Kraken
link

Ano ang Chainlink? (LINK)

Gabay ng Nagsisimula


Ang Chainlink ay isang cryptocurrency na naglalayong bigyan ng insentibo ang isang pandaigdigang network ng mga computer para magbigay ng maaasahang data sa tunay na mundo sa mga smart contract na tumatakbo sa mga blockchain

Kung hindi ka pamilyar, ang mga smart contract ay mga kasunduang nakaprogramang i-execute kung at kapag natugunan ang ilang partikular na kundisyon. Sa ngayon, ginagamit ang mga smart contract para sa lahat ng bagay mula sa paggawa ng mga bagong crypto-financial product hanggang sa pag-develop ng mga bagong crypto asset. 

Pero hindi nawawala ang isyu na kailangang umasa ng karamihan sa mga smart contract sa uri ng external na data source para wastong maipatupad ang mga tuntunin ng mga ito. 

Halimbawa, baka kailanganin ng mga smart contract na gustong mag-replicate ng mga bond o insurance agreement na mag-access ng mga API na nag-uulat sa mga presyo sa market o Internet of Things data. 

Ginawa ang Chainlink para tugunan ang isyung ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa mga data provider (tinatawag na “mga oracle”) para magsilbing tulay sa pagitan ng mga blockchain smart contract at mga external na data source. 

Ang bawat oracle sa loob ng Chainlink network ay ini-incentivize para magbigay ng tumpak na data dahil nagtatalaga ng reputation score sa bawat isa. Higit pa rito, kapag sinunod ng mga node ang mga panuntunan ng software at nagbigay ng kapaki-pakinabang na data, nakakatanggap sila ng reward na cryptocurrency ng Chainlink, ang LINK. 

Nabuo sa gitna ng napakaraming proyekto noong 2017, nagawa ng Chainlink team hanggang sa ngayon na matugunan ang sarili nitong layunin, at pinapalawak pa nila ang kanilang pagsisikap nang higit sa Ethereum (ETH) kasabay ng surge sa aktibidad sa market. 

Noong 2020, nilalayon ng Chainlink na suportahan ang lahat ng smart contract network na nakabatay sa blockchain. 

Puwedeng i-follow ng mga user na gustong manatiling konektado sa kasalukuyang development status ng Chainlink ang opisyal na project tracker nito para sa mga up-to-date na detalye.

link

Sino ang gumawa ng Chainlink?

Inilunsad ang Chainlink network noong Hunyo 2017 ng for-profit na kumpanyang SmartContract, at inilunsad ang unang bersyon sa buwan ding iyon.

Hindi nagtagal, na-publish ng mga co-founder ng kumpanya na si Steve Ellis at Sergey Nazarov ang white paper ng Chainlink noong Setyembre 2017 kasama ni Ari Juels, isang advisor sa kumpanya.

Pagkatapos, nagsagawa ang Chainlink team ng initial coin offering (ICO), na nakalikom ng katumbas ng $32 million sa pamamagitan ng pagbebenta ng 35% ng 1 bilyong unit supply ng cryptocurrency nito na LINK.

Ipinamahagi naman ang natitirang 30% ng mga token sa SmartContract na gagamitin para sa pag-develop ng blockchain ng Chainlink at 35% naman ang napunta para sa pagbibigay ng insentibo sa mga operator ng node.

link

Paano gumagana ang Chainlink?


Para pabilisin ang komunikasyon sa pagitan ng mga user at external na data source nito, hinahati ng Chainlink ang proseso ng pagpapatupad nito sa tatlong natatanging hakbang. 

  1. Pagpili ng Oracle – Una, nagda-draft ang mga user ng Chainlink ng service-level agreement (SLA) na nagtutukoy ng isang hanay ng mga gustong kinakailangan sa data. Pagkatapos, gumagamit ang software ng SLA para magtugma ng mga oracle sa user na makakapagbigay ng data. Kapag naitakda na ang mga parameter, isusumite ng user ang SLA at idedeposito niya ang kanyang LINK cryptocurrency sa isang Order-Matching contract, na tumatanggap ng mga bid mula sa mga oracle.
  2. Pag-uulat ng Data – Dito kumokonekta ang mga oracle sa mga external na source at kumukuha ng data sa tunay na mundo na hiniling sa SLA. Pagkatapos, ipoproseso ng mga oracle ang data at ibabalik nila ito sa mga contract na tumatakbo sa blockchain ng Chainlink. 
  3. Pagsasama-sama ng Resulta – Kasama sa huling hakbang ang pagta-tally ng mga resulta sa data na kinokolekta ng mga oracle at pagbalik sa mga ito sa isang Aggregation contract. Kinukuha ng Aggregation contract ang mga sagot, sinusuri nito ang validity ng bawat isa, at nagbabalik ito ng weighted score, gamit ang kabuuan ng lahat ng data na natanggap, sa user.

