Kraken

Ethereum vs. Bitcoin

Kung ikaw ay nagsisimula pa lamang mamuhunan sa cryptocurrency, malamang narinig mo na ang Bitcoin at Ethereum, dalawa sa pinakamalaking blockchain sa mga tuntunin ng halaga at impluwensya.

 

Marahil ay nadaanan mo na ang pahinang ito sa pag-asang makakuha ng pag-unawa kung anu ang pinagkaiba ng Ethereum at Bitcoin. Mahusay kung gayon, ito ang nangyari sa pagkumpara ng Ethereum vs Bitcoin sa isang mahusay na paraan upang matutunan hindi lamang iyon, ngunit tungkol din sa mga crypto asset sa pangkalahatan.

 

Tayo'y mag-umpisa sa 10,000-foot view. 

Ethereum vs Bitcoin
Bitcoin

BITCOIN

Ang Bitcoin ay ginawa bilang sagot sa pag-manipula ng gobyerno sa pera, at naghahangad ito na maglingkod bilang alternatibo sa tradisyunal na mga currency ng gobyerno.

Ethereum

ETHEREUM

Ang Ethereum, sa kabilang kamay, ay ipinatayo upang maging isang uri ng operating system para sa kahit anong bilang na mga custom asset at mga programa.

Habang maaaring ito ay isang sobrang pagpapaliwanag kung paano gumagana ang dalawang hindi kapani-paniwala at kumplikadong mga network na ito, ang layunin ng artikulong ito ay upang bigyan ka ng isang magkakatulad na paghahambing ng Bitcoin at Ethereum upang masimulan mong mas maunawaan at pahalagahan ang mga pagkakaiba sa iyong sarili. 

Ang pagkakaiba ng Ethereum at Bitcoin

btc

Bitcoin

Ang Bitcoin ay isang open-source software na nagpapahintulot sa global user base nito na mamahala sa digital money supply na labas sa kontrol ng gobyerno o bangko sentral.

 

Nilikha ito bilang tugon sa krisis sa ekonomiya sa buong mundo noong 2008 bilang isang paraan upang labanan ang inflation. Sa katunayan, ang unang block na na-mina ay naglalaman ng mensahe: “The Times 03/Jan/2009 Chancellor on brink of second bailout for banks,” ang mensaheng pinaniwalaan ng lahat na nagsilbi bilang rebolusyonaryong layunin ng proyekto.

 

Pinapayagan ng Bitcoin software ang mga computer na nagpapatakbo nito na pamahalaan ang isang ledger (ang blockchain) na mananagot para sa lahat ng mga transaksyon na ginawa gamit ang currency nito (BTC) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba't ibang alituntunin.

 

Ang Bitcoin blockchain ay isang buong record ng kasaysayan ng transaksyon ng network na napatunayan ng mga node, o mga indibidwal na nagpapatakbo ng software nito. Tinitiyak nito na ang bawat BTC ay hindi makokopya o mababago, at ang mga bitcoin ay hindi maaaring malikha o magamit sa paraang labag sa mga panuntunan nito.

 

Ang mga Bitcoin ay kakaunti, nahahati at naililipat, mga dahilan upang gawin itong isang mahalagang alternatibong pera.
 

eth

Ethereum

Ang Ethereum ay nilikha na may intensyong maging global, open-source platform para sa pasadyang mga asset at bagong mga uri ng mga aplikasyon sa ekonomiya. 

 

Itinuturing na isa sa pinaka ambisyosong mga proyekto ng blockchain hanggang ngayon, ang Ethereum ay naglalayon na mag-leverage ng teknolohiya ng blockchain sa desentralisadong mga produkto at serbisyo sa malawak na saklaw ng mga use cases na hindi maaabot ng pera. 

 

Hanggang ngayon, ang Ethereum ay nakakita ng ilang natatanging mga yugto na binigyang diin ang iba't-ibang aspeto ng kakayahan nito.

 

Una, dumagsa ang mga negosyante sa Ethereum noong 2017 sa panahon ng kasikatan ng "ICO boom", kung saan ang mga tagalikha ay sinubukang itaas ang pera para sa bagong mga proyekto gamit ang bagong mga asset sa Ethereum blockchain. Sa mga oras na ito, ang Ethereum na nakita bilang global capital allocator at funding mechanism.

 

Ang bagong yugto ng Ethereum, na tinatawag na decentralized finance (DeFi), ay nagsimula nang magtamo ng atensyon noong 2020. Nakita sa kilusang ito ang paglikha ng decentralized applications (dapps) na inilaan para sa awtomatikong pang pinansyal n mga serbisyo tulad ng lending o pag-hiram nang hindi kailangan ng tradisyonal na bangko o tagapamagitan. 

Mga kapaki-pakinabang na mapagkukunan

Kung nais matuto nang higit pa tungkol sa Bitcoin at Ethereum, pakibisita ang Kraken's “Ano ang Bitcoin?< /a>” at “

 

Kung gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa mga mekanismo ng consensus na nagpapagana sa bawat blockchain, ang “Proof of Work vs. Proof of Stake” na page ay kung saan mo gustong pumunta! 

 

Gusto mo ng mas malalim na impormasyon sa mga partikular na cryptocurrencies at mga proyekto ng blockchain? Kung gayon, bisitahin ang aming Learn Center upang palawigin ang iyong edukasyon sa patuloy na lumalagong espasyong ito.