Kraken

Seguridad

Seguridad na nangunguna sa industriya ang pumoprotekta sa iyong mga investment.

Ang pag-iingat sa iyong pondo at privacy ay ang aming numero unong layunin

Isang komprehensibong approach ang ginagawa ng Kraken upang maprotektahan ang inyong mga investment. Gumawa ng mga sopistikadong hakbang ang aming mga eksperto upang maiwasan ang pagnanakaw ng pera o impormasyon. 

Marami pang banta bukod sa pagnanakaw. Bilang isang propesyonal na exchange, kami ay mayroong financial stability, na may full reserves, mainam na banking relationship, at pinakamataas na pamantayan sa legal compliance.

Kraken Security Labs

Sinusuri namin ang mga serbisyo at produkto ng mga third-party sa pagsisikap na matulungang kilalanin, isapubliko at lutasin ang mga isyu bago pa sila pagsamantalahan ng mga may masasamang balak. Tuklasin ng higit pa ang tungkol sa Kraken Security Labs.

Seguridad higit sa lahat.

World-class na Security Team

Bumuo kami ng isang grupo ng mga nangungunang propesyonal sa larangan ng seguridad. Gamit ang risk-based approach, sinisiguro naming protektado ang lahat ng asset ng aming mga kliyente habang pinapanatili ang aming pambihirang performance at walang kaparis na client experience. May ilang dekadang karanasan ang aming grupo sa paggawa ng mga security program para sa mga kilalang brand, pagsiyasat sa mga pinakamalalaking consumer data breach, pagbuo ng security technology na pinagkakatiwalaan ng milyon-milyong mga negosyo, at pagtuklas sa mga kahinaan ng teknolohiyang ginagamit ng bilyon-bilyong mga tao araw-araw.

Safe Coin Storage

95% ng lahat ng mga deposito ay nakatago sa offline, air-gapped, at geographically distributed na cold storage. Pinapanatili namin ang full reserves upang masigurong ikaw ay makakapag-withdraw kaagad kung kailangan.

Seguridad ng Platform

Ang aming mga server ay nasa loob ng mga ligtas na taguan na sinusubaybayan ng mga armadong guwardya at mga video monitor 24/7. Mahigpit na kinokontrol ang physical access at code deployment. Walang lumalabas dito ng hindi dumadaan sa matinding pagsusuri.

Impormasyon sa Seguridad

Lahat ng mga sensitibong impormasyon sa account ay naka-encrypt sa parehong system at data level. Mahigpit na kinokontrol at binabantayan ang pag-access dito.Matuto ng higit pa.

Penetration Testing

Mayroon kaming grupo ng mga eksperto na siyang sumusubok sa sarili naming system laban sa kahit anong posibleng attack vector. Mayroon din kaming programang bug bounty upang magamit namin ang malawak na kaalaman ng security research community.

Security Features

  • 2FA (Google Authenticator at Yubikey) upang mapanatiling ligtas ang iyong account
  • Walang Phone/SMS na account recovery, mananatili sa iyong pangangalaga ang iyong account.
  • Mga email confirmation para sa mga withdrawal na mayroong self-serve account lock
  • Account timeout na maaaring i-configure para sa iba pang layer ng proteksyon
  • Granular API key na maaaring i-customize ang mga permission at may mga range boundary
  • Global settings time lock para sa matinding seguridad kapag wala ka
  • PGP signed and encrypted email para sa ligtas na komunikasyon
  • SSL encryption upang ikaw ay maprotektahan kapag nagba-browse sa Kraken 
  • Palagiang real-time na pagmamanman para sa kahina-hinalang aktibidad
  • Zero settlement risk at walang chargeback fraud kapag nagte-trade ng crypto
  • Ang sensitibong data ay ganap na encrypted kahgit na at rest o in transit
  • Mataas na prayoridad sa 24/7 live chat at email support para sa mga mahahalagang isyu.

Nakatuon sa pagtulong sa pag-secure ng crypto-ecosystem

Ang aming misyon ay pataasin ang cryptocurrency adoption sa buong mundo, at kinikilala namin na pinalawak nito ang mga nakaraang produkto at serbisyo ng Kraken. Nakatuon kaming tulungan ang buong industriya na maging mas ligtas, at nangangahulugan ito na makilala ang mga kahinaan sa iba pang mga proyekto o tool na regular na ginagamit ng aming mga kliyente. Sa layuning ito, binuo namin ang Kraken Security Labs upang suriin ang mga serbisyo at produkto ng mga third-party sa pagsisikap na matukoy, isapubliko at malutas ang mga isyu bago sila pagsamantalahan ng mga may masasamang layunin.
Matuto ng higit pa.

Security Resources

Interesadong matuto ng higit pa tungkol sa aming mga kasanayan sa seguridad o kung paano mo maaaring protektahan ang iyong sarili mula sa may masasamang balak?  Suriin ang mga resource sa ibaba. 

Pag-secure ng iyong account

 

Iba Pang Impormasyon sa Seguridad