Kraken
btc

Ano ang Bitcoin? (BTC)

Ang Gabay ng Nagsisimula sa Bitcoin


Ang Bitcoin ay isang imbensyon na, sa unang pagkakataon sa kasaysayan, ay nagbigay-daan sa isang grupo ng mga gumagamit ng software na lumikha at mamahala ng isang digital na supply ng pera sa labas ng kontrol ng anumang gobyerno o bangko. 

Isang napakamakabagong ideya noong ipinakilala noong 2009, ang Bitcoin ay patuloy na may mga implikasyong nagsisimula pa lang na maunawaan at matuklasan ng mga technologist at ekonomista ngayon. 

Nangangahulugan ito na, depende sa kung sino ang tatanungin mo, maaari kang makakuha ng iba't ibang sagot sa mga tanong tulad ng “Ano ang Bitcoin? at “Bakit may halaga ang bitcoins?” 

Bilang panimula, kapaki-pakinabang na isipin ang Bitcoin bilang software protocol tulad ng mga ginagamit mo araw-araw – parang SMTP (na tumutulong sa pagruta ng iyong mga email) at HTTP (na nagsisiguradong ang web content na hinihiling mo mula sa iyong browser ay inihahatid sa iyo ng mga server). 

Ang Bitcoin protocol ay nagbibigay-daan sa mga computer na nagpapatakbo ng software nito na mamahala ng set ng data (ang blockchain) at magpatupad ng isang hanay ng mga panuntunang ginagawang kaunti at mahalaga ang data na ito (mga bitcoin). 

Bilang essential building blocks nito, gumagamit ang Bitcoin protocol ng: 

  1. Cryptography na may pampublikong susi –– Ang software ng wallet ay nagtatalaga sa mga may-ari ng bitcoin ng pampublikong susi (na ginagamit ng protocol upang patunayang pagmamay-ari mo ang bitcoin) at ng pribadong key (isang uri ng password na, kung mase-secure nang mabuti, maggagarantiyang ikaw lang ang makakapag-access sa iyong mga bitcoin).
  2. Peer-to-peer networking – Sinusuri ng mga node (mga computer na nagpapatakbo ng software) ang mga transaksyon upang matiyak na nasusunod ang mga panuntunan ng software’. Nakikipagkumpitensya ang mga miner (mga node na gumagamit ng mga espesyal na computer chip) para sa karapatang i-batch ang mga transaksyong ito sa mga block na pana-panahong idinaragdag sa blockchain.
  3. Limitadong supply –– Ayon sa mga patakaran ng software, 21 milyong bitcoin lang ang maaaring gawin, isang limitasyong nagbibigay ng halaga sa bitcoins.

Ang Bitcoin blockchain ay isang kumpletong record ng history ng networ’k na na-validate ng mga indibidwal na nagpapatakbo ng Bitcoin software (mga node). Tinitiyak nito na hindi tulad ng karamihan sa mga digital na data, na malayang makokopya at mababago, hindi magagawa ang mga ito sa mga bitcoin. 

Dahil kaunti, nahahati at naipapasa ang mga bitcoin, ginagamit bilang pera ang mga bitcoin.

btc

Sino ang Gumawa ng Bitcoin?

Bagama't tiyak na masasabi Bitcoin na ito ang gumawa ng unang matagumpay na cryptocurrency sa mundo, binuo ang teknolohiya nito sa ibabaw ng ilang dekada ng mga ideya tungkol sa kung paano makakatulong ang cryptography na gumawa ng digital na pera.

Kabilang dito ang mga panimulang proyekto tulad ng:

B-money – Isang iminungkahing anonymous at distributed na digital cash system

Bit Gold – Isang pagtatangkang gumawa ng isang uri ng limitadong online na commodity

eCash – Ang unang malaking pagtatangkang gumawa ng mga anonymous na online na pagbabayad

HashCash – Isang proof-of-work system na idinisenyo upang maiwasan ang spam sa email

Noong 2006, nagsimulang magsulat si “Satoshi Nakamoto,” isang hindi pa rin kilalang tao o grupo, ng code para sa bagong digital na cash system na tinatawag na “Bitcoin.” 

Sinundan ito ng pag-publish ng white paper na nagpapaliwanag sa iminungkahing sistemang ito noong 2008, at ng paglabas ng Bitcoin 0.1, ang unang bersyon ng software, noong Enero 9, 2009.

