Kraken

Bitcoin at cryptocurrency para sa mga beginner

Alamin ang mga basic sa tulong ng mga Crypto Guide ng Kraken, kung saan idinedetalye namin ang ilan sa mga nangungunang proyekto sa industriya para may alam ka bago ka mamuhunan.

Ang mga pinakasikat naming asset

Bitcoin (BTC)

Ang Bitcoin ay isang open-source software na simula pa noong 2009 ay nagbigay-daan na sa exchange ng isang bagong anyo ng pera (BTC) sa internet.

Ethereum (ETH)

Isa sa mga pinakaambisyosong cryptocurrency sa ngayon, inilunsad ang Ethereum noong 2014 para i-decentralize ang mga produkto at serbisyo sa mas malawak na paggamit sa labas ng pera.

Ripple (XRP)

Ang XRP ay isang cryptocurrency na naglalayong umakma sa mga tradisyunal na pagbabayad, nililipat nito ang mga transaksyon na kasalukuyang nangyayari ngayon sa pagitan ng mga database na kontrolado ng mga financial firm patungo sa isang mas bukas na imprastraktura.

Bitcoin Cash (BCH)

Inilunsad noong 2017, ang Bitcoin Cash (BCH) ay isang mas bagong cryptocurrency na naglalayong mag-alok ng alternatibo sa pinakaluma at pinakatine-trade na cryptocurrency sa mundo, ang Bitcoin (BTC).

Litecoin (LTC)

Ang Litecoin (LTC) ay isa sa mga unang-unang proyektong kumopya at nagbago sa code ng Bitcoin at ginamit ito para maglunsad ng bagong cryptocurrency.

EOSIO (EOS)

Ang cryptocurrency na nagpapagana sa EOSIO blockchain, mahalaga ang EOS para sa mga developer na gustong bumili at mag-stake ng EOS para maglunsad ng mga decentralized application (dapp).

Mga pinakabagong asset na idinagdag sa Kraken

Synthetix (SNX)

Ang Synthetix ay isang software na nagbibigay-daan sa mga user na mag-mint ng mga bagong crypto asset na sumasalamin pareho sa mga asset sa totoong mundo (gaya ng U.S. dollar) at mga crypto asset (gaya ng Bitcoin). Ang mga synthetic asset na ito (Synths) ay suportado ng cryptocurrency ng platform, ang Synthetix Network Token (SNX), na naka-stake bilang collateral para makabuo ng mga reward.

Balancer (BAL)

Pinapangasiwaan ng Balancer ang pagte-trade nang walang sentral na order book, sa halip, hinahayaan nito ang mga user na gumawa ng mga index fund sa pamamagitan ng pag-lock ng hanggang walong crypto asset sa mga custom na pool sa pagpapahiram. Sa Balancer, binabalanse ulit ang iyong portfolio sa blockchain ng mga trader na sumusulit sa mga oportunidad para sa arbitrage.

Curve (CRV)

Ang Curve ay ginagantimpalaan ang CRV token users na nagbibigay ng liquidity sa kanilang mga pool. Pagkatapos, gagamitin ng mga trader ang pinagsama-samang pondo para makipagpalitan ng iba’t ibang stablecoin para maiwasan ang slippage at matataas na bayarin.

Polkadot (DOT)

Ang Polkadot ay isang software na naglalayong magbigay ng insentibo sa isang pandaigdigang network ng mga computer para magpatakbo ng blockchain kung saan puwedeng ilunsad at paganahin ng mga user ang mga sarili nilang blockchain.

Kusama (KSM)

Ang Kusama ay isang pampublikong pre-production environment para sa Polkadot, na nagbibigay-daan sa sinumang developer na mag-eksperimento at sumubok ng mga bagong blockchain o application bago ilabas ang mga ito sa network na ito.

Augur (REP)

Ang Augur ay isang software na naglalayong magbigay ng insentibo sa isang pandaigdigang network ng mga computer para magpanatili ng isang prediction market platform gamit ang Ethereum (ETH). Puwedeng sabihin ng mga user ang kanilang mga opinyon sa posibilidad ng isang pangyayari sa hinaharap sa pamamagitan ng pagbili ng mga share sa isang partikular na resulta nang hindi umaasa sa isang namamahalang bookkeeper.