Ano ang Tron? (TRX)
Gabay ng Nagsisimula
Inilunsad noong kasagsagan ng crypto mania noong 2017, napagbuklod ng Tron ang isang pandaigdigang grupo ng mga investor at developer sa bisyon kung paano puwedeng baguhin ng mga cryptocurreny ang internet.
Pero kung ang layunin ng paggamit ng mga blockchain para gumawa ng isang nakabahaging web ay karaniwan na sa mga proyektong inilulunsad sa panahong iyon, naging katangi-tangi ang alok ng Tron sa pamamagitan ng mensaheng dala nito, bagama’t nagpatuloy ang mga kritisismo tungkol sa teknolohiya nito.
Halimbawa, bihira ang Tron sa mga cryptocurrency na inilunsad noong 2017 dahil hindi nito ginustong mag-advertise ng anumang pag-abante sa cryptography o disenyo ng network.
Sa halip, ang mga batayang pundasyon ng Tron – mga decentralized application, mga smart contract, mga token, delegated na proof-of-stake consensus – ay sinimulan na ng ibang proyekto bago ito ilunsad. Umabot pa ang Tron sa puntong ginawa nitong compatible sa Ethereum (ETH) ang mga component ng teknolohiya nito (na nagdulot ng mga akusasyong nanghihiram lang ito ng mga ideya).
Sa paglipas ng panahon, magiging iba ang Tron dahil sa istratehiya nito bilang go-to market na naka-focus sa Asya na lubos na nakadepende sa pagpapasikat sa creator nito na si Justin Sun at pagsasalin sa mga teknikal nitong dokumento sa mas marami pang wika na bihirang i-target ng mga cryptocurrency na proyekto.
Mas napansin sa mainstream ang Tron noong 2018 nang mabili ng non-profit na namumuno sa development nito, ang Tron Foundation, ang peer-to-peer networking pioneer na BitTorrent.
Sinundan ng pagbiling ito ang paglulunsad sa BitTorrent token sa Tron blockchain noong 2019, isang hakbang na nagbigay sa Tron ng kakayahang mag-market ng bagong cryptocurrency sa milyon-milyong dati nang user.
Sino ang gumawa ng Tron?
Ang Tron ay ginawa ng entrepreneur na si Sun Yuchen (Justin Sun), isang two-time recipient ng “30-Under-30” award ng Forbes sa Asya, noong unang bahagi ng 2017.
Matagal nang sikat sa China, dati nang naitatag ni Sun ang audio content application na Peiwo at naglingkod bilang representative ng Ripple noong 2015, ang for-profit company na nangangalaga sa XRP cryptocurrency, bago itatag ang Tron Foundation sa taong iyon.
Nagtagumpay ang background ni Sun sa negosyo sa paghimok ng inisyal na interes ng mga investor kabilang ang nagtatag ng Clash of Kings na si Tang Binsen at CEO ng bike sharing startup na OFO na si Dai Wei, at marami pang iba.
Ang mga supporter na ito ang nagpataas ng visibility ng ICO ng proyekto noong Setyembre, na nakapangalap ng milyon-milyong cryptocurrency mula sa publiko gamit ang isang token sa ethereum blockchain.
Nailabas noong 2018 ang pangalawang bersyon ng white paper na mas nagdedetalye sa teknolohiya ng Tron.
Paano gumagana ang Tron?
Unang ginawa bilang token na nakabatay sa Ethereum, nag-migrate na ang Tron sa sarili nitong network noong 2018.
Kasama sa naging proseso ang pag-trade ng mga investor sa kanilang mga ethereum token kapalit ng TRX cryptocurrency ng Tron. (Pagkatapos nito ay sinira na ang mga ethereum token.)
Pangkalahatang Arkitektura
Gaya ng Ethereum (ETH), gumagamit ang Tron ng account-based na model, ibig sabihin, nakokontrol ng mga cryptographic key at protocol issue nito ang access sa parehong mga balanse ng TRX at TRX token.
Pagkatapos, ira-route ng Tron blockchain ang palitan ng data na ito sa tatlong layer:
-
Core Layer – Kino-compute ang mga tagubilin na nakasulat sa Java o Solidity (isang language na idinisenyo para sa Ethereum) at ipinapadala ang mga ito sa Tron Virtual Machine, na nagpapatupad sa logic.
-
Application Layer – Ginagamit ng mga developer para gumawa ng mga wallet at application na pinapagana ng TRX cryptocurrency at compatible sa software.
-
Storage Layer – Idinisenyo para i-segment ang data ng blockchain (ang record ng history ng blockchain) at ang state data nito (na nagpapanatili sa status ng mga smart contract).
Naka-delegate na Proof-of-Stake
Para makaabot ng consensus sa ledger nito, gumagamit ang Tron ng system kung saan ipinagkakatiwala sa rotating na cast ng 27 “super representative” ang pag-validate sa mga transaksyon at pag-maintain sa history ng system.
Pinipili ang mga super representative kada anim na oras, at kung pipiliin, magkakaroon ito ng kakayahang mangolekta ng bagong TRX na bubuuin ng protocol.
Idaragdag ang mga block sa blockchain kada 3 segundo, at ang mga nakagawa ng valid na block ay bibigyan ng 32 TRX bilang award sa kanilang mga pagsisikap. Taun-taon, 336,384,000 TRX ang ina-award sa kabuuan.
Bilang karagdagan sa mga super representative, puwedeng patakbuhin ng mga user ang tatlong uri ng mga node sa Tron blockchain – mga witness node, mga full node, at mga Solidity node. Ang mga witness node ay nagpapanukala ng mga block at bumoboto sa mga desisyon sa protocol, habang bino-broadcast naman ng mga full node ang mga transaksyon at block.
