Kraken

Ano ang Kusama? (KSM)

Gabay ng Nagsisimula sa KSM


Ang Kusama ay isang pampublikong pre-production na environment para sa Polkadot, kung saan puwedeng mag-eksperimento at sumubok ang sinumang developer ng mga bagong blockchain o application bago i-release ang mga iyon sa network na ito.

Sa ganitong paraan, masasabing nagsisilbing sandbox ang Kusama para sa mga developer na gustong mag-test ng mga naunang bersyon ng mga proyekto sa Polkadot, pero gamit ang tunay na cryptocurrency na na-trade sa open market. 

Tine-test din ang mga opisyal na upgrade ng Polkadot sa Kusama bago i-release ang mga ito.

Dahil ang pangunahing paraan ng paggamit nito ay para padaliin ang testing, sinusubukan ng Kusama na bigyan ang mga developer ng higit na flexibility habang fina-finalize nila ang disenyo ng kanilang mga proyekto sa Polkadot. Kapalit nito, nag-aalok ang Kusama ng mas maluluwag na panuntunan kaysa sa Polkadot, kabilang ang mga hindi ganoon kahigpit na parameter sa pamamahala.

Sa iba pang aspeto, ginagaya ng Kusama ang mga pangunahing feature ng disenyo ng Polkado’t. Halimbawa, gumagamit ang Kusama ng dalawang uri ng mga blockchain – isang pangunahing network, na tinatawag na relay chain, kung saan permanente ang mga transaksyon, at mga user-generated na network, na tinatawag na parachain. 

Puwedeng i-customize ang mga parachain para sa anumang paggamit at puwedeng gamitin ang pangunahing relay chain para sa seguridad. 

Ang isang potensyal na bentahe ng pagsisimula ng project sa Kusama ay nagbibigay-daan ito sa mga project sa Polkadot na bumuo ng user base at makilala sa komunidad bago pa ang opisyal na launch.

Puwedeng i-follow ng mga user na gustong manatiling konektado sa kasalukuyang development status ng proyekt’o ang opisyal na Kusama project blog para sa mga up-to-date na detalye.

what is kusama ksm


Sino ang Gumawa ng Kusama?

Itinatag ang Kusama noong 2016 ng mga creator ng Polkadot na sina Gavin Wood (co-founder ng Ethereum), Peter Czaban, at Robert Habermeier. 

Kahanga-hanga ang background ni Woo’d dahil siya ang nag-imbento ng Solidity, ang language na ginagamit ng mga developer para magsulat ng mga decentralized application (dapp) sa Ethereum. Siya rin ang unang CTO ng Ethereum Foundatio’n, at dating research scientist sa Microsoft.  

Nagtatag si Wood ng kumpanyang tinatawag na Parity Technologies noong 2015 na nagme-maintain ng Substrate, isang software development framework na ginagamit ng mga developer ng Kusama na gustong gumawa ng mga parachain. 

Si Wood din ang presidente ng Web3 Foundation, ang non-profit na nagbenta ng mga token ng Polkado’t, na nakalikom ng humigit-kumulang $200 million mula sa mga investor habang isinasagawa ito. 

Paano Gumagana ang Kusama?


Nagbibigay-daan ang Kusama network sa paggawa ng dalawang uri ng mga blockchain. 

  • Ang Relay Chain – Ang pangunahing blockchain ng Kusama, sa network na ito nafa-finalize ang mga transaksyon. Para maging mas mabilis, hinihiwalay ng relay chain ang pagdaragdag ng mga bagong transaksyon sa mismong pag-validate sa mga transaksyong iyon. 
  • Mga Parachain – Ang mga parachain ay mga custom na blockchain na gumagamit ng mga computing resource ng relay chain para kumpirmahing tumpak ang mga transaksyon. 

Ang Relay Chain

Para mapanatiling tugma ang network nito kaugnay ng status ng system, gumagamit ang Kusama Relay Chain ng variation sa proof-of-stake (PoS) consensus na tinatawag na nominated proof-of-stake (NPoS).

Sa system na ito, ang kahit sinong nagse-stake ng KSM sa pamamagitan ng pag-lock ng cryptocurrency sa isang espesyal na contract ay puwedeng gumawa ng isa o higit pa sa mga sumusunod na tungkuling kinakailangan sa pagpapatakbo nito:  

  • Mga Validator – Vina-validate ang data sa mga parachain block. Sumasali rin sila sa consensus at bumoboto sa mga iminungkahing pagbabago sa network.
  • Mga Nominator – Sine-secure ang Relay Chain sa pamamagpitan ng pagpili ng mga mapapagkatiwalaang validator. Itinatalaga ng mga nominator ang kanilang mga na-stake na KSM token sa mga validator at, kaya naman, sa mga validator na iyon napupunta ang kanilang mga boto.

