Ano ang Dai? (DAI)
Gabay ng Nagsisimula
Ang unang desentralisado at collateral-backed na cryptocurrency, ang DAI ay isang crypto asset na sumusubok na magpanatili ng stable na 1:1 value sa U.S. dollar sa pamamagitan ng pag-lock ng iba pang crypto asset sa mga kontrata.
Nangangahulugan ito na hindi tulad ng iba pang asset-backed na cryptocurrency, na maaaring mula sa mga for-profit na kumpanya, ang DAI ay produkto ng isang open-source na software na tinatawag na Maker Protocol, na isang desentralisadong application na tumatakbo gamit ang Ethereum blockchain.
Dahil dito, pinapanatili ng DAI ang halaga nito hindi sa pamamagitan ng pagiging backed ng U.S. dollars na pinangangalagaan ng isang kumpanya, ngunit nagagawa nito ito sa pamamagitan ng paggamit ng collateralized debt na denominated sa ether (ETH), ang cryptocurrency ng Ethereum.
Kung hindi mo alam, ang mga collateralized na load ay nagbibigay ng paraan sa isang lender na mag-secure ng loan gamit ang mga asset na pagmamay-ari niya. Dati, may mas mababang interest rate ang mga loan na ito kaysa sa mga hindi secure na loan, dahil nagbibigay-daan ang mga ito sa mga lender na kunin ang asset at ibenta ito kung sakaling hindi mabayaran ng mga borrower ang mga loan.
Ang Maker Protocol, sa pamamagitan ng mga smart contract na gumagana sa Ethereum, ay nagbibigay-daan sa mga borrower na mag-lock ng ETH at iba pang crypto asset, upang ma-collateral ito, upang makabuo ng mga bagong DAI token sa anyo ng mga loan.
Kung gustong mabawi ng mga borrower ang naka-lock na ETH, kailangan nilang ibalik sa protocol ang DAI at magbayad ng fee. Kung sakaling magkaroon ng liquidation, kukunin ng Maker Protocol ang collateral at ibebenta nito ito gamit ang isang internal na market-based auction mechanism.
Dahil sa disenyo nito, hindi maaaring baguhin ng sinumang partido sa network ang supply ng DAI. Sa halip, mine-maintain ito sa pamamagitan ng isang sistema ng mga smart contract na idinisenyo upang dynamic na tumugon sa mga pagbabago sa presyo sa market ng mga asset na nasa mga kontrata nito.
Para sa higit pang regular na update mula sa proyekto, maaari mong i-bookmark ang official nitong Medium blog, na may mga tip at tutorial tungkol sa network at ang nagbabagong teknolohiya nito.
Sino ang gumawa ng Dai?
Itinatag noong 2014 ni Rune Christensen, ginawa ng Maker Foundation ang Maker Protocol, isang open-source na proyektong may layuning magpatakbo ng credit system na magbibigay-daan sa mga user na kumuha ng mga load na collateralized ng mga cryptocurrency.
Opisyal na inilunsad ang DAI sa Maker Protocol noong 2017 bilang paraan upang magbigay ng hindi volatile na asset sa pagpapahiram para sa mga negosyo at indibidwal.
Sa kalaunan ay ibinigay ng Maker Foundation ang kontrol sa software sa MakerDAO, na isang desentralisadong autonomous na organisasyong namamahala ngayon sa Protocol.
Paano gumagana ang Dai?
Ang DAI ay isang crypto asset na kino-collateral ng iba pang cryptocurrency.
Kung gusto ng mga user na makakuha ng DAI, maaari silang gumastos ng ETH upang bumili ng katumbas na halaga ng dolyar sa DAI sa isang exchange o maaari silang mag-collateral ng ETH at iba pang asset gamit ang Maker Protocol.
Sa pamamagitan ng pangalawang paraan, magagawa ng mga user na ayaw magbenta ng kanila ETH na makakuha pa rin ng DAI.
Mga Collateralized Debt position
Ang mga Collateralized Debt Positions (CDPs) ay mga smart contract sa Maker Protocol na magagamit ng mga user para i-lock ang kanilang mga collateral na asset (ibig sabihin, ETH o BAT) at bumuo ng DAI.
