Kraken

Mga Index

Mahuhusay na Cryptocurrency Index

Mga index mula sa isang natatanging leader sa cryptocurrency benchmarking

Binibigyan ka ng Kraken ng access sa kada araw at kada segundong presyo at mga market benchmark mula sa ganap naming pag-aaring subsidiary na CF Benchmarks — ang pinakaunang cryptocurrency index provider sa buong mundo, na awtorisado at nireregularisa ng UK FCA.

Bilang mapagkakatiwalaang partner ng mga pinakarespetado at innovative na pinansyal na institusyon, ang mga reference rate, real time na index, at index portfolio ng CF Benchmarks ang nagbibigay ng impormasyon sa mga nireregularisang pinansyal na produkto kabilang ang mga nakalistang derivative, investment fund, at structured na produkto mula sa mga nangungunang firm sa buong mundo. Isa sa mga pangunahing iniaalok ng CF Benchmarks ang flagship nitong CME CF Bitcoin Reference Rate (BRR), na ginagamit para i-settle ang mga Bitcoin-USD futures contract na inilista ng CME Group pati na ang valuation benchmark para sa Bitcoin ng iba't ibang asset manager sa buong mundo.

Pagtiyak sa integridad ng index at market

Saklaw ng CF Benchmarks ang mahigit 40 asset na may mga replicable na cryptocurrency benchmark at index, kung saan ang lahat ng ito ay suportado ng mahuhusay na pampublikong methodology na ganap na market tested simula 2017. 

Bukod pa rito, sumusunod ang mga index ng CF Benchmarks sa pinakamatataas na pamantayang panregulasyon ng UK Benchmark Regulations (BMR), na independiyenteng ino-audit ng Deloitte. Isa itong patunay na ang kanilang pamamahala, mga proseso, at mga kontrol ay ganap na nakakasunod sa UK Benchmarks Regulation.

Ginagabayan ng CF Digital Asset Classification Structure ang mga investor sa blockchain economy

Ang CF Digital Asset Classification Structure (CF DACS) ay isang mahusay at komprehensibong multi-level system ng pagklasipika at pag-segment ng mga digital asset ayon sa functional na layunin ng mga ito. Ginawa ito para tulungan ang mga investor na maunawaan ang blockchain economy at i-optimize ang kanilang mga digital asset portfolio. Interactive na rin sila gamit ang kanilang CF DACS Token Explorer. 

DACS

Ano ang mga pangunahing prinsipyo ng CF DACS?  

  • Mutual Exclusivity - walang asset na puwedeng umiral sa mahigit isang kategorya sa kahit na anong partikular na pagkakataon
  • Ebolusyon - hinihigitan ang mga trend sa kasalukuyan at sa hinaharap habang hinahayaan ang mga asset na magpalipat-lipat sa pagitan ng mga kategorya habang nag-e-evolve ang mga ito sa paglipas ng panahon
  • Pagiging Unibersal - komprehensibo ang klasipikasyon at naglalaman ito ng lahat ng kwalipikadong asset sa universe

Para saan ginagamit ang CF DACS?

Layunin ng CF DACS na tulungan ang mga investor na mas maunawaan ang blockchain economy, at suportahan ang proseso ng paggawa at pagsusuri ng portfolio, kabilang ang pangangasiwa sa paggawa ng mga portfolio na sasaklaw sa anumang uri ng digital asset, buong mga value chain, o mga pang-ekonomiyang kategorya sa blockchain. 

Sa CF DACS, nagagawa ng mga investor at manager na maunawaan at maipahayag ang mga return driver ng kanilang mga digital asset portfolio sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa attribution ng performance at panganib. Para tulungan kang i-visualize kung paano nag-perform ang mga index constituent simula noong huling pag-rebalance, gumawa kami ng maiikling video animation para sa bawat index.

 

CF

Kraken Pro

(35k)
Kunin ang App