Kraken

About

Bakit Kraken?

Pagtatatag Internet ng pera

Bilang isa sa pinakamalaki at pinakamatagal na Bitcoin exchange sa buong mundo, patuloy na tinatanghal ang Kraken na isa sa pinakamagandang lugar para bumili at magbenta ng crypto online. Salamat sa aming mahusay na serbisyo, mababang bayad, maraming pagpipilian ng paraan ng pagpondo at pagkuha ng pera, at mahigpit na pamantayan sa seguridad--ngunit parte lang ito ng buong kwento. Nangunguna na kami sa blockchain revolution mula pa noong 2011.

Ang aming misyon ay mapabilis ang pagtanggap sa cryptocurrency upang ikaw at ang buong mundo ay makamit ang kalayaan sa pananalapi.

Sino kami

Bilang pagkilala sa kahalagahan ng Bitcoin mula sa simula at pag-unawa na ang exchange ay ang pinaka kritikal na bahagi ng ecosystem ng cryptocurrency, itinatag ni Jesse Powell ang Kraken upang mabigyan ang mga tao ng mabilis at ligtas na paraan ng pag-invest sa crypto space. Simula noon, ang kumpanya ay mabilisang lumago na may daan-daang mga empleyado sa iba't ibang parte ng mundo. Kami ay isang grupo ng mga diverse thinker at doer na nakatuon na palawigin at ma-access ang cryptocurrency ng mundo at matulungan ang mga tao, ano man ang katayuan sa buhay, na malayang makapag-invest

:

Anong ginagawa namin

Empowering investors


Ikaw man ay isang advanced trader o baguhan pa lamang sa crypto, binibigyan ka ni Kraken ng kapangyarihang mai-tsart ang iyong sariling financial course. Ang aming exchange ay mayroong patuloy na dumadaming bilang ng mga pares ng cryptocurrency para iyong pamumuhunan at maraming mga tool at mga feature na maaari mong gamitin habang pinapalaki ang iyong portfolio. 

Supporting institutions

Mula sa over-the-counter trading hanggang sa personal at maingat na account management, si Kraken ang pangunahing solusyon sa pamumuhunan ng cryptocurrency para sa mga institusyon. Ibinibigay namin ang pambihirang liquidity at competitive pricing sa lahat ng aming market upang makamit mo ang iyong mga investment goal nang mas mabilis at may kumpiyansa.

Sumali sa rebolusyon

Mula nang unang minahin ni Satoshi ang genesis block ng Bitcoin noong 2009, nagsimulang baguhin ng crypto ang mundo - at ang team ng Kraken ang nangunguna sa pagsulong. Naghahanap kami ng mga taong may talento, nakakapagbigay ng inspirasyon, at masigasig ukol sa malawakang pagpapakilala sa cryptocurrency. Kung interesado kang sumali sa Kraken, i-click ang link sa ibaba upang malaman ang higit pa tungkol sa lahat ng aming mga open job listing.