Kraken
Solana

Ano ang Solana? (SOL)


Ang Solana ay isang platform na naglalayong magbigay ng pundasyon sa decentralized applications (dapps) sa paraang inuuna ang scalability.

Sa hangaring ito, ang Solana ay isa sa ilang nakikipagkumpetensya na mga proyekto ng blockchain tulad ng Ethereum, Zilliqa, o Cardano na inaasahan na lumago ang ecosystem ng cryptocurrency-powered na mga produkto at serbisyo.

 

Upang makita ang pagkakaiba, ang Solana ay nagpapakilala ng isang kumbinasyon ng architectural design na mga choice na nagtatangka na magbigay ng mas mabilis na oras transaksyon settlement at isang imprastraktura na nakatuon sa kakayahang umangkop na nagbibigay-daan sa mga developer na magsulat at ilunsand ang mga customizable na mga application sa maraming programming language.

 

Upang makamit ang mga feature na ito, ang native cryptocurrency ng network ng Solana, SOL, ay ginagamit upang mapatupad ang mga custom program, magpadala ng mga trasaksyon at magbigay insentibo sa mga nais sumuporta sa Solana network.

 

Para sa mas regular na pag-update mula sa Solana team, maaari mong i-bookmark ang Medium page ng Solana, na kinabiblangan ng buwanang mga newsletter, mga update ng feature , at mga artikulo ng nagpapaliwanag.

Stake Solana SOL staking

Sino ang Gumawa ng Solana (SOL)?


Ang Solana ay unang na-konsepto ni Anatoly Yakovenko noong 2017, ang naghangad ng decentralized network ng mga node na tutugma sa pagganap ng isang solong node.

Ang Solana blockchain ay ginagabayan ng Solana Labs bilang pangunahing contributor, habang ito ay sinusuportahan rin ng Solana Foundation, isang Swiss-based non-profit na nakatuon sa lumalaking komunidad at pagpapaunlad ng funding.

Si Yakovenko at ang kanyang team ay nagsimulang makatanggap ng mga fund noong 2018 bilang bahagi ng Solana Labs. Ang team ay pribadong nakalakap ng higit sa $20 milyon sa isang Series A na umabot ng ilang buwan hanggang sa 2019. Pagkatapos ng mainnet launch nito noong March 2020, ang Solana ay nakalakap ng karagdagang $1.76 million sa isang public token sale na pinatupad ng cryptocurrency auction platform na CoinList.

Anatoly Yakovenko solana SOL creator

Who created Solana?

Ang Solana ay unang na-konsepto ni Anatoly Yakovenko noong 2017.

Paano Gumagana Ang Solana?


Ang Solana network ay nagaalok ng maraming mga feature na karaniwan sa ibang mga cryptocurrency network katulad ng smart contracting, transaction settlement, at token issuance. Gayunpaman, upang makilala ang sarili mula sa iba, ang Solana ay umaasa na mag-alok ng mas mahusay na mga settlement speed at mas mataas na kapasidad para sa mga transaksyon.

 

Solana Network Architecture

Ang Solana ay naglalayon na makamit ang scalability sa pamamagitan ng disenyo ng network nito at mag-operate gamit ang walong core components upang magawa ito: 

  • Proof-of-History – Ang pandaigdigang orasan ay isinangguni upang lumikha ng isang karaniwang iskedyul sa lahat ng mga kalahok
  • Gulf Stream – Tinutukoy kung kailan at paano ipinagpapalit ang mga transaksyon
  • Sealevel – Processing engine na nagtatalaga ng pagkakasunud-sunod at pagpapatupad ng mga transaksyon
  • Turbine – Tinutukoy kung paano nagpapatunay ang mga node ng mga transaksyon (kilala rin bilang mga validator) nagpapadala at tumatanggap ng mga block.
  • Cloudbreak – Memory mechanism na ginagamit upang subaybayan ang mga balanse ng kalahok 
  • Pipeline – Bineberipika ang bawat bahagi ng isang transaksyon
  • Mga Archiver –  Network ng mga node kung saan na-off-load ang data mula sa mga validator at naka-imbak nang walang hanggan

Habang ang teknolohiya ay kumplikado at masalimuot, ang bawat bahagi ay nilalayong itaas ang dami ng mga transaksyong maaaring isagawa ng Solana nang hindi hinahati ang chain nito o gumagamit ng layer two network. 

