano?

Ginawa ang Cardano noong 2017 ng mga technologist na si Charles Hoskinson at Jeremy Wood. 

Ang mas high-profile sa dalawang co-founder, si Hoskinson, ay co-founder ng Ethereum (ETH) at sandaling naging CEO para sa isang planned for-profit entity para sa project. 

Ngayon, ang Cardano ay mine-maintain ng tatlong hiwalay at independiyenteng organisasyon. 

Kasama rito ang: 

  • The Cardano Foundation – Nakabase sa Switzerland, ang non-profit na ito ay responsable sa pamamahala at pangangasiwa sa development ng blockchain ng Cardano.
  • IOHK – Mga co-founder si Hoskinson at Wood, binuo ng IOHK ang Cardano at idinisenyo ang Ouroboros, ang proof-of-stake algorithm na ginagamit ng Cardano para patakbuhin ang network nito. 
  • Emurgo – Ang kumpanyang responsable sa pagtulong sa paghihikayat ng mga enterprise at mas malalaking organisasyon na gamitin ang teknolohiya ng Cardan’o.

 

Sa oras ng pag-launch nito, humigit-kumulang 31 bilyong ADA ang ginawa, halos 26 na bilyon doon ang ibinenta sa mga investor ng isang kumpanyang nakabase sa Japan na na-hire para pamahalaan ang pagbebenta. Nakabili ang mga kalahok ng mga voucher na puwedeng ipapalit sa ADA kapag na-release na ang softwar’e.

Ipinamahagi ang natitirang 5 bilyong ADA sa IOHK, Emurgo, at sa Cardano foundation.
 

ada

Paano gumagana ang Cardano?


Ang pangunahing paraan ng paggamit ng Cardano ay bigyang-daan ang mga transaksyon na nasa native na cryptocurrency nito, ang ADA, at bigyang-daan ang mga developer na gumawa ng mga secure at scalable na application na pinapagana nito.


Ang Blockchain ng Cardano

Nahahati ang mismong blockchain ng Cardano sa dalawang layer:

  • Ang Cardano Settlement Layer (CSL) – Ang CSL ay ginagamit para mag-transfer ng ADA sa pagitan ng mga account at para mag-record ng mga transaksyon.
  • Ang Cardano Computation Layer (CCL) – Nakapaloob sa CCL ang smart contract logic na puwedeng gamitin ng mga developer para maglipat ng mga pondo sa programmatic na paraan. 

 

Higit pa rito, puwedeng sumali ang mga computer na nagpapatakbo ng Cardano software bilang isa sa tatlong node.

  • Mga mCore node – Nagse-stake ng mga ADA token at sumasali sa pamamahala ng blockchain 
  • Mga relay node –  Nagpapadala ng data sa pagitan ng mga mCore node at pampublikong internet
  • Mga edge node – Gumagawa ng mga transaksyon sa cryptocurrency.

 

Simula 2017, nagkaroon ang Cardano ng 5 malaking upgrade sa platform, kasama ang Byron, na nagbigay-daan sa pag-transfer sa ADA cryptocurrency sa kauna-unahang pagkakataon at Voltaire, na nagpakilala ng bagong modelo para sa kung paano mapopondohan ng mga user ang development para sa mga pagbabago sa software. 


Ano ang Ouroboros?

Ang Orobouros ay ang proof-of-stake (PoS) consensus algorithm na ginagamit ng mga computer na nagpapatakbo ng Cardano software para i-secure ang network, i-validate ang mga transaksyon, at makakuha ng kaka-mint lang na ADA.

Hinahati ng Ouroboros ang oras sa mga epoch at slot, kung saan ang mga epoch ay mga time frame na may sinasaklaw, at ang mga slot ay mga 20 segundong dagdag sa mga epoch. 

Sa loob ng bawat slot, may random na pipiliing slot leader at siya ang responsable para sa pagpili ng mga block na idaragdag sa blockchain. Mga mCore node lang ang puwedeng ihalal na maging mga slot leader. 

Nagbibigay-daan ang Ouroboros sa dalawang uri ng mga block na maidagdag sa blockchain:

  • Mga genesis block: Kinabibilangan ng listahan ng lahat ng slot leader na nauugnay sa epoch at naglalaman ng isang serye ng mga pangunahing block
  • Mga pangunahing block: Naglalaman ng impormasyon ng lahat ng transaksyon, mga mungkahi para sa mga update sa software, at ang listahan ng mga boto para sa mga update na ito.

 

Kapag tapos na ang epoch, maghahalal ang mga dating slot leader ng mga slot leader para sa susunod na epoch. 

Nangyayari ang mga pagboto sa pamamagitan ng isang mekanismo kung saan nagsasagawa ang slot leader ng “coin tossing act,” na, ayon sa Cardano team, nagpapataas sa randomness sa pagpili ng mga bagong slot leader. 
 

ada

Bakit may halaga ang ADA?

Kailangang bumili ng mga user ng Cardano ng ADA para pabilisin ang mga transaksyon at sumali sa pamamahala. 

Tinutukoy ng pagmamay-ari ng token kung sino ang magiging slot leader at magdaragdag ng mga bagong block, at kung sino ang makakakuha ng bahagi ng mga fee na ibinayad para sa mga transaksyon sa mga block. 

Ginagamit din ang mga ADA token para sa pagboto sa mga patakaran sa software, tulad ng inflation rate nito, na nagbibigay sa mga kalahok ng insentibo na magmay-ari ng ADA at tiyakin ang halaga nito sa hinaharap.

Sa release ng upgrade sa Shelley platform, na-enable ng Cardano ang delegated staking. Nagbibigay-daan ito sa mga may-ari ng ADA na mag-allocate ng mga boto sa ibang user at makakuha ng mga ADA reward sa live na blockchain nito. 

Pinalaki ang maximum na limitasyon ng supply ng ADA sa 45 bilyong token. Simula noong 2020, 31 bilyong ADA ang nasa circulation, at nakaiskedyul na ilabas ang natitirang 14 na bilyon sa pamamagitan ng minting. 

ada

Bakit dapat gamitin ang Cardano?

Posibleng maging interesado ang mga user sa Cardano project batay sa scientific philosophy nito at matinding pagtuon sa peer-reviewed academic research. 

Baka interesante rin ang blockchain ng Cardano para sa mga developer na gustong mag-launch ng mga decentralized application. Sa ngayon, may iba’t ibang project na ginawa sa platform. 

Kasama sa ilang halimbawa ang enterprise traceability solution at workplace incentive platform. 

Puwede ring gustuhin ng mga investor na idagdag ang ADA sa kanilang portfolio, kung naniniwala silang papaboran ng market ang mga staking protocol at blockchain na ginawa para bigyang-daan ang mga decentralized application. 
 

ada

Magsimula


Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang ADA!

 

ada