Kraken

Ano ang Lightning Network?

Gabay ng Nagsisimula sa Bitcoin Lightning Network


Ang Lightning Network (na tinatawag ding Lightning, o LN) ay isang solusyon sa scalability na binuo sa Bitcoin na nagbibigay-daan sa mga user na makapagpadala at makatanggap agad ng BTC nang halos walang bayarin. 

Itinuturing ang Lightning na isang off-chain at Layer 2 na solusyon, ibig sabihin, ang mga paglilipat ay isinasagawa sa isang bagong network ng mga channel ng pagbabayad sa blockchain ng’Bitcoin. 

Bilang una at nangungunang cryptocurrency sa mund’o, naging mahalagang paraan ang Bitcoin sa pinansyal na transaksyon dahil sa unang pagkakataon, ang sinumang may hawak nito ay may kalayaang gawin ang mga sumusunod:

  • Humawak ng bitcoin nang walang hindi inaasahang inflation ng supply 
  • Magpadala at tumanggap ng bitcoin nang hindi kailangang may tagapamagitan
  • Mag-verify ng mga transaksyon gamit ang mga sarili nilang node
     

Gayunpaman, maraming sumasang-ayon na nangangailangan pa rin ang Bitcoin ng mas magandang functionality para maging isang pandaigdigang medium ng exchange at isang peer-to-peer na sistema ng pera gaya ng orihinal nitong plano sa impluwensyal na whitepaper na Bitcoin: A Peer-to-Peer Electronic Cash System. Sa kasalukuyan, hinaharap ng Bitcoin ang mga sumusunod na limitasyon:

  • Mga Bayarin – Dahil limitado ang espasyo sa block, puwedeng mag iba-iba nang matindi ang mga bayarin sa mining batay sa pangangailangang maisama ang transaksyon.
  • Transactions per second – halos 7 transaction per second (TPS) lang ang kaya ng Bitcoin
  • Pagsikip ng network –  Ang mabagal na block time at mataas na paggamit sa network ay puwedeng magresulta ng mga pagkaantala ng kumpirmasyon sa transaksyon
     

Layunin ng Bitcoin Lightning Network na lutasin ang mga limitasyong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga instant at murang transaksyon habang inaabot ang isang throughput na humigit-kumulang 1 milyong transactions per second

Bagama't puwedeng gamitin ang Lightning para sa anumang uri ng paglilipat, para sa karamihan ay kapaki-pakinabang ito para sa mga micropayment o mas maliliit na paglilipat na kadalasan ay hindi praktikal dahil sa mga bayarin sa base layer.

Hanggang Agosto 2021, ayon sa mga istatistika ng Lightning Network, mahigit 2,000 BTC na ang nailipat gamit ang network. 

Mahalagang tandaan na hindi nagpapatupad ng bagong token ang Lightning Network at nagbibigay ito ng parehong mga kalayaan na gaya ng Bitcoin – it’o ay ddecentralized permissionless, at open source. Ang seguridad nito ay hango sa mga on-chain na transaksyon sa Bitcoin, na gumagamit ng mga smart contract para bigyang-daan ang mga agaran ang off-chain na settlement. 
 

what is the lightning network


Mga Benepisyo ng Lightning Network

Pangunahing ginawa ang Lightning Network ng Bitcoin para mas magamit ang mga bitcoin sa mga pang-araw-araw na pagbabayad sa pamamagitan ng pagpapabilis ng transaksyon at pagpapababa sa mga bayarin sa transaksyon. Gayunpaman, nagbunga ng marami pang ibang benepisyo ang pagbubukas ng mga channel ng pagbabayad sa pangalawang layer. 

 

Scalability

Ang Bitcoin ay isang pandaigdigang broadcast system kung saan bine-verify ng lahat ang bawat transaksyon bago idagdag ang mga ito sa blockchain. Bagama’t nagbibigay-daan ito para talagang maging desentralisado ang Bitcoin, ang pangunahin sagabal nito ay makakagawa lang ito ng humigit kumulang pitong transactions per second (TPS). 

Sa pamamagitan ng channel system ng Lightning, nagkakaroon ng mga reusable na ruta na maidaragdag sa Bitcoin blockchain kapag isinara na ang mga channel. Sa teorya, nangangahulugan ito na makakatulong ang LN na ma-scale ang TPS ng Bitcoin nang hanggang isang milyong TPS. 

 

Pagkapribado

Puwedeng i-trace nang wallet sa wallet ang mga transaksyon sa Bitcoin blockchain. Gamit ang Lightning Network, ang pagbubukas at pagsasara lang ng mga channel ang ire-record sa chain, ibig sabihin, halos hindi na mate-trace ang mga micropayment.

btc

Isang Maikling History ng Lightning Network


Ang Lightning Network ay orihinal na naisip sa isang whitepaper na isinulat nina Joseph Poon at Tadge Dryja noong 2015.

