Ano ang Ripple? (XRP)
Gabay ng Nagsisimula
Inilunsad noong 2013, nilalayon ng XRP na maging kaakibat ng mga nakasanayang pagbabayad sa pamamagitan ng paglilipat ng mga transaksyong nangyayari ngayon sa pagitan ng mga database na kinokontrol ng mga institusyong pampinansyal sa mas bukas na imprastraktura.
Isa sa mga mas ambisyosong cryptocurrency na nag-live kasunod ng Bitcoin, ang XRP ay kilala dahil sa disenyong nagbunsod ng tuloy-tuloy na talakayan tungkol sa kung paano maaaring i-architect ang mga blockchain at ang mga paggamit na dapat subukang tugunan ng mga ito.
Ito ay dahil nagpakilala ang XRP Ledger ng bagong paraan ng pagpapatakbo ng mga transaksyon at record ng blockchain, may isang tagapagtaguyod na nagsabing ginagawang mas angkop para sa mga regulated na entity na dapat sumunod sa mga batas sa pagpapadala ng pera.
Hindi tulad ng Bitcoin, na nagbibigay-daan sa kahit na sino na mag-ambag ng computing power upang ma-validate ang mga transaksyon at ma-secure ang software, sa mga naaprubahang kalahok lang ibinibigay ng XRP Ledger ang kapangyarihang ito.
Dahil hindi nakakakuha ng XRP ang mga node para sa pagpapanatili ng tamang bersyon ng history ng ledger, ang lahat ng 100 bilyong XRP ay ginawa at ipinamahagi sa mga indibidwal at kumpanya (pati na rin sa pangkalahatang publiko) noong paglulunsad sa pamamagitan ng mga regalo at online na giveaway.
Kung patuloy na magdulot ng debate ang mga desisyon sa disenyo na ito, gayundin ang mangyayari sa mga bahagi ng diskarte ng go-to-market ng proyekto, na umaasa sa paggawa ng isang for-profit company, kumpara sa isang non-profit (isang modelong sa kalaunan ay magiging pamantayan).
Ang kumpanya, na tinatawag na Ripple, ay gumaganap ngayon bilang pangunahing tagapangasiwa sa pagpopondo at pag-develop ng XRP Ledger at mayroon itong napakalaking papel sa pag-develop nito at sa digital na ekonomiya nito.
Ano ang pinagkaiba ng Ripple at XRP?
Ngayon, ang Ripple ay isang kumpanya, ang XRP Ledger ay isang software at ang XRP ay isang cryptocurrency. Gayunpaman, hindi ito ganoon dati.
Ang XRP Ledger, ang software na nagpapagana sa paggamit ng XRP cryptocurrency, at ang Ripple, ang kumpanyang itinatag upang i-promote at i-develop ang XRP, ay sumailalim sa isang hanay ng mga rebranding sa loob ng maraming taon bilang tugon sa pagbabago ng dynamics ng market.
Halimbawa, itinatag ang Ripple noong Setyembre 2012 bilang OpenCoin. Paglaon, binago ng startup ang pangalan nito sa Ripple Labs noong 2013 bago magpasya sa Ripple sa huling bahagi ng 2015.
Katulad nito, ang XRP Ledger ay dating tinawag na Ripple open payment system, Ripple network at Ripple Consensus Ledger (RCL), bago ito naging XRP Ledger.
Sa kabilang banda, sa simula pa lang ay XRP na ang ticker symbol ng XRP, pero karaniwang tinawag na "ripples" o "ripple credits" ang mga unit ng cryptocurrency na ito noong mga unang araw ng proyekto.
Sino ang gumawa ng XRP?
Hindi tulad ng iba pang cryptocurrency, walang isang kilalang gumawa o nagtatag ng XRP.
Gayunpaman, may ilang indibidwal na sangkot sa pagsisimula sa teknolohiya nito at sa mga nauugnay na entity ng negosyo.
Kasama rito ang mga tagapagtatag ng OpenCoin (Ripple na ngayon), ang technologist na si Jed McCaleb (na nagtatag ng Mt Gox, ang unang matagumpay na bitcoin exchange, at Stellar, ang software na nagpapagana sa XLM cryptocurrency) at Chris Larsen, ang tagapagtatag ng mga kumpanya ng fintech na E-LOAN at Prosper.