Maaaring isipin ang mga CDP bilang mga secure na vault para sa pag-store ng nabanggit na collateral. Upang isaalang-alang ang volatility sa crypto collateral, ang DAI ay madalas na over-collateralized, ibig sabihin, ang halaga ng depositong kinakailangan ay karaniwang mas mataas kaysa sa halaga ng DAI.
Halimbawa, ang mga user ay dapat gumastos ng $200 ng ETH upang makatanggap ng $100 DAI, na nilalayong isaalang-alang ang potensyal na pagbaba sa halaga ng ETH. Dahil dito, kung mag-depreciate nang 25% ang ETH, ang $100 ng DAI ay ligtas pa ring mako-collateral ng $150 ng ETH.
Upang mabawi ang naka-store na ETH, kailangang ibalik ng user ang DAI at magbayad ng stability fee.
Bakit may halaga ang DAI?
Ang mga stablecoin tulad ng DAI ay maaaring mag-alok sa mga trader ng makapangyarihang tool para maiwasan ang kung minsan ay matinding volatility ng maraming cryptocurrency na may mga presyong nakadepende sa bukas na market.
Halimbawa, sa pamamagitan ng paglilipat ng value sa DAI, baka mabawasan mo ang panganib mo sa exposure sa biglaang pagbagsak ng presyo ng Bitcoin o Litecoin. Gayunpaman, maaari din itong maging sanhi ng pagkawala ng exposure sa isang biglaang pagtaas ng halaga.
Ang isa pang bentahe ng DAI ay maaari nitong alisin ang mga gastos sa transaksyon at mga pagkaantalang nakakasagabal sa pagpapatupad ng trade sa loob ng market ng crypto kapag gumagamit ng mga nakasanayang pera ng pamahalaan, na maaaring kailanganing pagpasa-pasahan sa mga bangko, na nagpapaantala sa pinakamahusay na pagpapatupad.
Nag-aalok din ang DAI sa mga user ng kakayahang mag-access ng mga loan sa paraang maaaring mag-alok ng mga pakinabang kaysa sa mga kasalukuyang opsyon. Hindi tulad ng isang proseso kung saan sinusuri ng isang bangko o institusyong pampinansyal ang kanilang credit, maaaring maglagay lang ng ether ang mga user ng DAI at makatanggap ng DAI.
Kapag nagpasya silang bayaran ang mga loan, magbabayad lang sila ng maliit na karagdagang bayad.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
- Ano ang Bitcoin? (BTC)
- Ano ang Ethereum? (ETH)
- Ano ang Ripple? (XRP)
- Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
- Ano ang Litecoin? (LTC)
- Ano ang Chainlink? (LINK)
- Ano ang EOSIO? (EOS)
- Ano ang Stellar? (XLM)
- Ano ang Cardano? (ADA)
- Ano ang Monero? (XMR)
- Ano ang Tron? (TRX)
- Ano ang Dash? (DASH)
- Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
- Ano ang Zcash? (ZEC)
- Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
- Ano ang Algorand? (ALGO)
- Ano ang Icon? (ICX)
- Ano ang Waves? (WAVES)
- Ano ang OmiseGo? (OMG)
- Ano ang Gnosis? (GNO)
- Ano ang Melon? (MLN)
- Ano ang Nano? (NANO)
- Ano ang Dogecoin? (DOGE)
- Ano ang Tether? (USDT)
- Ano ang Dai? (DAI)
- Ano ang Siacoin? (SC)
- Ano ang Lisk? (LSK)
- Ano ang Tezos? (XTZ)
- Ano ang Cosmos? (ATOM)
- Ano ang Augur? (REP)
Bakit gagamit ng DAI?
Baka interesado ang mga user sa pagbili ng DAI dahil narito ang mga benepisyo ng cryptocurrency na efficiency at transparency habang may proteksyon laban sa volatility ng presyo.
Ang DAI, tulad ng maraming iba pang cryptocurrency ay borderless, programmable at madaling ilipat, at mayroon itong karagdagang bonus ng pagkakaroon ng stable na presyo.
Mabilis na makakapag-transfer ang mga user ng Kraken ng DAI sa kanilang mga account at makipagpalitan ng DAI para sa iba pang cryptocurrency.
Simulan ang pagbili ng DAI
Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang DAI!