Inilabas ang testnet nito noong Mayo 2016 at, noong Enero 2017, inilabas ang unang implementasyon ng Lightning – ang lnd – sa alpha stage nito. Ang unang transaksyon sa totoong mundo sa isang Lightning Network channel ay naganap noong Disyembre 2017, nang ginamit ni Alex Bosworth ang Lightning para bayaran ang kanyang bill sa telepono. 


Sa isang matalinhagang pagtatapos ng alpha development stage, ginamit ni Lazlo Hanyezc – ang unang taong gumamit ng bitcoin sa totoong mundo para magbayad ng 10,000 BTC para sa dalawang pizza noong 2013 – ang Lightning para bumili ulit ng dalawang pizza. 

Pagaktapos nito, marami nang team ang naglabas ng mga Lightning node sa mainnet, kabilang ang mga solusyong c-lightning ng Blockstream, lnd ng Lightning Labs, at Eclair ng Acinq.

Lightning Torch

Noong Enero 2019, ang Twitter personality sa alyas na Hodlonaut ay nagpadala ng 0.001 BTC (o 100,000 satoshi) sa isang trusted wallet gamit ang Lightning Network. Ang layunin ng gawaing ito ay para makapagdagdag ang recipient na ito ng 10,000 satoshi sa kabuuan at ipadala ito sa iba pang LN wallet, na magpapasimula ng isang chain ng mga transaksyon sa buong mundo. 

Ang metaporikal na torch ay naipasa nang 292 beses, kabilang sina Jack Dorsey, Elizabeth Stark at Pierre Rochard, bago umabot sa 4,390,000 satoshi na ipinadala sa Bitcoin Venezuela, isang non-profit na organisasyong naglalayong i-promote ang Bitcoin sa Venezuela.

Paano Gumagana ang Lightning Network?

Ang Lightning Network ay binuo nang off-chain para makapaglipat ng bitcoin ang mga user para mabawasan ang pagsikip ng on-chain na network. 

Para magsimula, bubuksan ang isang channel sa pagitan ng dalawang party kung saan sila puwedeng magsumite ng mga pondo. Pagkatapos, puwede na nilang gamitin ang channel na ito para magpadala ng BTC sa isa’t isa, nang halos walang bayarin, nang hindi na kailangang i-broadcast ang bawat transaksyon sa base layer ng Bitcoin blockchain. 

Puwedeng mag-settle ang magkabilang party sa Bitcoin blockchain at isara ang channel anumang oras. 

Kapag naisara at na-settle na sa base layer blockchain ang channel, ipapadala ang mga pondo sa bawat party ayon sa history ng paglilipat ng channel, na nakabuod na sa kabuuan nito bilang isahang transaksyon sa Bitcoin blockchain. Tanging mga pagbubukas at pagsasara lang ng mga channel ang mga transaksyong nauugnay sa Lightning na bino-broadcast sa Bitcoin. Nakakatulong ito para makapagbakante ng espasyo sa block, na nagreresulta sa mas mabababang bayarin sa network at mas maraming economic na aktibidad bawat block.  

Ang direktang channel ng pagbabayad sa pagitan ng dalawang party ay puwede ring maging bahagi ng mas malaking Lightning Network. Kung walang direktang channel ang dalawang party, puwede silang maglipat ng mga pondo sa pamamagitan ng mga interconnected na pathway. Ang mga Lightning node sa network ay naghahanap ng pinakamagandang ruta para isagawa ang transaksyon. 

Halimbawa, kung dadalhin ka ng kaibigan mo (kung kanino ka may channel) sa paborito niyang coffee shop, kung saan siya may channel, papayagan ka ng Lightning Network na iruta ang bayad mo sa pamamagitan ng kaibigan mo kapag magbabayad ka ng kape, nang hindi mo na kailangang magbukas ng bagong channel sa coffee shop. Nagaganap ang lahat ng ito sa loob ng ilang segundo at hindi mo kailangang maghintay nang matagal o magbayad ng matataas na bayarin gaya sa pangunahing blockchain.

Tandaan, mabilis natutukoy ng mga on-chain na analyst ng Bitcoin ang mga transaksyong ito bilang nagmumula sa Lightning Network dahil lumalabas ang mga ito bilang mga kumplikadong smart contract na naglalagay ng iba’t ibang pampublikong key at lagda na ginagamit sa channel na ito. Ang isyung ito ay tinalakay sa Bitcoin Improvement Proposals na kasama sa Taproot upgrade, na naglalayong mapaganda ang privacy ng bawat transaksyon.

btc

Simulang bumili ng bitcoin


Ngayon, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at bumili ng ilang bitcoin!

 

btc