Arkitektura

Ang Chainlink blockchain ay pinapagana ng tatlong uri ng mga smart contract.

  • Mga Aggregating Contract – Nangongolekta ng data mula sa mga oracle at itinutugma ang mga pinakatumpak na resulta sa smart contract na kailangan ng mga ito. 
  • Order-Matching Contract – Nagtutugma ng service level agreement (SLA) ng smart contract sa mga oracle na may pinakamahusay na pag-bid. 
  • Reputation Contract – Nagve-verify sa integridad ng oracle sa pamamagitan ng pagsuri sa track record nito. Kasama rito ang mga salik tulad ng kabuuang bilang ng mga nakumpletong request, average na tagal ng pagsagot, at dami ng LINK cryptocurrency na na-stake ng oracle. 

Pero nakikipag-ugnayan din ang Chainlink sa mga oracle na hindi kumikilos sa blockchain nito, at na hiwalay na responsable para sa pagkolekta ng data sa tunay na mundo na hiniling ng mga contract. 

Ang mga node ay binubuo ng hanggang dalawang bahagi: 

  • Chainlink Core – Ang Chainlink Core ay responsable para sa pag-read ng mga kaka-file lang na SLA at sa pagruruta ng mga assignment sa Chainlink Adapter.
  • Chainlink Adapter – Nagsisilbing tulay sa pagitan ng node at external data. Mari-read at mapoproseso ng adapter ang data at mara-write nito ito sa blockchain.

link

Bakit may halaga ang LINK?

Nanggagaling ang halaga ng LINK cryptocurrency sa kakayahan nitong tiyaking matagumpay ang pagpapatupad ng mga smart contract na nagdedepende sa Chainlink network. 

Pinakamahalaga rito, naka-built in ang LINK sa mismong network at ito lang ang currency na magagamit para sa mahahalagang operation sa network. Halimbawa, ginagamit ang LINK para magbayad ng mga node operator na nagre-retrieve ng data. 

Sa ganitong paraan, mayroon din itong kinakailangang tungkulin sa pagmo-moderate ng mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga user ng Chainlink.

Ginagamit ang LINK bilang depositong kinakailangan ng mga gumawa ng smart contract at binabayaran ng mga oracle. Nire-refund ang fee na ito kung hindi tinanggap ang kanilang mga serbisyo o sa sandaling natapos nila ang task. Hindi babayaran ng mga gumawa ng smart contract ang fee kung hindi natapos ng oracle ang bahagi nila sa contract.

Panghuli, isa sa mga bagay na nagtutukoy sa reputasyon ng isang oracle ang dami ng LINK na mayroon siya. 

Tulad ng maraming iba pang cryptocurrency, limitado rin ang supply ng mga LINK token, ibig sabihin, alinsunod sa mga tuntunin ng software, magkakaroon lang ng 1 bilyong LINK.
 

link

Bakit gagamit ng LINK?

Baka maging interesado sa Chainlink ang mga developer na gustong gumawa ng mga produktong pinansyal na nakabatay sa blockchain na kailangang mag-access at mag-vet ng mga external na data source.

Higit pa rito, baka magustuhan ng mga investor na idagdag ang LINK sa kanilang portfolio kung maniniwala silang dadami sa hinaharap ang bilang ng mga user para sa mga smart contract na nakabatay sa blockchain. 

Kung malutas nga ng Chainlink ang mga pangunahing problema para sa mga user ng smart contract, posible itong maging napakahalagang tool sa pagsasama-sama ng teknolohiya ng blockchain sa mga application sa tunay na mundo.
 

link

Simulan ang pagbili ng LINK


Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang LINK!

 

link