Ano ang Decentraland? (MANA)
Gabay ng Nagsisimula
Ang Decentraland ay isang software na gumagana sa Ethereum na naglalayong bigyan ng insentibo ang isang pandaigdigang network ng mga user para magpagana ng isang nakabahaging virtual na mundo.
Ang mga user ngDecentraland ay puwedeng bumili at magbenta ng digital na real estate, habang nag-e-expore, nakikipag-interaksyon, at naglalaro sa virtual na mundong ito. Sa paglipas ng panahon, nag-evolve ang platform para makapagpatupad ng mga interactive na app, mga in-world na pagbabayad, at peer-to-peer na komunikasyon para sa mga user.
Dalawang uri ng mga token ang kumokontrol sa mga operasyon sa Decentraland.
Ang mga ito ay:
- LAND – Isang non-fungible token (NFT) na ginagamit para tukuyin ang pagmamay-ari ng mga land parcel na kumakatawan sa digital na real estate.
- MANA – Isang cryptocurrency na ginagamit para sa mga pagbili ng LAND, pati na mga virtual na produkto at serbisyong ginagamit sa Decentraland.
Ang mga pagbabago sa Decentraland software ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang koleksyon ng mga smart contact na nakabatay sa blockchain, na nagbibigay-daan sa mga kasaling nagmamay-ari ng MANA na bumoto sa mga pagbabago sa patakaran, mga land auction, at mga subsidy para sa mga bagong development.
Para sa mga bagong release at para subaybayan ang mga regular nitong update, tiyaking i-bookmark an'g blogng Decentraland.
Sino ang gumawa ng Decentraland?
Itinatag nina Esteban Ordano at Ariel Meilich noong 2015 ang Decentraland Foundation, ang organisasyon sa likod ng pag-develop sa Decentraland software.
Nagsagawa ang Decentraland team ng Initial Coin Offering (ICO) noong 2017 at nakapangalap ng 86,206 ether (humigit-kumulang $26 milyon sa panahong iyon) para pondohan ang mga operasyon nito sa hinaharap. Ang Foundation, na nagpanatili sa 20% ng inisyal na supply ng token, ang siyang may hawak sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari at nagme-maintain sa website ng Decentraland.
Bago ilunsad ang platform nito, naglunsad ang Decentraland ng isang decentralized autonomous organization (DAO) para ipasa ang pamamahala ng proyekto sa mga user nito. Hindi nagtagal, ipinahayag ng nagtatag na team na nasiraang pribadong key na may kontrol sa smart contract ng Decentraland.
Paano gumagana ang Decentraland?
Binuo ang Decentraland na aplikasyon para i-track ang mga real estate parcel na tinutukoy ng mga LAND token.
Ginagamit ng software ang blockchain ng Ethereum para i-track ang pag-aari sa digital land na ito, at kailangan ng mga user na hawakan ang MANA token nito sa isang Ethereum wallet para makasali sa ecosystem nito.
Bukod pa rito, malaya ang mga developer na mag-innovate sa loob ng platform ng Decentralan’d sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng animation at mga interaksyong nararanasan sa kanilang virtual na real estate.
Arkitektura
Maraming naka-layer na component ang Decentraland na binuo gamit ang mga smart contract ng Ethereum.
Nagpapanatili ang layer ng consensus ng ledger na nagta-track sa pagmamay-ari ng mga land parcel. Ang bawat parcel ng LAND ay may natatanging coordinate sa virtual na mundo, isang may-ari, at isang reference sa description file na kumakatawan sa content na nasa parcel.
Kinokontrol ng layer ng content kung ano ang nangyayari sa bawat parcel, at naglalaman ito ng iba’t ibang file na kailangan para i-render ang mga ito:
- Mga Content File – nagre-reference sa lahat ng static na audio at visual
- Mga Script File – tumutukoy sa pagkakalagay at pagkilos ng ni-reference na content
- Depinisyon ng Interaksyon – mga peer-to-peer na interaksyon gaya ng gesturing, voice chat, at messaging.
