Ano ang Compound? (COMP)
Gabay ng Nagsisimula
Ang Compound ay isang software na gumagana sa Ethereum na naglalayong bigyan ng insentibo ang isang nakabahaging network ng mga computer para magpagana ng isang tradisyonal na money market.
Bilang isa sa mga umuusbong na decentralized finance (DeFi) protocol, gumagamit ang Compound ng iba’t ibang crypto asset para ibigay ang serbisyong ito, na nagbibigay-daan sa pagpapahiram at paghiram na kailangan nang walang pinansyal na tagapamagitan gaya ng bangko.
Kung papasimplehin, binibigyang-daan ng Compound ang pagdeposito ng cryptocurrency sa mga pool ng pagpapahiram para ma-access ng mga humihiram. Pagkatapos, kikita ng interes ang mga nagpapahiram sa mga asset na idedeposito nila.
Kapag nakapagdeposito na, ibibigay ng Compound ang isang bagong cryptocurrency na tinatawag na cToken (na kumakatawan sa deposito) sa nagpahiram. Ang mga halimbawa ng mga cToken ay cETH, cBAT, at cDAI.
Ang bawat cToken ay puwedeng ilipat o i-trade nang walang paghihigpit, pero nare-redeem lang ito para sa cryptocurrency na inisyal na naka-lock sa protocol. Ang kabuuang prosesong ito ay awtomatiko at pinapangasiwaan ng Compound code, ibig sabihin, puwedeng mag-withdraw ng mga deposito ang mga nagpahiram anumang oras.
Para magbigay ng insentibo sa aktibidad na ito, gumagamit ang Compound ng isa pang cryptocurrency na native sa serbisyo nito, na tinatawag na COMP. Sa tuwing makikipag-interaksyon ang isang user sa isang merkado ng Compound (sa pamamagitan ng paghiram, pag-withdraw, o pagbabayad sa asset), bibigyan sila ng mga dagdag na COMP token bilang reward.
Bagama’t kumplikado, napatunayan ng model sa kasalukuyan na mabisa ito sa paghikayat sa mga user at pag-engganyo sa iba pang DeFi cryptocurrency na gamitin ang ganitong model. Hanggang 2020, mahigit $500 milyon sa mga asset ang na-lock sa Compound protocol, ayon sa data site na DeFi Pulse.
Sino ang gumawa ng Compound?
Ang Compound ay itinatag ng mga serial entrepreneur na sina Robert Leshner at Geoffrey Hayes. Mayroon silang firm dati, ang Britches, na nangangalap ng imbentaryo mula sa mga lokal na tindahan para maibenta sa PostMates.
Noong 2018, nakapangalap ang Compound ng $8.2 milyon sa funding mula sa mga kilalang venture capital firm na Andreessen Horowitz at Bain Capital Ventures, ang venture-capital arm ng consulting firm Bain.
Nakapangalap ulit ang Compound ng karagdagang $25 milyon noong 2019 mula sa marami sa parehong mga investor, kasama ang mga bagong kalahok gaya ng Paradigm Capital, isang pondong sinimulan ng co-founder ng Coinbase.
Ang bahagi ng kabuuang supply ng COMP cryptocurrency ay inisyal na ipinamahagi sa mga investor sa kumpanya at sa mga empleyado.
Paano gumagana ang Compound?
Ikinokonekta ng Compound ang mga nagpapahiram at humihiram gamit ang isang kumbinasyon ng mga smart contract na tumatakbo sa Ethereum at mga insentibong binabayaran sa cryptocurrency.
Kabilang sa dalawang pangunahing user ng platform ang mga sumusunod:
- Mga Nagpapahiram – Ang sinumang gustong magpahiran ng cryptocurrency sa Compound ay puwedeng ipadala ang kanilang mga token sa isang Ethereum address na kontrolado ng Compound para kumita ng interes.
- Mga Humihiram – Sinumang nagpo-post ng collateral sa Compound sa anyo ng cryptocurrency. Pinapayagan silang humiram ng mga cryptocurrency na suportado ng Compound kapalit ng porsyento ng na-post na halaga.