Si McCaleb ay itinuturing na bumuo sa makabagong teknikal na disenyo ng XRP Ledger.
Kabilang sa iba pang kilalang nag-ambag sa teknolohiya ng XRP sina:
-
Stefan Thomas, isang contributor sa Bitcoin Core software at dating CTO ng Ripple
-
David Schwartz, co-author ng orihinal na white paper ng Ripple at kasalukuyang CTO ng Ripple
-
Arthur Britto, co-author ng orihinal na white paper ng Ripple.
Paano ginagamit ng Ripple ang XRP?
Bagama't magkasabay ginawa ang Ripple at XRP, masasabing lampas na sa XRP ang mga ambisyon ng kumpanya ng Ripple.
Noong 2019, isang produkto lang ng Ripple ang gumamit ng XRP cryptocurrency bilang default, ang liquidity solution nitong xRapid. Ang iba pang legacy na produkto ng Ripple kabilang ang xVia at xCurrent (na nakatuon sa pagpapadala at pagproseso ng mga pagbabayad) ay hindi nangailangan ng XRP, ngunit maaaring kumonekta ang mga ito sa XRP Ledger.
Gayunpaman, noong 2020, pinagsama-sama ng Ripple ang lahat ng tatlong produkto sa iisang produktong tinatawag na RippleNet, isang produkto para sa 300 financial firm kung saan ito nakipag-partner sa ngayon.
Sa RippleNet, ang mga kumpanyang ito ay makakatanggap ng access sa tinatawag ng Ripple na “on-demand liquidity,” na nagpopondo sa mga foreign account sa pamamagitan ng pagbebenta ng XRP kapalit ng cash sa isang digital asset exchange at pag-convert ng mga pondong iyon sa gusto nilang currency sa isa pang digital asset exchange.
Ang Ripple ay kaakibat din ng isang hiwalay na pagsisikap na tinatawag na Interledger Protocol, isang software na naglalayong mapadali ang mga transaksyon sa pagitan ng mga cryptocurrency at bank ledger. Bilang open-source na pagsisikap, hindi ito nangangailangan ng XRP, bagama't maaari itong kumonekta sa XRP Ledger.
Nanindigan ang kumpanya na ang lahat ng tool nito, kabilang ang XRP, ay balang araw magpapagana sa “Internet of Value,” kung saan ang mga pera ng pamahalaan, tradisyonal na asset at cryptocurrency ay maaaring i-trade nang malaya at nang may kaunting alitan sa buong mundo.
Paano gumagana ang XRP ledger?
Ang XRP Ledger ay hindi fork ng Bitcoin (BTC) blockchain, ibig sabihin, hindi nito ginamit ang code nito. Gayunpaman, kinuha nito ang ilang aspeto ng disenyo ng Bitcoin.
Tulad ng Bitcoin, nagbibigay-daan ang XRP Ledger sa mga user na magpadala at tumanggap ng cryptocurrency sa pamamagitan ng cryptography na may pampubliko at pribadong key. Nangangailangan ng mga digital signature ang mga paglilipat sa iba't ibang address.
Gayunpaman, hindi gumagamit ang XRP Ledger ng pag-mine at hindi ito nangangailangan ng espesyal na computing hardware upang ma-secure ang ledger nito at ma-validate ang mga transaksyon. Sa halip, nagbibigay-daan ang XRP Ledger sa mga server na magpadala ng mga transaksyon para sa pagsasaalang-alang ng network nito.
Ang mga transaksyon lang na na-validate ng mga “unique node,” o mga pinahintulutang server na nagpapanatili ng “unique node list,” ang maaaring gumawa ng consensus sa network pagdating sa kung aling mga transaksyon ang valid.
Gamit ang mas pinagkakatiwalaang disenyong ito, mas mabilis na mava-validate ng mga XRP node ang mga transaksyon, hangga't hindi bababa sa 80% ng mga kalahok ang magtuturing na valid ang mga ito ayon sa mga panuntunan ng software.
Bakit may halaga ang XRP?
Nagpapanatili ang software ng XRP Ledger ng limitasyon sa dami ng maaaring gawing cryptocurrency nito, nang nililimitahan ang kabuuang ito sa 100 bilyong XRP.