Bilang panghuli, gumagamit ang real-time na layer ng mga social na interaksyon sa Decentraland sa pamamagitan ng mga user avatar, kabilang ang voice chat at messaging.
Marketplace at Builder
Sa labas ng gaming environment, ang Decentraland team ay naglabas ng marketplace kasama ang isang drag-and-drop editor na puwedeng ma-access ng mga user para bumuo ng mga senaryo.
Sa marketplace, magagawa ng mga kasali na mamahala at makipagpalitan ng mga LAND token, sa presyo ng MANA. Magagamit ng mga may-ari ang marketplace para makipagtransaksyon o makapaglipat ng mga parcel at iba pang item sa laro gaya ng mga wearable at mga natatanging pangalan.
Tandaan, lahat ng transaksyon ay isinasagawa sa mga wallet ng Ethereum, ibig sabihin, beripikado ito ng network ng Ethereu’m at naka-log sa blockchain nito.
Sa mga builder tool ng Decentralan’d, pinapayagan ang mga may-ari na gumawa ng natatanging karanasan sa kanilang mga LAND parcel. Idinidisenyo ang mga interactive na senaryo sa pamamagitan ng tool nito sa pag-edit, kung saan puwedeng mag-access ang mga developer ng mga library ng customization at mga implementasyon sa pagbabayad.
Bakit may halaga ang MANA?
Mahalaga ang papel ng MANA sa virtual na mundo ng Decentraland at magagamit ito para sa mga transaksyon na nasa ecosystem at para makilahok sa pamamahala ng software.
Halimbawa, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng MANA, nagagawa rin ng mga user na makipag-interaksyon sa platform sa pamamagitan ng pag-customize sa kanilang mga avatar, pakikipag-interaksyon sa ibang user, at pag-explore sa metaverse nito.
Bilang karagdanan, ang pagkakaroon ng MANA ay nagbibigay ng kakayahan sa mga user na bumoto sa mga pagbabago sa patakaran, mga LAND auction, at mga subsidy para mas mapaganda ang platform.
Kapag na-auction ang LAND, ang mga MANA token na ginamit pambili ng mga parcel ay ibu-burn, o aalisin sa sirkulasyon, na magpapababa sa supply ng MANA. Puwede nitong itulak ang halaga ng token habang lumalawak ang platform dahil sa pagkakaroon ng mga bagong user.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
Ano ang Bitcoin? (BTC)
Ano ang Ethereum? (ETH)
Ano ang Ripple? (XRP)
Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
Ano ang Litecoin? (LTC)
Ano ang Chainlink? (LINK)
Ano ang EOSIO? (EOS)
Ano ang Stellar? (XLM)
Ano ang Cardano? (ADA)
Ano ang Monero? (XMR)
Ano ang Tron? (TRX)
Ano ang Dash? (DASH)
Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
Ano ang Zcash? (ZEC)
Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
Ano ang Algorand? (ALGO)
Ano ang Icon? (ICX)
Ano ang Waves? (WAVES)
Ano ang OmiseGo? (OMG)
Ano ang Gnosis? (GNO)
Ano ang Melon? (MLN)
Ano ang Nano? (NANO)
Ano ang Dogecoin? (DOGE)
Ano ang Tether? (USDT)
Ano ang Dai? (DAI)
Ano ang Siacoin? (SC)
Ano ang Lisk? (LSK)
Ano ang Tezos? (XTZ)
Ano ang Cosmos? (ATOM)
Ano ang Augur? (REP)
Bakit gagamit ng MANA?
Puwedeng maengganyo ang mga user sa Decentraland bilang isang nako-customize at nakabahaging virtual reality space.
Puwede ring maging interesante ang Decentraland ecosystem para sa mga gamer na gustong kumita ng in-game na currency na may halaga sa pera, na puwedeng ipagpalit sa mga produkto at serbisyo sa tunay na buhay.
Puwedeng idagdag ng mga investor ang MANA sa kanilang portfolio kung naniniwala sila sa kinabukasan ng virtual reality at sa kakayahan nitong maikonekta ang mga user sa buong mundo.
Simulang bumili ng Decentraland
Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang MANA!
Kraken