Nagsulat si Nakamoto ng napakaraming email at post sa forum na nagbibigay ng kanyang mga saloobin tungkol sa hinaharap ng Bitcoin bago siya umalis sa proyekto noong 2011. Ngayon, daan-daang developer ang nag-aambag sa code ng Bitcoin, kung saan ginagawa nila ang lahat mula sa mga nakagawiang pag-aayos ng bug hanggang sa mga pagpapahusay sa efficiency.

btc

Paano Naging Desentralisado ang Bitcoin?


Naniniwala ang maraming technologist na ang pangunahing katangian ng Bitcoin – ibig sabihin, kung bakit ito natatangi sa iba pang digital money system – ay ang network nito ay desentralisado.

Upang lubos na maunawaan ang ideya sa likod ng desentralisasyon at kung bakit napakahalaga nito, makatutulong na pag-isipan kung paano gumagana ang banking sa panahon ngayon.

Malamang na regular mong idinedeposito ang iyong suweldo sa isang bank account. Sa sitwasyong ito, binibigyan ka ng bangko ng paraan upang magamit ang iyong pera (sa pamamagitan ng mga ATM nito, mga card sa pagbabayad at mga tseke), habang pinapanatili itong ligtas laban sa pagnanakaw (na may mga security guard, vault at alarm).

Sa aming halimbawa, ang mga bangko ay kumikilos bilang mga sentral na awtoridad. Mga third party sila na nagpapadali sa mga transaksyon sa pagitan ng mga indibidwal at negosyo. Ang puno't dulo nito, ang mga bangko ay nagsisilbing mga middleman sa iyong mga transaksyon. Pagkatapos ay ibinibigay nila ang parehong serbisyo para sa lahat ng mga customer, na nagbibigay sa kanila ng kontrol sa isang malaking supply ng pera ng iba pang tao. 

Dahil sa kapangyarihang ito, madali nilang mababago ang mga patakaran. Maaaring ipahiram ng iyong bangko ang iyong pera nang wala ang iyong pahintulot, maaari itong magpasyang huwag iproseso ang isang transaksyon para sa iyo o kahit na tanggihan ka ng access sa iyong pera. Maaari ding kunin ng mga pamahalaan at mga kriminal ang iyong data at pera mula sa mga bangko.

Ang ideya sa likod ng Bitcoin ay ang magkaroon ng sistema kung saan walang middleman o sentral na awtoridad. Ikaw lang ang may kontrol sa iyong pera at hindi maaaring tanggihan ang iyong mga transaksyon.  

Ang Bitcoin ay “desentralisado” dahil nagbibigay-daan ang software nito sa sinuman na i-verify nang walang trust ang pagiging tunay at limitado ng mga bitcoin na kanilang natatanggap. Sa ganitong paraan, nalulutas ng desentralisasyon ng Bitcoin ang isyu sa trust na likas sa mga sentralisadong tagapamahala ng pera. Kung may kahit anong computer na huminto sa paggana nito, maaari itong palitan ng iba. 

Madalas na iniisip ng mga developer ng Bitcoin na ang network ay desentralisado nang higit pa o hindi gaano depende sa kung magkano ang gagastusin ng karaniwang user upang i-synchronize ang isang node sa network, at nagmumungkahi sila ng mga pagbabago sa protocol ayon sa kung paano ito maaaring makaapekto sa prosesong ito.

btc

Where does Bitcoin come from?

To incentivize users to maintain the network, Bitcoin has a built-in reward system that is more commonly known as bitcoin mining.

Every time a miner adds a block to the blockchain, the protocol rewards them with a certain amount of newly minted Bitcoin. One successful miner receives a set number of bitcoins per completed block. This prize is called a block reward.

As of April 2023, the block reward was 6.25 Bitcoins per block. The protocol automatically halves this reward every 210,000 blocks in a process called the Bitcoin Halving. Once the number of bitcoin in circulation reaches 21 million, the maximum limit, the protocol will release no more coins.

Bitcoin mining is known as an energy-intensive process, but recent advances in the technology have reduced the amount of greenhouse gas emissions associated with the process. Bitcoin mining still requires powerful computers to process transactions, but most major minors are now focused on renewable energy usage. Individual miners might still require special hardware and software that often cause higher energy consumption.

