Kraken
yfi

Ano ang yearn.finance? (YFI)

Pagpapaliwanag sa YFI crypto


Ang yearn.finance ay isang grupo ng mga protocol na gumagana sa blockchain ng Ethereum na nagbibigay-daan sa mga user na i-optimize ang kanilang mga kita sa mga crypto asset sa pamamagitan ng mga serbisyo ng pagpapahiram at pagte-trade.

Bilang isa sa mga umuusbong na decentralized finance (DeFi) na proyekto, ibinibigay ng yearn.finance ang mga serbisyo nito gamit lang ang code, kaya hindi na kailangan ng pinansyal na tagapamagitan gaya ng bangko o custodian. Para gawin ito, bumuo ito ng sistema ng mga naka-automate na insentibo gamit ang YFI na cryptocurrency nito. 

Ang platform ng yearn.finance ay binubuo ng iba’t ibang independent na produkto, kabilang ang:

  • APY – Isang talahanayan ng data na nagpapakita ng mga rate ng interes sa iba’t ibang protocol sa pagpapahiram. 
  • Earn – Tumutukoy sa pinakamatataas na rate ng interes na puwedeng kitain ng mga user sa pagpapahiram ng asset. 
  • Mga Vault – Isang koleksyon ng mga istratehiya ng pamumuhunan na idinisenyo para makuha ang pinakamatataas na kita mula sa ibang DeFi na proyekto.
  • Zap – Nagba-bundle ng iba't ibang trade sa isang click lang, kaya makakatipid ka sa mga gastos at labor.

Kikita ang mga user ng mga YFI na token sa pamamagitan ng pag-lock ng mga cryptocurrency sa mga kontrata ng yearn.finance na gumagana sa mga platform ng pagte-trade sa DeFi na Balancer at Curve, gamit ang platform ng yearn.finance.  

Sa ganitong paraan, kumikita ang yearn.finance sa isang gawain na karaniwang tinatawag na “yield farming,” kung saan nagla-lock ng mga crypto na asset ang mga user sa isang DeFi na protocol para kumita pa ng cryptocurrency. Kung mas maraming asset ang ila-lock ng mga user sa isang platform, mas maraming token ang ibibigay sa kanila ng mga protocol.

Sa unang buwan ng operasyon nito, nakaengganyo ang platform ng yearn.finance ng halos $800 milyon sa mga asset, kaya isa ito sa pinakamabibilis lumagong DeFi na proyekto sa kasalukuyan.

What is yearn.finance yfi

yfi

Sino ang Gumawa ng yearn.finance?

Inilunsad ang yearn.finance ng independent na developer na si Andre Cronje noong 2020.

Kapansin-pansing hindi nakatanggap si Cronje ng pagpopondo para sa yearn.finance protocol at hindi siya nagreserba ng mga token para sa kanyang sarili bago ilunsad ang yearn.finance. Ito ang dahilan kung bakit naiiba ang yearn.finance sa karamihan ng mga DeFi na proyekto, na kadalasan ay nangangalap muna ng pamumuhunan mula sa mga venture fund bago bumuo ng team na magde-develop sa protocol. 

Noong Hulyo 2020, inilunsad ng platform ng yearn.finance ang native na cryptocurrency nito, ang YFI. 

Bumili ng YFI

yfi

Paano Gumagana ang yearn.finance?


Ang yearn.finance ay isang protocol na idinisenyo para mag-deploy ng mga kontrata sa blockchain ng Ethereum pati na sa iba pang desentralisadong exchange na gumagana rito, gaya ng Balancer at Curve

Sa ganitong paraan, nagtitiwala ang mga user na ang mga kontrata ng YFI, pati na ang mga nauugnay na kontrata sa Balancer at Curve, ay ide-deploy sa Ethereum para maibigay ang mga ina-advertise na serbisyo.

Pagpapahiram at Pagte-trade

Ang karamihan sa mga serbisyo ng yearn.finance – ang Earn, Zap, at APY – ay naglalayong bigyan ng kakayahan ang mga user na ipahiram o i-trade ang kanilang cryptocurrency. 

Ang Earn ay isang paraan para makuha ng mga user ang pinakamagandang rate ng interes sa pagpapahiram, at gumagana ito sa pamamagitan ng paghahanap sa iba’t ibang protocol ng pagpapahiram, gaya ng Aave o Compound, para mahanap ang pinakamagagandang rate. 

Pagkatapos, maidedeposito na ng mga user ang kanilang DAI, USDC, USDT, TUSD o sUSD sa platform ng yearn.finance para matanggap ang mga rate ng interes na iyon. 