 

Solana Delegated Proof-of-Stake Consensus

Para ma-secure ang blockchain nito, ang Solana ay lumikha ng consensus mechanism na tinatawag na Tower BFT na isinasama ang karaniwang tinutukoy na delegated proof-of-stake (DPoS).

Ang DPoS ay gumagamit ng sistema ng pagboto at reputation system para ma-secure ang network, patunayan ang mga transaksyon at ipamahagi ang bagong gawang SOL, ibig sabihin ay kung sino mang nagmamay-ari ng mga SOL token (minsan ay tinatawag na SOL coins) ay maaaring makatulong sa pag-operate ng network.

Ang bawat token ng SOL ay maaaring i-lock, o "i-staked," ng mga kalahok ("mga node") upang parehong lumahok sa pamamahala at upang madagdagan ang mga pagkakataon na mapili upang makagawa ng mga bloke. 

Ang mga kalahok ay maaari ding piliin na italaga ang kanilang SOL sa ibang mga validator, naglalaan ng mga boto sa kanila habang nakakakuha ng bahagi ng mga block reward.

Bakit May Halaga Ang SOL Coin?


Ang SOL cryptocurrency ay gumaganap ng isang pangunahing papel sa pagpapanatili at pagpapatakbo ng Solana ecosystem.

Ang mga Solanaay nagre-reward sa mga validator at delegator na may isang bahagi ng mga bagong na-mint na SOL kasama ng mga bayarin sa transaksyon batay sa halaga ng SOL na naka-stake, ang set ng inflation rate, at ang pagiging kumplikado at halaga ng mga transaksyon sa network.

Sa pagmamay-ari ng mga SOL token, ang mga user ay maaari makakuha ng access sa mga suite ng proyekto na naitayo sa Solana network. 

Katulad ng Ethereum, ang Solana ay nagbibigay-daan sa mga developer na mapatakbo ang mga custom smart contract at magdisenyo ng decentralized applications (dapps) upang mag-alok ng digitized na mga produkto at mga serbisyo. Kasama sa mga halimbawa ang Serum, isang order-book style na decentralized exchange service, at Raydium, isang automated market maker (AMM) na nagbibigay ng liquidity sa ecosystem nito.
 

Bakit Gagamit ng Solana (SOL)?

Matatagpuan ng mga user na nakakaakit ang Solana batay sa pagtatangka nitong makalikha ng nasusukat na platform para sa decentralized applications nang walang pagpapatupad ng sharding o second-layer na mga teknolohiya.

At higit pa dito, ang mga developer ay matataguan ang platform na kaakit-akit para sa mga produkto at serbisyo na maaaring maggarantiya ng mataas na volume ng aktibidad.
Maaaring maghanap ang mga namumuhunan na bumili ng SOL at idagdag ito sa kanilang portfolio kung sila ay maniniwala na ang market ay isang araw papabor sa mas nasusukat na mga blockchain.

Simulan ang pagbili ng Solana


Kung handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at nais ng bumili ng Solana (SOL), i-click ang button sa ibaba!

 


Do more with Solana


Solana Staking

Gusto mo bang mag-usisa tungkol sa Solana SOL staking sa Kraken? Ang staking ay isang ligtas at madaling paraan upang kumita ng mga reward sa SOL sa iyong Kraken account.

sol

Solana (SOL)

On-chain

 

Taunang mga reward

6.5%

Mag-stake ng SOL*

*Napapailalim sa mga karagdagang tuntunin at kundisyon. Matuto ng higit pa


solSolana Price