Binibigyan ng Compound ng mga reward ang nagpapahiram gamit ang mga COMP token batay sa dami ng mga cToken na nasa kanilang wallet batay sa nag-iiba-ibang rate ng interes na nakadepende sa available na supply ng naturang asset. Kung mas malaki ang liquidity sa isang merkado, mas mababa ang rate ng interes.
Ang mga user na nagpapahiram ng mga asset sa protocol ay puwedeng umutang sa anumang iba pang cryptocurrency na iniaalok ng Compound, hanggang sa halagang katumbas ng na-post na collateral.
Mahalagang tandaan na puwedeng i-liquidate ang mga nanghihiram kung tumaas ang value ng asset na hiniram nila at nalampasan ang halaga ng na-post na collateral.
Bakit may halaga ang COMP?
Para ipamahagi ang mga pagpapatakbo nito, nakaprograma ang Compound para magbigay ng reward sa mga user gamit ang mga COMP token.
Ang sinumang may mga COMP token ay puwedeng makilahok sa mga desisyong nakakaapekto sa software, sa pamamagitan ng pagboto sa mga proposal para sa mga panuntunang kumokontrol sa paggamit sa platform.
Puwede ring italaga ng may hawak ng COMP ang karapatan niyang bumoto sa iba para bumoto sa ngalan niya. Ibig sabihin, ang isang tao na walang hawak na COMP — gaya ng isang legal expert — ay puwedeng bumoto sa ngalan ng mga may hawak ng COMP kapag may susulpot na partikular na isyu.
Mahalagang tandaan ng mga investor na araw-araw iniisyu ng network ang mga COMP token. Hanggang 2020, humigit-kumulang 2,880 COMP token na ang naipamahagi araw-araw sa mga nagpapahiram at humihiram, ibig sabihin, ang sinumang gumagamit ng Compound ay puwedeng kumita ng mga COMP token, na proporsyonal sa halagang ipinahiram sa protocol.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
Ano ang Bitcoin? (BTC)
Ano ang Ethereum? (ETH)
Ano ang Ripple? (XRP)
Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
Ano ang Litecoin? (LTC)
Ano ang Chainlink? (LINK)
Ano ang EOSIO? (EOS)
Ano ang Stellar? (XLM)
Ano ang Cardano? (ADA)
Ano ang Monero? (XMR)
Ano ang Tron? (TRX)
Ano ang Dash? (DASH)
Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
Ano ang Zcash? (ZEC)
Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
Ano ang Algorand? (ALGO)
Ano ang Icon? (ICX)
Ano ang Waves? (WAVES)
Ano ang OmiseGo? (OMG)
Ano ang Gnosis? (GNO)
Ano ang Melon? (MLN)
Ano ang Nano? (NANO)
Ano ang Dogecoin? (DOGE)
Ano ang Tether? (USDT)
Ano ang Dai? (DAI)
Ano ang Siacoin? (SC)
Ano ang Lisk? (LSK)
Ano ang Tezos? (XTZ)
Ano ang Cosmos? (ATOM)
Ano ang Augur? (REP)
Bakit gagamit ng COMP?
Puwedeng maging interesante ang Compound para sa sinumang gustong magkaroon ng dagdag na kita sa pamamagitan ng pagpapahiram o paghiram ng cryptocurrency.
Bukod pa rito, may built-in na insentibo ang mga user para hawakan ang token, dahil ang sinumang may hawak ng COMP ay puwedeng magdesisyon tungkol sa hinaharap ng platform. Kabilang dito ang kakayahang bumoto sa mga rate ng interes ng Compound at iba pang mahahalagang desisyon na puwedeng makaapekto sa kanilang mga kita o kakayahang kumita.
Puwede ring kainteresan ng mga investor ang COMP kung gusto nilang magkaroon ng exposure sa mga umuusbong na DeFi coin na nag-aalok ng exposure sa cash flow ng protocol.
Simulang bumili ng Compound
Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang COMP!