Binibigyang-daan din ng Zap na makumpleto ng mga user ang iba’t ibang pamumuhunan sa isang click lang. Halimbawa, puwedeng mag-trade ang isang user ng DAI kapalit ng yCRV (ibang cryptocurrency sa DeFi) sa isang hakbang lang, kumpara sa tatlong hakbang sa mga platform ng yearn.finance at Curve. 

Dahil dito, makakatipid ang user ng oras, gastos sa oportunidad, at mga bayarin sa transaksyon. 

Naghahanap ang APY (na nangangahulugang annual percentage yield) sa iba't ibang protocol ng pagpapahiram na ginagamit ng Earn, at nagbibigay ito sa user ng pagtatantya sa kung magkano ang interes na puwede nilang kitain, kada taon, para sa isang partikular na halaga ng kapital. 

Mga Vault ng yearn.finance

Ang Mga Vault, na pinakakumplikadong serbisyo ng yearn.finance, ay nagbibigay-daan sa mga user na subaybayan ang mga aktibong istratehiya sa pamumuhunan gamit ang code ng platform na kusang naipapatupad. Sa ganitong paraan, ang Mga Vault ay parang mga mutual fund na aktibong pinapamahalaan. 

Hanggang Ago 30, 10 istratehiya na ang available sa Mga Vault. 

Ang mga istratehiyang ito, na nasa mga eksperimental pa lang na yugto, ay ipinapakita sa Solidity, ibig sabihin, medyo pamilyar dapat ang user sa code para maunawaan kung paano tumatakbo ang Mga Vault. 

Gayunpaman, diretsahan ang pamumuhunan sa isang Vault. Sa user interface ng yearn.finance, makakapagdeposito ang user ng mga sikat na coin gaya ng DAI at USDC sa bawat istratehiya, kung saan ang bawat istratehiya ay nagpapakita ng mga dati nitong kita sa pamumuhunan.

yfi

Bakit May Halaga ang YFI?

Ang YFI ay ang cryptocurrency na namamahala sa platform ng yearn.finance. 

Ibig sabihin, ang sinumang may hawak ng mga YFI token ay makakaboto sa mga patakarang dapat sundin ng mga user kapag ginagamit ang yearn.finance sa pamamagitan ng pagboto sa mga proposal. Para maipatupad sa code ng yearn.finance, kailangang makuha ng proposal ang lampas 50% ng mga boto. Puwedeng gumawa ng proposal ang sinuman, pero ang mga may hawak lang ng YFI ang puwedeng bumoto rito. 

Mahalagang tandaan ng mga investor na may inisyal na naka-fix na supply ang YFI na 30,000 token, pero puwedeng tumaas ang supply na ito kung pagbobotohan ito ng mga may hawak ng YFI. 

May halaga pa rin ang YFI dahil ginagamit ito para hikayatin ang mga user na mag-lock ng mga cryptocurrency sa yearn.finance at sa mga kontrata nito na gumagana sa Balancer at Curve. 

Halimbawa, ang sinumang nagmamay-ari ng YFI ay makakatanggap ng kita na nakolekta ng protocol sa anyo ng mga bayarin. Naniningil ang yearn.finance ng bayarin na 5% para sa serbisyo nito na Mga Vault at 0.5% sa Mga Vault at Earn. Nagpapanatili ang yearn.finance system ng $500,000 na bayarin at ipinapamahagi ang lahat sa mga may hawak ng YFI. 

Ayon sa serbisyo sa pananaliksik na Messari, mahigit $460,000 na bayarin ang naipon sa loob ng isang linggo noong inilunsad ang YFI token. Ibig sabihin, posibleng kumita ang yearn.finance ng hanggang $21 milyon sa mga taunang bayarin.

yfi

Bakit Ko Kailangang Gumamit ng YFI?

Puwede mong magustuhan ang yearn.finance protocol kung balak mong kumita ng interes sa iyong cryptocurrency nang hindi ipinagkakatiwala ang mga pondong iyon sa isang custodian o tagapamagitan. 

Puwede ring maging isang interesanteng puhunan ang mga YFI token kung naniniwala kang patuloy na makakahikayat ang yearn.finance ng mga user na naghahanap ng mga rate ng interes at kita mula sa kanilang mga hawak. 

Tandaan: Nananatiling lubos na eksperimental ang yearn.finance at iba pang DeFi na cryptocurrency at puwedeng napapailalim ang mga ito sa mga panganib na hindi pa natutukoy ng mga pinakabihasang eksperto sa industriya. 

yfi

Simulang Bumili ng YFI


Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang YFI!

 

Buy YFI
yfi

Kraken

(3k)
Get the App