 

Ang mga user na nagse-stake ng KSM at gumagawa ng mga tungkuling ito ay kwalipikado ring makatanggap ng mga KSM reward.

Pamamahala ng Kusama 

Maiimpluwensyahan ng tatlong uri ng mga user ng Kusama ang development ng software. 

Kasama rito ang:

  • Referendum Chamber – Puwedeng magmungkahi ang sinumang bibili ng mga KSM token ng mga pagbabago sa network at puwede nilang aprubahan o tanggihan ang malalaking pagbabagong iminungkahi ng iba. 
  • Council – Hinalal ng mga may-ari ng KSM, responsable ang mga miyembro ng council sa pagmumungkahi ng mga pagbabago at pagtukoy sa kung aling mga pagbabagong iminungkahi ng mga may-ari ng KSM ang gagawin sa software. Nagsimula ang Council sa Kusama sa pitong miyembro, pero nilalayon itong madagdagan habang lumalawak ang mga interes sa komunidad
  • Technical Committee – Binubuo ng mga team na aktibong gumagawa ng Kusama, puwedeng gumawa ang grupong ito ng mga espesyal na mungkahi kapag nagkaroon ng emergency. Ang mga miyembro ng technical committee ay binoboto ng mga miyembro ng Council.

Ang Pagkakaiba sa pagitan ng Kusama at Polkadot

Tinatawag na “canary network” ang Kusama para sa blockchain ng Polkadot, na ang ibig sabihin, nagbibigay ito ng maagang release ng code na hindi pa nao-audit at available bago ito ma-launch sa Polkadot. 

Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawang network ay ang bilis ng system ng pamamahala. Sa Kusama, inaabot ng pitong araw bago makaboto sa isang referendum at walong araw para magpatupad ng mga pagbabago alinsunod sa mga boto, kumpara sa isang buwan para sa bawat isa sa mga iyon sa Polkadot.

Pangalawa, mas madaling maging validator sa Kusama, dahil mas mababa ang mga minimum na kinakailangan sa pag-stake kaysa sa Polkadot.

Mahalagang tandaan na ang Kusama ay isang blockchain para sa pag-e-eksperimento, at na ipinagpapalit nito ang stability at security para mapabilis ang network.


Bakit May Halaga ang KSM?

Ang KSM na cryptocurrency ay may mahalagang tungkulin sa pag-maintain at pagpapatakbo ng Kusama network.

Sa pamamagitan ng pagmamay-ari at pag-stake ng KSM, magkakaroon ang mga user ng kakayahang bumoto sa mga pag-upgrade sa network, kung saan katumbas ng dami ng stake mong KSM cryptocurrency ang bawat boto. 

Nire-reward ng Kusama ang mga user na ito sa pamamagitan ng kaka-mint lang na KSM batay sa kung ilang token ang sine-stake nila, kung saan mga validator at nominator ang nakakatanggap ng mga reward.

Dapat tandaan ng mga investor na walang limitasyon sa supply ng KSM. Sa halip, inaasahang walang hanggan ang pag-release ng mga bagong KSM token, sa predetermined na inflation rate.
 

Bakit dapat gamitin ang Kusama?


Posibleng maging interesado ang mga user sa Kusama batay sa mga pre-production na kakayahang inaalok nito para sa Polkadot network at sa pagtuon nito sa pagpapabilis ng interoperability sa pagitan ng dalawang blockchain. 

Puwede ring mag-maintain ang mga project ng mga parachain sa Kusama at Polkadot, gamit ang kanilang Kusama parachain para mag-eksperimento at mag-test ng mga bagong feature bago i-upgrade ang kanilang Polkadot parachain 

May ilang project na nag-deploy ng mga parachain sa parehong network, kasama ang Gitcoin, isang platform na nagbibigay ng mga bayad na oportunidad sa mga developer sa pamamagitan ng pag-link ng mga ito sa mga open-source project, at 0x, isang platform para sa mga decentralized exchange. 

Puwedeng gustuhin ng mga investor na idagdag ang KSM sa kanilang portfolio kung naniniwala sila sa hinaharap ng Polkadot ecosystem at mga blockchain na nagsisilbing pundasyon para sa mga application. 

Simulang bumili ng Kusama


Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang KSM!