Kraken

OTC

Ang OTC Desk ng Kraken: Malakihang trade na may pribado at personalized na serbisyo 

Ano ang Kraken OTC Desk?

Ang over-the-counter (OTC) trading ay nangyayari sa labas ng open Kraken exchange. Inaalok namin ang mas malalim na liquidity at isang pribado, mas personalized na serbisyo sa mga institusyon at mga indibidwal na may mataas na net-worth na nangangailangang punan ang kanilang malalaking orders na maaaring makagimbala kapag ginawa sa open market ng mga exchange. Kung ikaw ay nagte-trade ng $100,000, €10,000,000 or 2,000 Bitcoin, kayang ibigay ng OTC desk sa iyo ang maingat, ligtas, at ultra-competitive na execution at settlement service.

Mga feature na nagbibigay ng higit pa sa ligtas at maingat na mga transaksyon at settlement.

Ekspertong pananaw sa market

Ang mga miyembro ng desk ay may malawak na karanasan sa industriya ng trading, dahil sa sila ay dati nang nagpamalas ng kahusayan sa mga pangunahing institusyong pampinansyal tulad ng JP Morgan, Credit Suisse, UBS, Morgan Stanley, at Merrill Lynch. Bilang isang kliyente ng OTC, ikaw ay makakatanggap ng pang araw-araw na trade at mga market recap, pati na rin ng mga ekspertong opinyon sa desk patungkol sa kasalukuyang crypto market.

&13;

1-on-1 Service

May kasamang napakahusay at high-touch na serbisyo sa bawat hakbang, mula sa paunang konsultasyon hanggang sa mapunan ang trade, sinamahan pa ng trade reporting at market insights. Makikipagtulungan kami sa inyo sa buong proseso upang sagutin lahat ng inyong mga katanungan sa layuning bumuo ng komportable at pangmatagalang relasyon.

Punosuportang pag-aari

Bukod sa OTC bitcoin trading, kayang suportahan ng OTC desk ng Kraken ang lahat ng mga fiat currency at mga digital asset currency na listed sa Kraken Exchange:

 

Mga fiat currency:

 

  • US Dollars (USD)
  • Euros (EUR)
  • Canadian Dollars (CAD)
  • Japanese Yen (JPY)
  • British pounds (GBP)
  • Swiss francs (CHF)

 

Mga digital na asset:

  • Bitcoin (XBT)
  • Ethereum (ETH)
  • Tether (USDT)
  • Monero (XMR)
  • Ethereum Classic (ETC)
  • Augur (REP)
  • At marami pang iba...

 

Global Coverage (ngayon ay 24/7)

Nagbibigay ng malawakang saklaw ang OTC desk sa Amerika, Europa, at Asya at bukas ito 24/7, maliban sa mga major holiday.

 

 

>Paano ito gumagana

  1. Signup

    Magsimula sa pamamagitan lamang ng pag-email sa otc@kraken.com ng iyong katanungan. Kapag nakapagdesisyon ka nang bumili o magbenta ng malaking halaga ng mga digital asset sa over-the-counter, lapitan lamang ang Kraken OTC desk at kumpletuhin ang onboarding documentation.

  2. Onboard

    Kailangang dumaan sa standard na Kraken onboarding process, at ma-verify sa pinakamataas na antas, para maging kliyente ng OTC at makagawa ng malalaking transaksyon.

    Lahat ng kliyente ng OTC ay kinakailangang magsumite ng iba't ibang klase ng dokumento tulad ng Government ID, Proof of Residence at Proof of Income.

  3. Makipag-ugnayan

    Makipag-ugnayan sa trade-desk sa pamamagitan ng chat, text o tawag patungkol sa trade na nais mong gawin. Hindi kailangang mahaba ang mensahe, maaaring mo lang sabihin na:

    Ikaw: “Gusto kong bumili ng 200 na Bitcoin.”

    Aming Trader: “Maaari kitang bentahan ng 200 na BTC sa halagang $7,000 USD bawat Bitcoin.”

  4. Kumpirmahin ang trade

    Ikaw ang magdedesisyon kung tatanggapin mo ang inaalok na presyo. Kung pumayag ka, kumpirmado na ang trade, at hihingan ka ng trader ng deposit address kung saan ipapadala ang binili mong asset.

    Matapos kumpirmahin ang trade, hintayin ang kumpirmasyon ng transaksyon na ipapadala sa iyong email. Makikita sa email na ito ang wire instruction para sa bank account ng OTC kung saan mo ipapadala ang bayad.

  5. Kumpletuhin ang trade

    Sa oras na matanggap ng Kraken OTC ang pera, ipapadala ng aming trader ang asset sa ibinigay mong wallet address pati na ang confirmation email sa iyong inbox, at kumpleto na ang trade.

Terms and Eligibility

  • Ang pinakamababang order size ay $100,000 pero maaaring pag-usapan ang mga exception depende sa sitwasyon.

  • Ang Kraken OTC ay hindi nangangalaga ng mga asset sa ngalan ng mga trading counterparty.

  • Ang eligibility ay base sa AML/KYC at iba pang mga requirement.