Kraken

Bitcoin at Crypto Developer Grant Program

Alamin kung paano ka makakakuha ng quarterly open-source developer grant mula sa Kraken

bitcoin crypto developer grant

Pondohan ang Iyong Pangarap na Development Project

Sa Kraken, alam namin na ang aming tranaho ay hindi magiging posible kung wala ang hindi mabilang na oras na ginugol sa mga makabagong ideya sa pamamagitan ng madamdamin na mga open-source contributor. 

Ang Bitcoin at iba pang mga cryptocurrencyay hindi mananatili kung wala ang mga bayaning ito. 

Kung kaya kami ay nagsimula ng open-source grant program na dinisenyo upang i-highlight at itaas ang mahusay na trabaho na mahalaga sa pagtulong sa mga crytocurrency na makamit ang kanilang potensyal.

Makikita mo sa ibaba ang impormasyon kung paano mag-apply para sa Kraken grant, pati na rin mga halimbawa ng trabaho na nag bibigay inspirasyon sa aming pagbibigay noong nakaraan. 

Inaasahan namin ang magkakasamang pagpapalawak ng pinansyal na kalayaan. 

Developer Grants

Here you can find a history of Kraken’s open-source donations.

Grant Categories

Ang Kraken ay bukas sa isinasaalang-alang na grant na mga oportunidad sa mga sumusunod na mga protocol, bagaman maari naming isaalang-alang ang mga oportunidad sa mga lugar na hindi nakalista sa ibaba: 

  • Bitcoin (BTC)
  • Ethereum (ETH)
  • Lightning (LN)
  • Monero (XMR)
  • Iba pang mag publikong cryptocurrency 
  • Rust

Grantee Requirements

Iginagawad ang mga Kraken grant nang walang obligasyon.  

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga tatanggap ng grant na magsumite ng quarterly update tungkol sa epekto ng kanilang trabaho, at talakayin ang kanilang ginagawa sa mga event at social media ng Kraken.

Handa nang mag-apply?

Kung ikaw ay interesado na mag-apply para sa open-source grant, mangyaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email sa pamamagitan ng pagclick sa link sa ibaba. Huwag mag-atubiling magsama ng mga materyales tungkol sa iyong proyekto at/o organisasyon, maaari kang makipag-ugnayan upang magsimula ng usapan.

Masaya naming inaabangan ang panahon na makarinig mula sa iyo!
Mag email sa amin