Satoshi Nakamoto designed the Bitcoin network to be self-regulating. The difficulty of mining Bitcoin (i.e., adding new blocks to the blockchain) changes every 2016 blocks, or once every two weeks. This adjustment makes sure that the rate at which new Bitcoin enters circulation remains around the programmed target of ten minutes.

btc

Bakit May Halaga ang BTC?


Nasa Bitcoin din ang marami sa mga katangiang nagbibigay ng halaga sa mga tradisyunal na commodity at pera ng pamahalaan – ang pagiging limitado, matibay, portable, nahahati, fungible at tinatanggap. 

Maaari pa ngang sabihing nakakalamang ang BTC kaysa sa mga pera ng pamahalaan at mga commodity sa marami sa mga kategoryang ito.

Pagiging Limitado

Ang supply ng BTC ay mas limitado kaysa sa supply ng pilak at ginto, dahil 21 milyong BTC lang ang ipapasok sa ekonomiya ng network magpakailanman.

Noong na-mine ang unang block noong 2009, 50 BTC ang inilabas. Sa pamamagitan ng prosesong ito, mahigit 18 milyong BTC ang naging available noong 2020.

Ang bilang ng BTC na inilalabas sa bawat block ay hinahati sa kalahati halos bawat apat na taon upang panatilihing limitado ang kabuuang supply, sa isang event na tinatawag na halving (o halvening). 

Pagiging Matibay

Kailangang may sapat na tibay ang anumang anyo ng pera upang magamit nang paulit-ulit. Ang mga pribadong key ng BTC ay mga numero at titik, na maaaring itatak sa stainless steel, i-back up o hatiin sa ilang piraso, para maging mas matibay. 

Pagiging Portable

Sa BTC, maaari mong dalhin ang lahat ng iyong kayamanan sa isang flash drive, kabisado sa iyong isip o ilipat ito kaagad sa pamamagitan ng internet. 

Pagiging Nahahati

May mga denomination ang lahat ng pera upang makabili ang mga tao ng mga produktong may iba't ibang halaga. Halimabawa, nahahati ang U.S. dollars mula sa mga $100 bill hanggang mga penny. 

Nahahati rin ang BTC at maaari itong hatiin hanggang sa pangwalong decimal place. Ang pinakamaliit na yunit ng pera ay tinatawag na Satoshi hango sa gumawa ng Bitcoin. Ang 1 BTC ay katumbas ng 100,000,000 satoshi (sat).

Pagiging Fungible

Dapat pare-pareho at interchangeable ang lahat ng yunit ng pera. 

Tulad ng papel na cash o ginto, depende sa kung paano mo natanggap ang iyong BTC, magkakaroon ito ng iba't ibang antas ng pagiging fungible. Halimbawa, maaaring hindi tanggapin ng mga exchange o merchant ang BTC na sangkot sa krimen. (Nananatili itong aktibong bahagi ng pananaliksik para sa mga developer ng Bitcoin.)

Pagiging Tinatanggap

Para sa makapag-store ng halaga ang isang bagay, kailangang kilalanin at tanggapin ng mga tao na may halaga ito.

Sa kasalukuyan ay may libu-libong indibidwal at vendor na tumatanggap ng mga pagbabayad sa Bitcoin, mula sa Microsoft hanggang sa Subway, at libu-libong iba pang maliliit na negosyo na tumatanggap ng mga pagbabayad at donasyon gamit ang Bitcoin.

Maaari ka ring bumili at magbenta ng BTC kapalit ng iba pang cryptocurrency kasama ng mga mas nakasanayang pera sa mga exchange tulad ng Kraken, na online 24/7 upang tumugma sa iyong mga trade.

btc

Magsimula


Handa ka na ngayon sa susunod na hakbang at bumili ng Bitcoin!

 

btc

How do you buy bitcoin?


You can buy bitcoin using an online cryptocurrency exchanges.

Centralized exchanges such as Kraken will require personal information and identification to follow know-your-customer regulations. There are many crypto exchanges and you can also trade bitcoin with individual sellers.

You can read our Kraken Learn Center guide How to buy Bitcoin for a complete overview or get started by creating your free Kraken account today.

Get started
btc