Sini-sync ng mga Solidity node ang mga block mula sa mga full node at nagbibigay ng mga API.
Makikita rito ang higit pang detalye tungkol sa paggawa ng block at mga super representative ng network.
Pag-stake ng TRX sa Tron
Para bumoto ng mga super representative, kailangan ng mga user ng Tron ang isang network resource na tinatawag na “Tron Power.”
Makakatanggap ang mga user ng 1 Tron Power para sa bawat 1 TRX na pipiliin nilang “i-lock” sa isang account, kung saan pipigilan ang paggastos sa nauugnay nitong cryptocurrency. (Kapag na-unfreeze na ang cryptocurrency, mawawala sa mga user ang kanilang Tron power at ang kakayahang bumoto).
Hindi puwedeng i-trade ang Tron Power gaya ng TRX o iba pang token na inisyu sa Tron blockchain.
Dahil dito, gumagana ang proseso na parang pag-stake sa mga blockchain gaya ng Tezos o Cosmos, kung saan puwedeng kumita ng mga reward ang mga user sa pamamagitan ng pag-lock ng mga pondo. (Tandaan: Mag-ingat dahil puwedeng hindi ito posible sa isang custodial na exchange gaya ng Kraken).
Bakit may halaga ang TRX?
Ang cryptocurrency na nagpapagana sa Tron blockchain ay tinatawag na tronix, ang pinakamaliit na denominasyon nito ay tinatawag na “sun,” na ipinangalan mula kay Justin Sun, ang gumawa ng protocol.
Sa kabuuan, 100 bilyong TRX ang ginawa sa initial coin offering (ICO) ng Tron noong 2017.
Sa panahong iyon, ipinamahagi ang mga TRX token sa ganitong paraan:
-
Pampublikong bentahan: 40 bilyong TRX
-
Pribadong bentahan: 15 bilyong TRX
-
Nakareserba para sa Tron Foundation: 35 bilyong TRX
-
Nakareserba para sa Peiwo (ang inisyal na supporter ng proyekto): 10 bilyong TRX
Mula rito, may ilang kaunting kaibahan ang Tron economy kumpara sa mga kakumpitensya nito.
Para malaman kung kailangan bang magbayad ng isang user para sa isang transaksyon, gumagamit ang Tron ng system ng “mga bandwidth point.” Nakokonsumo ang mga bandwidth point kapag nagsagawa ang isang user ng transaksyon, kung saan ibabawas ang 1 bandwidth point para sa bawat byte ng data.
Makakatanggap ang bawat account ng 5,000 libreng bandwidth point araw-araw. Kung sakaling walang sapat na bandwidth point ang isang user para maisagawa ang isang transaksyon, may ibu-burn na 0.1 TRX bawat byte ng data.
May mga penalty rin sa network na puwedeng magpababa sa supply ng TRX. Bilang halimbawa, 9,999 TRX ang binu-burn mula sa mga account na nag-a-apply na maging mga super representative na kandidato.
Hanggang Enero 2021, walang naipakilalang bagong TRX ang protocol. Ang lahat ng bagong TRX na ibinigay sa mga super representative ay mula sa orihinal na token allocation sa Tron Foundation.
Mga Gabay sa Crypto ng Kraken
Ano ang Bitcoin? (BTC)
Ano ang Ethereum? (ETH)
Ano ang Ripple? (XRP)
Ano ang Bitcoin Cash? (BCH)
Ano ang Litecoin? (LTC)
Ano ang Chainlink? (LINK)
Ano ang EOSIO? (EOS)
Ano ang Stellar? (XLM)
Ano ang Cardano? (ADA)
Ano ang Monero? (XMR)
Ano ang Tron? (TRX)
Ano ang Dash? (DASH)
Ano ang Ethereum Classic? (ETC)
Ano ang Zcash? (ZEC)
Ano ang Basic Attention Token? (BAT)
Ano ang Algorand? (ALGO)
Ano ang Icon? (ICX)
Ano ang Waves? (WAVES)
Ano ang OmiseGo? (OMG)
Ano ang Gnosis? (GNO)
Ano ang Melon? (MLN)
Ano ang Nano? (NANO)
Ano ang Dogecoin? (DOGE)
Ano ang Tether? (USDT)
Ano ang Dai? (DAI)
Ano ang Siacoin? (SC)
Ano ang Lisk? (LSK)
Ano ang Tezos? (XTZ)
Ano ang Cosmos? (ATOM)
Ano ang Augur? (REP)
Bakit gagamit ng TRX?
Kailangan ang Tronix para sa paggamit ng mga application sa Tron network, ibig sabihin, kung balak mong gumamit ng laro o serbisyong nakabatay sa Tron, kakailanganin mong bumili ng TRX.
Kailangan mo ring magkaroon ng TRX para makasali sa consensus system ng Tron, ibig sabihin, kailangan mo ng TRX kung balak mong mag-stake ng mga coin at bumoto sa kung paano isasagawa ang mga operasyon ng protocol.
Depende sa kanilang investment thesis, puwede ring idagdag ng mga trader ang TRX sa kanilang portfolio. Dahil ine-enable ng platform nito na makagawa ang mga user ng mga custom na application at token, posibleng magustuhan ng mga trader na magkaroon ng exposure sa Tron kung naniniwala sila sa mga ganitong paggagamitan ng mga blockchain.
Puwede ring mahalaga para sa kanila ang kakayahan ng cryptocurrency na makagawa ng passive na kita sa pamamagitan ng pag-stake, dahil makakatulong ito na mabawasan ang peligro ng paghawak o pag-aari ng asset bilang bahagi ng kanilang portfolio.
Kraken