Sa supply na ito, unang nagbigay ang Ripple ng 55 bilyon sa mga user sa mga forum sa pamamagitan ng mga giveaway. Itinabi ng kumpanya ang natitirang XRP upang pondohan ang pag-develop ng teknolohiya nito.
Bagama't hindi nangangailangan ng mga “transaction fee” ang XRP Ledger, ipinag-uutos nito na ang isang maliit na halaga ng XRP ay ilagay ng nagpadala upang sirain at ibawas sa kabuuang supply.
Sa kabila nito, hindi ito dahilan para magkaroon ng pagtaas sa aktibidad ng presyo. Ayon sa website ng XRP: “Sa kasalukuyang rate ng pagkasira, aabot nang hindi bababa sa 70,000 taon bago masira ang lahat ng XRP.”
Bukod sa mga pampublikong anunsyo, mayroon pa ring mga paratang na ang mga available na data provider ay walang malinaw na record ng supply ng XRP o malinaw na insight sa kung paano gumagana ang market nito.
Nagsimula ang debate na ang Ripple ay gumaganap bilang principal market maker para sa ekonomiya ng XRP, na nagbebenta ng cryptocurrency upang makatulong na bayaran ang mga gastos sa pag-maintain ng teknolohiya ng XRP Ledger.
Mula noong 2017, nag-lock ang Ripple ng ilang pondo sa isang XRP Ledger-based na escrow system, kung saan inilalabas ang mga ito buwan-buwan.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
Ano ang Bitcoin? (BTC)
Ano ang Ethereum? (ETH)
Ano ang Ripple? (XRP)
Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
Ano ang Litecoin? (LTC)
Ano ang Chainlink? (LINK)
Ano ang EOSIO? (EOS)
Ano ang Stellar? (XLM)
Ano ang Cardano? (ADA)
Ano ang Monero? (XMR)
Ano ang Tron? (TRX)
Ano ang Dash? (DASH)
Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
Ano ang Zcash? (ZEC)
Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
Ano ang Algorand? (ALGO)
Ano ang Icon? (ICX)
Ano ang Waves? (WAVES)
Ano ang OmiseGo? (OMG)
Ano ang Gnosis? (GNO)
Ano ang Melon? (MLN)
Ano ang Nano? (NANO)
Ano ang Dogecoin? (DOGE)
Ano ang Tether? (USDT)
Ano ang Dai? (DAI)
Ano ang Siacoin? (SC)
Ano ang Lisk? (LSK)
Ano ang Tezos? (XTZ)
Ano ang Cosmos? (ATOM)
Ano ang Augur? (REP)
Bakit gagamit ng XRP?
Sa ngayon, sinubukan ng mga bangko at institusyong pinansyal ang teknolohiya ng Ripple at ang XRP Ledger bilang mga alternatibo sa mga cross-currency at internasyonal na pagbabayad, mga bahagi kung saan nananatiling mataas ang alitan sa pagitan ng mga tagapamagitan.
Ang pinakakilalang customer ng Ripple ay MoneyGram na ngayon, na nagsimulang gumamit ng RippleNet noong 2019.
Ang pag-usad na ito kasama ng mga institusyong pampinansyal ay humantong sa haka-hakang ang XRP Ledger ay maaaring magsilbi bilang isang uri ng ipinamahaging alternatibo sa SWIFT, ang platform ng pagmemensahe sa pananalapi na ginagamit ng mga bangko para sa paglilipat ng pera at pagmemensahe.
Ang mga mamumuhunan ay patuloy na nagpapakita ng interes sa XRP at sa ambisyosong roadmap nito, at itinuturing nila itong hedge kung sakaling ang mga regulated na entity sa pananalapi ay ayaw o hindi maaaring gumamit ng bitcoin o iba pang cryptocurrency sa mga tradisyonal na pagbabayad o upang mapahusay ang back-end money transfer.
May ilang user ng internet din na pumunta sa XRP para sa maliliit na pagbabayad ng consumer sa mga sitwasyon ng paggamit ng consumer tulad ng pagbibigay ng tip.
Magsimula
Ngayong alam mo na kung ano ang XRP, alamin kung paano bumili nito rito o i-click ang button sa ibaba para bumili.